Chapter 26 (Phone Call)

85 2 0
                                    

”Narinig nyo na ba ang balita? Si Yuan daw may girlfriend na at hindi si Cadillac?”

“Oo nga eh, all this time akala natin si Cadillac yung girlfriend, kawawa naman yung totoong girlfriend!”

“Ang balita ko si Nicole daw yun, yung muse ng tourism department, 3 months na daw sila ni Yuan pero they kept it a secret dahil nga kay Cadillac.”

“Hayyy..kawawang Nicole.”

Yan ang bumungad saakin pagpasok ko ng school, instead na dumiretso ng room nagpunta nalang ako ng comfort room para ayusin ang sarili ko, naiiyak nanaman kasi ako. Ayoko naman makita ako ng mga classmates ko na umiiyak at baka sabihin guilty ako. Diba tama ako, ako ang naging kontrabida!

Nang lumabas ako ng comfort room dumiretso na ako ng room, lahat sila nakatingin saakin. Halatang nabalitaan na nila ang ngyari.

Buong klase ko hindi ako makapag focus, lutang na lutang ako, maski si Thea na kausap ng kausap saakin hindi ko na maintindihan ang sinasabi. Wala akong kinwento kay thea, hindi ko pa sinasabi ang buong pangyayari.. I told her na pag may lakas na ako ng loob tsaka ko na sasabihin sakanya kasi nga bestfriend ko sya.

“Earth to CC!” sabi ni Thea.

“Huh?!” nagtataka kong tanong.

“Wala ka bang balak mag lunch?” nakakunot noon a tanong ni Thea. Napatingin ako sa paligid ko, kami nalang ang nasa room.

“Sorry..” nahihiya kong sabi.

Hinawakan nya ang kamay ko.

“Friend are you okay?” concern nyang tanong.

“O-oo naman.” Then I look away.

Bumuntunghininga sya.

“Saan mo gustong mag lunch?”

“Sa dati.” Sabi ko, referring sa pinag la-lunch-an naming nila Blue.

“Pero..”

“It’s okay Thea.. let’s go.”

“Alam mo naiinis ako kay Yuan, kung pwede lang na awayin ko sya! Grabe ha! May tinatago palang girlfriend! At ikaw naman, bakit parang okay lang sayo?!”

“Thea..please.. I don’t want to talk about it.. not now.” nakikiusap kong sabi.

“Fine!” she said.

Dumiretso na kami sa RESTO, pumunta kami nila Thea sa tambayan namin nila Blue. Nakaupo na doon sila Chris at Crionne, mukha silang parehong nagulat ng Makita ako.

“Cadillac..” sabi ni Chris.

Nagpout ako.

“Kailan nyo ba ako tatawagin sa nickname ko? Diba sabi ko naman Crimson nalang itawag nyo saakin, para naman tayong hindi magkakaibigan nyan.” Kunwaring nagtatatmpong sabi ko.

Nagkatinginan ang mga ito.

“E diba pinagbawalan kami ni Yuan na tawagin ka sa nickname mo, sya lang daw pwede.” Napapakamot ulo na sabi ni Crionne.

“Silly..wag na nga kayo masyadong nagpapaniwala kay Yuan.” Nakangiting sabi ko.

“Bakit Yuan ang tawag mo kay Yuan?” nagtatakang tanong ni Thea.

“Well because that’s his name naman talga diba?!”

“Pero diba sabi nya dapat Blue ang tawag mo sakanya-------“

Crimson and Blue Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon