Chapter 38 (Clinic)

85 1 0
                                    

Dear diary, it's been a month. Everything is going smoothly, Yuan and I became friends again and it's like nothing happened. Kung hindi nga dahil sa mga schoolmates namin na nagkakalat ng rumours about me na inigaw si Yuan, at kung hindi lang sa matatalim na titig ni Nicole..iisipin kong panaginip lang ang lahat. Why? Because nothing has changed, Yuan is treating me the same way he used to treat me..and we are also always together like before. My only problem is that nagtatampo saakin sila Ezikiel, Kenzo at Reid..while si Monique, Carlene,Kaeden at Thea ay maluwag na tinanggap ang mga pangyayari. Minsan sumasabay ako saknila..kahit gusto ko na kasabay sila palagi, at kahit pumayag si Yuan, Chris at Crionne na sumabay kasama sakanila di namin magawa dahil sa pagtatampo ng tatlo.

Friday P.E class ko, kainitan ng araw at kinakailangan namin mag volleyball. Hindi ako mahilig sa sports at lalong ayoko sa bola, pero kinakailangan ko magparticipate dahil ayoko naman makakuha ng mababang grade or worst ay bumagsak ako sa P.E class. Si Thea ay di pumasok ng P.E class dahil may tinatapos ito na papers na kailangan I submit sa last subject namin kaya nag stay ito sa library kasama si Carlene at si Monique, napagkasunduan namin na magkita nalang sa library after P.e . Pagkatapos ng one hour and thirty minutes na pagbibilad sa araw ay sumama ang pakiramdam ko. Kaya matapos ang klase ay nagpalit kagad ako ng academic uniform para sa last subject ko. Buti nalang ay vacant ko after P.e kaya naisipan kong magdaan ng clinic at kumunsulta sa resident nurse doon. Pagtapos akong icheck ng nurse ay sinabihan ako ng magpahinga muna sa isa sa mga kama doon since vacant ko naman daw. Nagtext ako kay Thea at sinabi ko na nasa clinic ako at sa last subject nalang kami magkita. Hindi ko namalayan na nakaidlip na pala ako. Naalimpungatan akong may humahaplos ng buhok ko. Dahan dahan kong minulat ang aking mata , at inaninag an taong nasa harap ko. Si Yuan, nakatunghay saakin ang maamo nyang mukha , ang mga mata ay puno ng pag aalala. Ngumiti ito ng matipid at hinawakanan ang aking kamay saaking pagkagulat. Dahan dahan akong umupo sa tulong na rin niya, wala ni isang salitang namagitan saamin dalawa, pumasok ang nurse at pinayagan na akong makalabas ng clinic. Nalaman ko na dumaan si Thea dahil sa note na nabasa ko, pero umalis din kaagad ito dahil di pa nya tapos ang paper works na ginagawa nya.

Kaya laking pagtataka ko kung bakit nandito si Yuan samantalang may practice ang team nito simula kaninang umaga kaya excuse ang mga ito sa klase. Napatingin ako sa aking relo at napansin ko na twenty minutes na pala akong late , at dahil sa malayo mula sa clinic ang building ko para sa last subject ay mas lalo akong magiging late, fifteen minutes lang ang allowance para sa isang estudyante at paglumagpas doon ay automatic absent na. Lumabas kami ng clinic ng nakaalalay saakin si Yuan, wala parin kaming imikan hanggang sa mapunta kami sa social hall. Dahan dahan nya akong inupo sa isa sa mga bleachers doon, napapikit ako ng makaramdam ng konting hilo. Naramdaman kong tumabi ito saakin. Bigla ko nalang naramdaman ang kamay nya saaking buhok, ng hawiin nito ang ilang hibla ng buhok na tumatabing saaking mukha. Dahil doon ay napamulat ako ng mata at napatingin ako kay Yuan pero agad din akong nagbawi ng tingin dahil wala akong lakas ng loob makipagtitigan sakanya, lalo pat alam ko na may ilan din mga estudyante sa social hall at malamang na mapagtinginana kami ng mga ito.

"How are you feeling? Bakit hindi mo sinabi saakin na masama ang pakiramdam mo? Buti nalang nagtext si Thea at sinabi na nasa clinic ka, nag paalam kaagad ako kay coach pagkarecieved ko ng message ni Thea." Masuyong sabi nito.

Napangiti ako sa sinabi nya bihira ko lang kasi syang marinig mag Filipino.

" I'm fine, you don't have to worry. Sana hindi mo na iniwan yung practice nyo, alam ko naman kung gaano kaimportante yung iyong practice na iyon sainyo." Mahina kong sabi.

"The hell with the practice,! Do you think mapapanatag ako sa practice knowing that you are not feeling well?!"

"Yuan-"

"Cadillac Venice! I'll talk to your Professor in P.E to give you a consideration at ng hindi na ulit mangyari saiyo iyan, last week din after P.E class sa clinic rin ang bagsak mo. And What's with Yuan? Why are you still calling me with my real name, you used to be comfortable in calling me Blue." Mariing sabi nito .

Sa tuwing may pinagdidiskusyunan kaming seryoso ay tinatawag ako nito sa buo kong pangalan. And yes until now Yuan parin tawag ko sakanya..ewan ko ba pero naiilang na ako tawagin sya na Blue because it reminds me of Nicole.

"But Yuan, you don't have to...I mean Blue..!" nanlalaki ang mata kong sabi.

" I insist! You don't know how worried I am don't you?!" saad nito at tinitigan ako ng matiim.

" Fine!" nakangusong sabi ko, palagi nalang sya ang nasusunod sa ganitong mga bagay.

Bago pa makapagsalita si Yuan ay bigalng sumulpot sila Reid.

"Babe, are you ok?" hinihingal na tanong ni Reid saakin, halatang galing sa Pagtakbo.

"Yeah, are you ok Crimson? We heard that you're not feeling well.."sabi naman ni Ezekiel na kasunod ni Reid.

"Are you sick?" tanong naman ni Kenzo.

Napatingin lang ako sakanilang tatlo..it's the first time na kausapin nila ako since nagtry ako iexplain sakanila ang pagbabati namin ni Yuan.

"Babe?" tanong ni Reid sabay hawak sa pisngi ko.

"Don't call her babe, and stop touching her!" inis na sabi ni Yuan, sabay alis ng kamay ni Reid sa mukha ko.

"What now? acting like a possessive boyfriend?"sarcastic na sabi ni Ezekiel, napatayo ako ng biglang tumayo si Yuan at humarap kay Ezekiel.

"Diba kaibigan ka lang din naman, katulad namin?" nakangising sabi naman ni Kenzo.

Napatingin ako kay Yuan, na nakakuyom ang kamay, madilim ang mukha nito at masama ang tingin kay Kenzo.

"Guys..please ayoko ng gulo."sabi ko na pumagitna na sakanila.

Napatingin sila saakin, at nakakaunawang tumango. Humarap ako kay Yuan at nakiusap na iwan muna kami dahil kailangan ko makausap ang mga kaibigan ko. At first ayaw pa nito pumayag, pero hindi rin nakatiis sa pakiusap ko. 

Kinausap ko sila Reid ng masinsinan at nagkaayos ayos na kami, naintindihan nila kung ano si Yuan sa buhay ko at na gusto ko na maayos ang lahat. Naunawaan naman nila ako, at pumayag na makasundo si Yuan. And I'm hoping na hindi nagtatampo saakin si Yuan ngayon.

Crimson and Blue Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon