Monday, break time, papunta kami ni Thea ng RESTO para maglunch ng makasalubong namin sa corridor si Blue. Nagkatinginan kami, ako ang naunang umiwas ng tingin at hinatak ko na si Thea para dumiretso sa paglalakad. Nang makalagpas na kami sakanya ay nagsalita ito.
“Bell” malakas nitong sabi. Nag tigilan sa paglalakad ang mga students at napatingin kay Blue. Nagpatuloy kami sa paglalakad, dahil di naman alam ni Thea na ako yung tinatawag ni Blue.
“Bell.. please..” sabi nito. napahinto ako sa paglalakad. Nilingon ko sya.
“Im not Bell” naiirita kong sabi at lumakad na ulit.
“Crimson” biglang sabi nito.
Napahinto ulit ako sa paglalakad at tuluyan na akong humarap sakanya, nagtatakang napatingin saakin si Thea, at ang mga classmates namin pati mga schoolmates namin talagang umi-stop na sa mga ginagawa para mag usyoso.
“Why are you calling me Crimson? You should call me Cadillac, my friends are the only ones who are entitled to call me Crimson.” Mataray ko sabi.
OMG what’s happening with me, kahit kailang sa buhay ko di pa ko nagtaray, ok fine..sige these past few days nagtataray ako..at pero kay Blue lang..I can’t believe this! At kasalanan lahat ito ni Blue!
Napatingin lang sakin sila Thea, halatang nagulat din sa inasal ko, it’s the first time na Makita nya ako na ganito kadalasan kasi ang docile ko.
“Speak!”
“Let’s talk” seryososng sabi nito.
“What for?” naguguluhan kong sabi.
“I just want to apologize sa ngayari.. I know hindi ka na dapat na damay.. I’m sorry” sabi nito.
Nagulat ako sa sinabi ni Blue, I cant believe na ang Blue na Playboy at walang alam gawin kundi magpaiyak ng babae ay nagsosorry saakin ngayon. Buti naman marunong itong mag apologize. Sa totoo lang nakakahiya kasi nga we’re making a scene, para kaming couple na may LQ.
“Fine” sagot ko dahil ayoko nang pahabaiin ito at malamang magkaka issue na kami nito.
Biglang nagliwanag ang mukha nito, kala mo batang binigyan ng favorite nitong Candy.
“Thank you” nakangiting sabi nito.
Please lang stop smiling like that, nakakapanlambot ng tuhod! Blue.. why do you have to be this handsome, kaya marami ang naloloko sayo eh.
“Ang gwapo talaga ni Blue!” sabi ng isa sa mga nakikiusyoso.
“Right! Ang swerte ni Cadillac, at nginitian sya ng ganun ni Blue!” sabi pa ng isa.
“So totoo ang chismis na sila”
“Oh my.. pano na ako?! Wala na kong pag asa!”
“Atlast someone has captured the heart of the Eagle.”
“Naglunch na ba kayo?, Come on treat ko.” Nakangiti paring sabi ni Blue.
“Sure” mabilis na sagot ni Thea. Basta talaga libre, game palagi si Thea. Napatingin sakin si Blue na para bang hinihintay ang sagot ko, ako naman ay biglang napatingin kay Thea ng pisilin nito ang braso. Ang expression ng mukha nito ay parang nag sasabi na Umoo ka!.
Napahinga ako ng malalim at tumingin ulit kay Blue.
“Okay” tipid kong sabi.
Lalong napangiti si Blue sa sagot ko, nag umpisa na kaming maglakad ng bigla akong bnulungan ni Thea.
“Marami kang ikukwento saakin..”
Doon nag simula ang lahat. Hindi ko makakalimutan ang araw na iyon. Because of that conversation I became at eased with him. It was like a dream, na hindi ko man lang naisip na mangyayari. Mula nang araw na iyon ay naging malapit kami ni Blue sa isa’t isa at naging magkaibigan. At sadyang kinalimutan ang ilang bad moments namin at nag simula ng panibago.
Dahil sa madalas kong kasama si Thea ay di nag tagal naging kaibigan din nya si Blue, pinakilala din kami ni Blue sa kanyang mga kaibigan at teammates . At first kala ko magiging awkward ng dahil sa nangyari sa party, pero mukhang nakalimutan na nila yun, dahil narin siguro sa naka faded jeans at top nalang ako kaya bumalik na ang normal treatment nila saakin. Madalas kami mag-hang out ni Thea with Blue and his super close friends at the same time teammates na sila Crionne at Chris.Dahilan kung bakit lalo kaming nagging mas close ni Blue.
Dumating ang araw na nag ka boyfriend si Thea, kaya madalas na itong di nakakasama samin. Ang mga kaibigan naman ni Blue ay parating gumigimik o di kaya naman ay lumalayo sa amin na para bang umiiwas o talagang binibigyan lang kami ng panahon na makapagsolo. At infairness simula nang mag hang out kami ni Blue ay wala na akong nakitang papaligid ligid na babae kay Blue which puzzled me.
At dahil sa palagi kaming magkasama ni blue ay naging campus figure na rin ako. Madalas ako ang pinag uusapan ng mga kababaihan na halata ang inggit sa mga mata. At apple of the eye ng mga kalalakihan, dahil naniniwala silang mataas ang standards ni Blue, at alam nilang wala itong sineseryosong babae, siguro pinagpupustahan na kami ng mga yun kung kelan ako iiwan ni Blue, pero hindi mangyayari yun dahil hindi naman kami ni Blue.
Yes we're just Friends..Yun ang palagi kong tinatatak sa isip ko. Dahil ayoko dumating yung time na I no longer want to be his 'friend'..
Kasi higit pa doon ang gusto ko...
Kaya hangang maaga pa, I will make sure na hindi ako ma fa-fall sakanya..katulad ng halos karamihan sa mga babae na kilala sya...
BINABASA MO ANG
Crimson and Blue
RomantikI fell in love once.. I stumbled and cried.. But I will stand up now, with my head held high. Regrets should be buried, I should have learned by now.. That loving someone is not easy. Still... despite of those heartaches, There were also happy memor...