Dear diary, masakit isipin na yung tao na naging mahalaga sayo at naging parte ng buhay mo at itinuturing mong kaibigan ay ang taong manloloko rin pala sayo. Alam kong wala akong karapatan na masaktan pero I trusted him, akala ko kaibigan din ang tingin nya saakin. He made me believe that I’m special to him, na concern sya saakin yun pala nagi-guilty lang sya. Or is it my fault kasi naging dependent ako sakanya at the same time sila lang ni Thea ang naging friends ko aside kay Chris at Crionne na naging kaibigan ko dahil kaibigan sila ni Blue. At siguro nang dahil sa nangyari sa garden he really felt na he's responsible from what happened, and he thought that I'm fragile therefore he has no choice but to protect me and spend his time with me, while neglecting his girlfriend.
I’m so insensitive!
Bakit ba hindi ko naisip na may sarili din syang buhay, he used to be a Cassanova. But I asked him to stop, at dahil nag promise sya saakin kaya nilihim nya na may girlfriend sya.
At ngayon may nasasaktan na ang girlfriend nya nang dahil sakin to think na mas may karapatan sya kay Blue dahil sya ang girlfriend.
I’m not a selfish person at lalong hindi ako mang aagaw so I need to do the right thing. And that is to let go of Blue, to be independent and a weakling no more!
“Senorita”
Naibaba ko ang diary ko sa table ng marinig ko ang tawag ng personal maid ko.
“Yes Lina?” tanong ko sabay bukas ng pinto ng room ko.
“Senorita nakahanda na po ang dinner nyo, andyan din po ang parents nyo.” Sabi ni Lina, She’s been my personal maid since I was in Highschool limang taon lang ang tanda nya saakin.
My eyes grew wide when I heard her news.
“Thanks.” Sabi ko na nagmamadaling tumakbo papunta ng grand staircase, pero bago pa ako makarating ng grand staircase ay nakasalubong ko ang yaya ko since birth.
“Hija, bakit ka tumatakbo? Dahan dahan lang hindi bagay sa isang tulad mong dalaga ang tumakbo, di ba sabi ko sayo kailangan dapat pino ang kilos palagi.?” Malumanay na sabi ni Yaya. Well ganyan talaga sya, bago kasi sya naging yaya ko, dati syang mentor nang elite families in how to act like a real lady, pero dahil sa malapit sya sa family ko lalo na kay mommy ay pinili nya na maging yaya ko nalang, since nagsasawa na rin naman syang maging mentor. Besides malaki ang utang na loob nya sa grandparents ko kaya naisipan nalang nya magsilbi sa family ko since hindi naman namin sya itinuring na iba. Lady Lou ang tawag ko sakanya dati, pero sya ang nagsabi na yaya nalang daw tawag ko sakanya. Pero kahit yaya ko sya, hindi sya gumagawa ng mga bagay na ginagawa ng isang yaya, kaya nga may personal maid pa ako. Si yaya lang ang tumatayo na second parent at the same time ay companion ko since palagi wala ang parents ko. The only negative side of having her as my yaya is that habang lumalaki ako ay ako ang ginagawa ng student sakanyang “How to act like a real Lady” program. Kaya sya may kasalanan kung bakit prim and proper ako, pero minsan naman nilalabag ko lahat ng tinuturo nya, like ngayon tumtakbo ako..wich is a “no no” for her. Pero kahit ganyan yang si yaya, love ko yan kasi super love din nya ko.
“Sorry yaya..” nakangiti kong sabi.
Nag smile naman sya, at inayos ang buhok ko at damit ko.
“Ok you’re forgiven, sige na meet your parents downstairs graciously.” Paalala nya.
“Thanks ya.” Sabi ko as I walk slowly and properly towards the stairs. Nang wala na ako sa paningin ni Yaya at tumakbo uli ako, eh kasi naman excited talaga ako, as in.
Nang dumating ako sa dinning room, napansin kong nakaupo na si Mom at Dad, they are laughing while chatting. They look happy and in love. That’s what I like the most in this family, we love each other very much.
“Mom, Dad..” tawag ko sakanila as I walk graciously towards them. Like Yaya, Mom wants me to act like a real lady since she’s the epitome of Perfection. Tumayo sila nang makita nila akong palapit.
See, excited din sila makita ang kanilang Unica hija.
“Hi princess! I missed you.” Sabi ni Dad sabay yakap saakin at hinalikan ang ulo ko, then si Mom naman yumakap saakin.
“Hi baby” bati saakin ni Mom.
“And I missed the both of you too!”
Nag sipag upuan na kami para makapag diner.
“How’s school princess?” tanong ni Dad.
“Well…I’m doing great!” proud kong sagot.
“I know you will!” nakangiting sabi ni Daddy.
“How’s your friends? How’s Blue?” mom asked.
Biglang nawala yung ngiti sa labi ko at muntik ko na mabitawan yung hawak ko na fork.
“They’re fine.” Sabi ko as I tried to smile.
“Are you sure honey? You look troubled.”
That’s my Mom, kilalang kilala ako.
“Yes Mom, everything is fine.” I said as I avoid her gaze and continue eating.
Nagkatinginan sila ni Dad, good thing they didn’t press the issue.
“Marami kaming pasalubong nang Dad mo sayo, and I want you to wear the dress in the black box for tomorrow’s dinner. It’s from my limited edition collection at hindi pa inilalabas sa market.”
“Dinner tomorrow?”
“Yes Princess, we will have Dinner with my close friend and his family. And I’m sure you’ll be surprised pag nalaman mo kung sino ang anak ng friend ko.” Nanunuksong sabi ni Dad.
“Sino Dad?” pangungulit ko.
“You’ll know tomorrow.” Makahulugang sabi ni Dad sabay kindat kay Mom.
I don’t like the way they smile..parang may something…and it’s making nervous.
BINABASA MO ANG
Crimson and Blue
RomanceI fell in love once.. I stumbled and cried.. But I will stand up now, with my head held high. Regrets should be buried, I should have learned by now.. That loving someone is not easy. Still... despite of those heartaches, There were also happy memor...