Chapter 14: Ball and Chain

245 8 3
                                    

Ni minsan ay hindi sumagi sa isip ko na aabot ang sitwasyon sa ganito. Ang totoo nyan mas gusto ko talagang mag-isa lang sa bahay. Sanay akong walang kasama. Independent. Nag-iba yun nung dumating si Mico at tumira sya sa unit ko. Nag-adjust ako dahil mula sa tahimik na bahay, bigla akong nagkaroon ng kasamang bata. Makulit. Masaya. Carefree. Masiyahin siyang bata. Mahilig manggulat. Mahilig tumawa. Benta lahat ng mga patawa ko sa kanya.

Mabait na bata is Mico. Marunong syang makisama kaya madali ko syang nakagaanan ng loob. Malambing din. Maakbay. Minsan pag naglalakad kami sa Mall bigla nalang syang aakbay sa'kin na parang isa ako sa mga "tropa" nya. Medyo nailang ako nung una dahil hindi naman ako sanay sa ganon. Pero eventually nakasayan ko na din.

Naging malapit kami sa isa't isa ni Mico na para kaming magkapatid. O higit pa. Kapag dumaan ang isa sa amin sa fastfood o sa starbucks para mag take-out ng pagkain, automatic na bibilhan din ang isa. Pinagtitimpla namin ng kape ang isa't-isa. Umabot sa punto nagagawa nyang uminom sa baso na ininuman ko. Gamitin ang kutsara na nagamit ko na. Nung nag-outing kaming magbabarkada sa Hong-kong, magkasalo kami sa pagkaing ino-order namin para makatipid kahit ako lang naman ang kailangan magtipid. Magkasama din ang aming mga gamit sa iisang maleta. Siguro dun nag umpisa na pagtsismisan na nagkakagustuhan na kami.

Napaka-unusual nga naman para sa dalawang lalaki ang maging ganun ka close. Kahit nung time na yon wala naman talagang malisya sa aming dalawa. Basta nalang nangyari. Mahirap paniwalaan pero kapatid lang ang turing ko sa kanya non. At sya rin naman sakin. Or at least yun ang akala namin.

Pinagpiyestahan yun sa opisina. Lalo na ng Tropa ni Jael na dati kong kapitboarder at kaibigan. Na naging kaibigan din naming dalawa. Siguro dahil sa inggit dahil nauna akong umasenso sa opisina. Naging tampulan ako ng tukso. Behind my back, kung ano-anong bulungan ang nadidinig ko. Sumama ang loob ko sa mga dati kong kaibigan na nakisalo sa mga tsismis nila sa pagkalalaki ko. Sabagay tama naman sila maliban lang sa pagdududa nila na nagte-take advantage ako kay Mico.

Pero mas sumama ang loob ko nung nalaman ko na nakikisali pa pala sya sa mga kaguguhan nung mga yon. Halos sumabog ang dibdib ko sa sama loob. Pagkauwi ko ng bahay ay humahagulgol ako habang paulit-ulit kong binubulong ang "putangina nya!". Nanginginig ang labi ko at halos tumulo na ang laway ko sa kakahikbi. Pakiramdam ko, natraydor ako. Para bang pinatitigas mo ang tiyan mo para matiis ang lahat ng suntok ng mga tao, tapos bigla kang tatadyakan sa ngipin ng kaibigan mo.

Pinaalis ko ng bahay si Mico. Nagdahilan nalang ako para umalis sya. Binigyan ko sya ng ilang araw para makahanap ng lilipatan. Lumipat sya kay Jael. Putangina din eh. Ang layo naman ng move on nya. Sa kabilang pinto lang. Umuuwi lang ako nun para matulog dahil ayaw ko syang makita. Ayokong makita ang mukha nyang maamo na parang anghel pero gagaguhin din naman pala ako.

Nalulong sa inom si Mico nung pinaalis ko sya. Umuwi sya ng lasing na lasing minsan at kumatok sya sa pinto ko imbes na sa pinto nila. Halos naka-handusay na sya nung pinagbuksan ko sya ng pinto. Pinasok ko sya. Pinaliguan at binihisan. Siguro dahil matagal ko syang hindi nakasama kaya bigla kong naramdaman na namiss ko din sya. Dun nagsimulang gumaan ulit ang loob ko sa kanya at pakonti-konti ay nagka-ayus kami. Pero nag-iba si Mico mula nung nangyari yon. Naging mas affectionate sya physically. Mahaplos. Madalas din syang naghuhubad at nagbibihis sa harapan ko na para bang wala lang sa kanya. Hindi ko alam kung paano nangyari pero nagsimula na din akong magkaroon ng physical attraction sa kanya at dun nagsimula ang lahat.

Ganyan ang pagka-kwento ko kay Joshua kung paano ako nagkaroon ng kaugnayan sa kapatid nya. Ang awkward lang pero napilitan na akong magtapat sa kanya dahil nadulas ako tungkol sa aming dalawa ni Mico.

Pero bago pa nangyari yang ay balikan muna natin yung pagsasabi ni Mico out of nowhere na hihiwalayan nya si Camille na girlfiend nya na kaibigan ko, para ituloy ang kung ano man ang meron sa'min dalawa.

Roommate RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon