Chapter 9: Pool Party

222 9 0
                                    

Aburido si Mico sa buong oras na magkakasama kami pero hindi ko na din pinatulan.

May lumapit na waiter at kinausap sina Mico para kuhanan ng order.

Naging maayos at masaya naman ang kwentuhan namin. Palagay na din kasi ang loob ni Camille kay Joshua dahil mas maraming beses na silang nagkasama sa lakad kesa sa'ming dalawa. Lumabas din ang pagka-kwela nya nung kaming apat na ang magkakasama.

Nag-decide kaming umuwi nung alas dos na ng madaling araw. Madami na din kasing nainom si Joshua at halos bagsak na sya kaya tinulungan ko nalang syang tumayo at inakay palabas ng bar.

"Ako na dyan, kuya!". Lumapit si Mico para kunin sa'kin ang kapatid nya na sakto nalang ding nakakalakad.

"No, it's alright. I got this."

"Hindi kuya ako na. Nakakahiya naman sa'yo," sagot ni Mico sabay kuha sa kapatid nya. Hindi na din ako tumanggi at ipinasa sa kanya si Joshua.

Pagdating namin sa hotel ay kinapa ni Mico ang keycard sa mga bulsa ni Joshua. Medyo na nahirapan sya kaya kinuha ko ang kapatid nya para mahanap nya ang keycard at saka nya binuksan ang pinto. Pinasok ko sa kwarto si Joshua na halos hindi na din makahakbang at saka ko sya binagsak sa kama. Pamilyar ang eksena. Tumingin ako kay Mico para tanungin kung anong balak nya.

"I don't think we should leave him like this. Anong balak mo? Sabi nya kanina nung wala pa kayo, he will check out at 10 bukas and then he'll pick us up para direcho na ng Meycauayan but I don't think we can leave him like this."

"I'll stay. Samahan ko muna sya dito. Pasensya na, Cams. Hindi ko maiwan si kuya ng ganito. Kaya mo bang mag-drive kuya?" tanong ni Mico sabay abot ng susi.

"Naka-dami din ako eh," sagot ko.

"Hay naku! I'll do it. Maganda na yung sigurado," sabat ni Camille sabay kuha ng susi. "So pano? Isang sasakyan ba tayo tomorrow or should I use my car din?"

"Isa nalang. Daanan nalang namin kayo. Sasama din naman sa'tin si kuya pabalik."

"O, sya. Late na. Text text nalang." sagot ko at saka na kami umalis.Alas otso ng umaga ng nagising ako ng ring ng cellphone ko. Si Mico.

"My God, Mico! It's so criminally early!" bwisit kong sagot.

"Maaga daw tayo kuya. Aalis kasi later this morning sina lola para kausapin yung magke-cater bukas. Para lang magpang-abot tayo. Kung gusto mo matulog ka nalang dun ulit."

"Shit naman. Si Cams ba natawagan mo na?"

"Oo nagbibihis na. Ikaw lang kaya itong maarte. Basta we'll be there in an hour."Binaba ni Mico ang phone bago pa man makapagreklamo pa kaya napilitan na din akong tumayo at parang zombie na naglakad papuntang banyo.

Pagkalipas ng isang oras ay dumating na sina Joshua habang kami naman ni Camille ay nag-aantay sa canteen. Lumabas kami nung bumusina si Mico na nasa harap at nagdadrive. Hinagis sa'kin ni Camille ang bag nya saka sya umupo sa harapan at saka binaba ng konti ang sandalan at nag zone out na.

"O, kuya, andami mo naman dala? 4 days/3 nights?" pang-aasar ni Mico.

"Tanga! Damit mo ang iba dito."

"Nice! Love you," sagot ni Mico habang nagtataas-taas baba ang kilay at pa-cute na ngumisi.Pinasa ko ang mga bag kay Joshua at saka nya pinatong sa mga nakatambak na bag sa loob. Sakto lang kaming nagkasya sa loob. Nakangiti at mukhang amused sa mga banters namin

"Bro, ayus ka na?" tanong ko.

"Medyo masakit ang ulo pero ayus naman. Matutulog nalang din ako when we get there."

Roommate RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon