Hindi ko alam kung san pupunta, bawat dadaanan ko ay may nakakasalubong ako, pawang may pagtataka sakanilang mukha. Hindi ko na napansin na may kasalubong pala ako, naramdaman ko nalang na nabangga na pala ako sa kasalubong ko. Napaangat ako ng tingin para tingnan kung sino ang nakabunggo ko. Si Dylan.
"Crimson?" takang tanong nito nang Makita ang mukha ko.
"I- I'm sorry"umiiyak kong sabi, at walang lingon lingon naglakad ako patungong rooftop, dahil alam ko na walang estudyante ang naroroon, ako lang at si Blue ang mahilig magpunta ng rooftop. Napaupo ako sa isang bench na malapit sa pinto, at doon malaya ng umagos ang aking mga luha. Naramdaman ko nalang na may katabi na pala ako, ng may kamay na pumatong saaking balikat. Nilingon ko kung sino ang nagmamay ari ng kamay na iyon, hindi na ako nagtaka ng makitang si Dylan iyon. Sinundan pala niya ako dahil sa nag aalala ito. Walang sali-salitang napayakap ako kay Dylan at umiyak ng umiyak sa dibdib nito, habang matyaga akong inaalo. Nang kumalama ako ay nagtanong ito kung ano ang nangyari at dahil sa kailangan ko ng kausap at mapagsasabihan ng sama ng loob, namalayan ko nalang na nagkukwento na ako sakanya. Walang labis at walang kulang simula sa narinig namin ni Thea hangang sa mga sinabi ni Trixie at ang reaksyon ni Blue ng makita na magkakasama kami nila Trixie na parang basang sisiw dahil sa tinapunan ito ni Thea ng juice. Nang matapos akong magkwento ay narinig kong napamura ng mariin si Dylan, nakakuyom ang kamay nito at tila galit na galit.
"I should have known it! I can't believe na pinagkatiwalaan ko sya! He said he loves you, that is why I stayed away from you. Alam kong mas magiging masaya ka kung ang kasama mo ay ang mahal mo. That's why I tried to forget my feelings to you and gave up! Damn it.!" Galit na sabi nito.
"W-what are you saying?" nagtatakang tanong ko.
"What I'm saying is that I love you Crimson! But I did not tell you that because I know that it's Blue who you love!"
"I'm sorry I didn't know..." mahina kong sabi sabay yuko.
"Yes, you have no idea..." saad ni Dylan at pagkatapos ay hinawakan nya ang aking mukha at nilapit ang kanyang mukha. Nanlalaki ang aking mata sakanyang ginawa, akala ko ay hahalikan nya ako pero laking pasasalamat ko ng punasan nya lang ang luha ko. Sa tingin ko ay pinakaba lang nya ako. Kung titingnan sa malayuan ay aakalain mong naghahalikan kami. Kaya laking gulat ko ng mula sa kung saan ay may humila kay Dylan, si Blue. Nang maitayo nya si Dylan mula sa pagkakaupo sa bench ay walang sali-salitang sinuntok nya si Dylan na ikinagulat kong talaga kaya napatili ako. Napahandusay sa sahig si Dylan, napatakbo ako sakanya at inalalayan syang makaupo.
"Stay away from my girlfriend!" naniningkit ang matang sabi nito, ngayon ko lang nakitang nagkaganun si Blue, naalala ko tuloy nung mga panahong sinugod ako nila Veronica, mas matindi ang mababasang galit ngayon sa kanyang mukha. Hindi ako makapag salita sa aking pagkabigla, napatingin lang ako kay Blue.
BINABASA MO ANG
Crimson and Blue
RomanceI fell in love once.. I stumbled and cried.. But I will stand up now, with my head held high. Regrets should be buried, I should have learned by now.. That loving someone is not easy. Still... despite of those heartaches, There were also happy memor...