Chapter 1 (The day I met him)

247 4 0
                                    

Dear Diary,

First week of class..

Medyo excited na ako at the same time kinakabahan.

At last tapos na ang high school life! Entering college world is much different than entering high school life..

Sabi nga ng Principal namin noong high school, we are big fishes in a small pond, pero pag nag- college kami we will become small fishes in a big pond na sinang ayunan naman ni Mommy, kasi daw sa College iba ibang tao makakasalamuha mo, nangaling sa iba't ibang lugar.. and ibat iba ang nationality, at iba iba ang personalities..

Bago ako pumasok sa loob ng gate, nilingon ko si Mommy na nakasandal sa kanyang Black BMW, nakangiti syang kumaway saakin. Grabe mas excited pa nga sya saakin, kasi daw I'll get to meet lots of boys daw.  Ganyan ang mommy ko, super cool, para nga lang kaming magbestfriend. Actually I am so blessed na sila ang naging parents ko kasi they love me so much, I felt like I have everything one can wish for.. Money, Love, Happiness, Beauty and Fame.


My mom, Caprize Florence Lopez, is a former Beauty Queen turned model. But when she married my Father Malthus Madrigal a business tycoon, she gave up her career. After their honeymoon my Dad gave her House of Florence Signature, a big boutique which caters international products.

And I, Cadillac Venice as their only daughter is enjoying the privileges of being a Lopez- Madrigal.

Sa sobrang busy ko sa pag oobserve ng campus, I didn't notice the group of boys walking towards me na abala sa pagkukulitan.

I bumped into one of them.

Akala ko matutumba ako, napapikit nalang ako at hinintay ang susunod na mangyayari, pero bago pa ako tuluyan matumba ay may dalawang kamay ang umalalay sakin. Umayos ako ng tayo at napatingin sa aking nakabunguan, napahinto ito at napatingin sa akin.

The guy is tall, maybe 6 footer while I on the other hand is 5'6 plus 2 inches because of my heels, so kinakailangan parin nyang yumuko para magkatinginan kami.

"Sorry Miss'' sincere nitong sabi.

"O-ok lang." Kinakabahan kong sagot. Ang mga mata nito ay nakangiti rin.

He has what they called 'sexy lips', maputi ito at matangos ang ilong. He has a cute hair cut at take note my dimple ito sa kaliwang pisngi, gwapo, and oozing with appeal. Over all he's a head turner! Oh my! ano ba itong iniisip ko!

He smiled at me and nodded, then inakbayan ito ng isa sa mga kasama nito at humarap saakin.

"Ano miss?! Pasado ba sa standards mo itong kaibigan namin? Nanunukso nitong tanong, na nakapag painit ng pisngi ko. My God! Nakakahiya napansin pala nila ang ginawa kong pag o-observed sa kaibigan nila.

" S-sorry!" nahihiya kong sabi.

Napapangiting tumingin sa akin ang lalaking nakabunguan ko halatang pinipigilan nito ang matawa.

"Its fine, libre lang tumingin" biro nito saakin.

Bago pa ako makapag salita ay nag salita naman ang isa sa mga kaibigan nito.

"Bro, bata pa yan! Ikaw talaga!, Pero I can't blame you bro, she's a catch!"sabi nito na tila ba pinag aaralan ako mula ulo hangang paa!

"Jared, pare bata pa yan! Maawa ka naman, humanap ka nalang ng ibang maloloko mo!" sabi ng isa na mukhang babaero din sa lalaking nanunukso sa nakabunguan ko. Nagtawanan ang mga ito, nag high five pa nga ang ilan . Napapailing na tumingin saakin ang lalaking nakabunggo ko, para akong matutunaw sa titig nya.

"Pag pasensyahan mo na yang mga yan, mapagbiro lang talaga sila. Sige we need to go. Bye." Ngumiti ito at humakbang palapit, yumuko ito at nilapit ang kanyang mukha sa aking tenga .

" See you around." Bulong nito at lumakad na palayo kasama ang mga kaibigan nito.

Crimson and Blue Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon