Chapter 11: Kyle

223 8 0
                                    

FLASHBACK...

Kinatok ni Joshua ang kwarto ni Kyle at nagbakasakaling gising pa sya.

"Uy, kuya! Pasok ka. Anong meron?

"Kyle, natutulog ka na ba?" tanong ni Joshua.

"Hindi naman. May iuutos ka ba?"

"Hindi, wala. Pwede bang dyan muna ako?"

"Sige lang, kuya. May problema ba? Mukhang napadami tayo ha"

"Oo nga eh. Medyo. Kasama ko sina Joey. Dun kami sa Marilao kaya napahaba ang session. Ayaw nga akong pagbuksan ng ate mo eh."

"Uy kuya ha. Loko talaga kayo. Ang libog mo kasi kaya ka tuloy nasasarhan."

"Hahaha. Gago wala yon. Uminom lang naman talaga kami. Madumi ang utak mo eh"

"Asus! Tigilan mo'ko kuya. Umabot ng Marilao tapos inom lang? Kampi ko si ate dyan. Teka, gusto mo ayusin ko yung isang guest room?".
"Hindi na dito nalang. Kasya naman tayo dito. Late na din baka mapuyat ka."

"Kaw bahala."

Kumuha ng bagong kumot si Kyle saka nya hinagis sa bandang kaliwa ng kanyan kama. Hinila nya pakaliwa ang unan at kumot nya para bigyan ng lugar si Joshua sa higaan at saka na sya nahiga na sinundan naman ng pinsan nya.

"Wala ka na bang kailangan, kuya? Basang face towel? Kape Di ka na magsashower?", tanong ni Kyle. Nakakunot ang noo.

"Di na. Tinatamad nako saka medyo nahihilo na din. 'Wag mo nakong sungitan, 'to naman! O, san ka punta?" tanong ni Joshua na medyo tinablan ng hiya.

"Kuha lang akong damit kuya. Amoy pawis at yosi ka kaya."

"Pasensya ka na. Ngayon lang naman kita inistorbo, 'to naman."Lumabas ng kwarto si Kyle at hindi sumagot. Pagkalipas ng ilang minuto ay bumalik sya na may dalang luma at sirang sando, maluwang na brief at manipis na short na pantulog.

"San ka kumuha ng damit at ang tagal mo?"

"Kinuha na ni ate yung mga bagong labang damit. Nangalkal nga lang ako ng mga lumang damit mo dun sa wardrobe," sagot ni Kyle habang inaabot sa pinsan ang dalang damit. Inalalayan nyang umupo sa pagkakahiga si Joshua saka sya pumunta sa kabilang kama at nahiga ulit.

Hinubad ni Joshua ang suot na damit at saka nya tinapon sa lapag. Sinuot nya ang lumang sando na may butas sa bandang dibdib. Tinangal nya ang kanyang medyas at saka sya tumayo at diretsong hinubad ang pantalon na inilatag din nya sa sahig. Sunod nyang tinanggal ang kanyang brief at saka nya pinunas sa magkabilang singit bago ipatong sa kanyang pantalon. Natawa ng bahagya si Kyle. Lasing talaga ang isang 'to, sa isip nya habang pinagmamasdan ang mapuputi at masinsing pisngi ng puwit ng pinsan. Sinuot ni Joshua ang lumang brief at saka sya humarap ulit sa kama para mahiga. Nakahulma ang ulo ng malaking alaga sa manipis at medyo may kaluwagan na brief. Hindi na nya nagawang isuot ang short na pinaghirapan pang halukayin ng pinsan sa mga nakatuping lumang damit na matagal nang hindi nasusuot.

"Yari ka bukas kay ate! World War 3 na yan. Loko-loko karin eh 'no. Mamaya nyan kung ano-ano pa ang makuha mo dyan sa mga babae sa Marilao."

"Sira! Kahit kailan di ako pumatol sa pokpok. Loko ka gawain mo siguro yon eh 'no? Ikaw simpling manyak ka din eh."

"Asus. Iniiba mo pa ang usapan, kuya. Wag mokong dinadamay dyan 'no! Hanggang bahay lang kaming nag-iinoman. Walang akong alam sa mga pokpok na ganyan mahiya ka naman. Tapat ito!" pagyayabang ni Kyle.

"Edi ikaw na ang loyal! Bakit nga pala hindi mo na dinadala dito ang girlfriend mo? Hiniwalayan ka na ba?" pang-aasar ni Joshua.

"Bihira ka naman pumunta dito pano mong makikita. Every weekend naman andito yon. Umuuwi lang sya ng Cavite the past 3 weeks dahil umuwi yung mommy nya from Canada at one month ata dito."

Roommate RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon