"Okay class, don't forget to submit your research paper next meeting, that's all for today. Goodbye."
Paglabas na paglabas ng prof. namin ay nag ayos kaagad ako ng gamit, since kanina pa nakaready sila thea, wala pa yatang 15 minutes before dismissal nag ayos na sila ng gamit, excited for our next subject which is sa kabilang building.
Tumayo na ako at binuhat ang mga librong hiniram ko sa library, nang biglang sumulpot si Kenzo sa harapan ko at kinuha ang mga librong hawak ko.
"Here let me help you." Nakangiting sabi ni Kenzo, na lalong sumisingkit ang mata pag ngumingiti.
"Why are you here? Wala ka bang classs? I can manage Kenzo, so give it back to me." Sabi ko sabay kuha ng mga libro sakanya, pero dahil sa mas malaki sya at mas mabilis ay agad nyang naiwas ang mga libro at itinaas sa ere.
Napailing nalang ako dahil alam kong di ako mananalo kay Kenzo he's much taller than I am, being a guy plus the fact that he is a varsity player gives him advantages to such instances like this.
"Opss, di ako papayag na sya lang, dapat ako din." Sabi naman nang bagong dating na Ezekiel, at biglang kinuha ang bag ko na nakapatong sa table.
"Ezekiel!"
Ngumiti lang ito at kumaway pa palabas ng room kasama si Kenzo, pareho silang ngingiti ngiti.
"Ang cute talaga ng dalawang yun, pasalamat sila kaibigan ko sila!" nakangiting sabi ni Carlene habang nakatitig din sa pinto na nilabasan ng dalawa.
"Carlene, wag mo nang pagpantasyahan yung dalawa, sasakit lang ulo mo, besides you should never cross the boundaries of friendship.." sabi naman ni Monique.
"True, laking gulo nyan, sa umpisa lang masaya, pero pagnagkaproblema pati friendship nyo masisira." Sabi ni Thea na nasa tabi ko na.
"How about me? Saakin nalang ba ang lahat ng sakit sa ulo?" salubong ang kilay kong tanong.
"That's what you get for being too pretty Cc!"
I just rolled my eyes at them and they just laughed at me na para bang natutuwa pa sila sa mga nangyayari.
Pagdating namin sa next class namin ay nagtinginan saakin ang mga classmate namin at nagbulungan, ang iba ay naghahagikgikan samantalang ang iba ay nakasimangot o nakataas kilay.
"Do I have something on my face?" bulong ko kay thea at umiling ito.
Nagpatuloy kami sa pagpasok ng room, napansin ko na yung mga classmates ko na girls ay nag uumpukan sa harap ng chair ko na para bang may tinitingnan. Nang Makita nila na dumating ako ay nag alisan sila para makadaan ako papunta sa chair ko, lahat sila nakatingin saakin, yung iba nakangiti, at yung iba naman nakataas ang kilay.
Nang makarating ako sa upuan ko ay napansin ko ang malaking teddy bear na nakaupo sa table ko, nagtatakang nilapitan ko ang teddy bear.
"Kanino ito?" tanong ko sakanila.
"Edi sayo, ikaw ha..kanino galing yan..may bago ka na bang manliligaw?" sabi ni Julia ang class secretary namin.
"Oo nga, ang sweet naman, biruin mo di sya nahiya bumili ng teddy bear, to think na college na tayo pero nag effort parin." Sabi naman ni Misty isa sa groupmate ko sa chem.
"Alam ba ni Blue yan?" tanong ng isa kong classmate na guy.
"Ano ka ba dude, malay mo si Blue may bigay nyan."
Bigla akong kinabahan sa sinabi nila, bakit ako bibigyan ng teddy bear ni Yuan? Peace offering?
Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko, alam ko deep inside hinihiling ko rin na sana galing nga it okay Yuan.
BINABASA MO ANG
Crimson and Blue
RomanceI fell in love once.. I stumbled and cried.. But I will stand up now, with my head held high. Regrets should be buried, I should have learned by now.. That loving someone is not easy. Still... despite of those heartaches, There were also happy memor...