Chapter 3: Respect

363 11 0
                                    


"Ayusin mo yung mga gamit mo. Humanap ka na ng ibang matutuluyan. Hindi na maganda yung magkasama pa tayo dito. Hindi naman tayo mga bobo para maggaguhan pa.", sabi ko sa kanya ng mas mahinahon pa kay Jacklyn Jose.

"Bakit naman, TL?", tanong nya na parang walang nangyari. Nagpanting ang tenga ko. Gusto kong maghuramentado. Gusto kong kunin ang macbook nya na nakapatong sa dining table at ihampas sa mukha nyang maamo. Gago din. Tatanong-tanong pa.


"Anong bakit? Pagkatapos nag pinaggagawa mo, 'baket?'. Tangina nyo!".

"Hindi ko naman.... hindi naman ano yun, TL... hindi ano..."

"HINDI ANO??? TIGIL-TIGILAN MO NGA AKONG GAGO KA!!! AKALA MO BA HINDI KO NAPAPANSIN PAG NAGCHACHAT KAYO PAG DUMADAAN AKO AT NAGTATAWANAN!!! DUMAGDAG KA PA SA MGA BOBO SA FLOOR NA WALANG GINAWA KUNDI MAG-AKSAYA NG ORAS!" Lumakas na ang boses ko. Dinig na sa labas.

"Nagtatrabaho naman ako ng maayos sa office, TL". Garalgal ang boses nya. Nanginginig. Nangingilid ang luha. Bobo din. Hindi pa nakuha ang pinupunto ko.

"HINDI YUNG ANG POINT KO GAGO!!! ANG POINT KO EH NAKISALI KA PA SA MGA GAGONG INGGITERO NA YON!!! MAY TALINO KA NAMAN SA TINGIN KO. BAKIT KAILANGAN MO PANG MAKISALI SA MGA BOBO NA YON PAG PINIPINTAS PINTASAN NALANG AKO SA WALANG KAKWENTA KWENTANG BAGAY DAHIL WALA SILANG MAIBATO SAKIN?"

Tahimik. Saglit lang na katahimikan na parang napakatagal.

"Mataas ang respeto ko sa'yo, TL"

"ANONG MATAAS ANG RESPETONG SINASABI MONG GAGO KA!!! WAG MO NGA AKONG GINAGAGO!!! E ANO YUNG SINASASABI MO SA KANILA KANINA, GAGO KA???? TANGINA MO!!! AKALA MO BA LAHAT NG TAO PATAY NA PATAY AT LIBOG NA LIBOG SA'YO??? TANGINA MONG GAGO KA MASYADO KANG BILIB SA SARILI MO. NAGPUMILIT KA NGA LANG SUMIKSIK DITO SA UNIT KO. NAAWA LANG AKO SA'YO DAHIL MUKHA KANG BOBONG TATANGA-TANGA". Nauutal nako sa sobrang galit. Lahat ng mga bagay na dapat ay iniisip ko lang ay nasasabi ko na. Parang sasabog ang dibdib ko. Mukhang nasaktan sya sa sinabi ko. Nagsisi ako sa sinabi ko sa kanya pero di ko na mabawi.

Nakikitang lumuluha na sya. Humihikbi hikbi. Parang paslit na tahimik na umiiyak. Kanina lamang ay mukhang syang mayabang na estudyante na nagkukwento sa mga kabarkadang bobo. Ngayon ay mukha na syang totoy na nakakaawa.

Hindi sya gumalaw kaya sumigaw ulit ako.

"AYUSIN MO NA ANG MGA GAMIT MOOOOO!!!!!

Ganyan sana ang gusto kong confrontation scene kay Mico noon pero hindi ganyan ang nangyari. Walang ganyang sigawan na naganap. Nasa isip ko lang lahat yan. Yan ang problema pag hindi ka out. Hindi mo masabi ang gusto mong masabi dahil ayaw mong tuluyang aminan na bakla ka. Kahit alam mong alam na ng iba. Dahil sanay ka sa kung anong meron ka ngayon - respeto ng maraming tao. Hindi ng lahat pero ng marami. Hindi ka handa sa pagbabago. Natatakot ka.

Medyo mas malumanay naman ng konti dyan nag pagpapaalis ko sa kanya. Hindi din kaaagad-agad. Binigyan ko sya ng ilang araw. Kaya mas matagal. Mas madaming awkward moments. Mas masakit. Sa akin.

Pero saka ko na ikukwento yon.

BALIK MUNA TAYO SA KASALUKUYAN...

Naging mas magaan ng konti ang mga sumunod na araw samin ni Mico matapos nyang mag sleep over ng lasing. Matapos ko syang paliguan ng hubo't hubad. Ang ine-expect ko ay maiilang sya at mas mahihiya sa'kin. Ironic. Narealize ko din na siguro mas nasa akin talaga ang pagkailang at pag-iwas. Kung noong mga nakalipas na araw ay medyo awkward pag nagkakasalubong kami sa office, ngayon ay mas komportable na kaming nagbabatian. Hindi na yung kakausapin namin ang isat-isa pag kailangan sa trabaho. Yung hanggat maaari ay idadaan sa iba ang sasabihin ko kanya. Sabagay, dahil na-promote nako na CCM ay konti nalang naman talaga ang interaction namin although hindi din maiwasan dahil trainee na sya for team leader role. Pero casual lang kami. Hindi pa din nababalik yung dati. Mahirap. Dahil sa mga ginawa ni Jael sa opisina, naging mahirap na para sa'min ni Mico na maging malapit sa isat-isa. Hindi kumportable para sa'kin. Siguro kahit din sa kanya. Pero kahit papano ay nakagaan na din siguro sa kanya na nalaman nya na kahit papano ay may concern pa din naman ako sa kanya.Ilang beses ko ring naramdaman na parang nananantya sya kung papanong approach ang gagawin nya sakin. Depende sa mga taong nakakakita. Naisip ko na awkward lang sa kanya pero minsan sumasagi din sa isip ko na pinoprotektahan nya'ko sa iba. Umiiwas na lang sya para walang pag-usapan.

Roommate RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon