Chapter 41 (Best guy friend?!)

67 1 0
                                    

"Crimson are you sure, sasabay ka kay Dylan pauwi?" takang tanong ni Thea. Tumango lang ako bilang kasagutan. Si Dylan ay classmate namin sa isang major subject. Kilala din ito sa campus dahil isa itong soccer player. Napansin siguro nito na hindi na kami magkasama ni Yuan kaya naglakas ito ng loob na alukin ako ihatid pauwi. At dahil sa mabait naman ito ay pumayag ako. Besides kailangan ko ng distraction para makalimutan ang nangyari kaninang lunch. Gwapo si Dylan at malakas ang charms, malakas din ang sense af humor nito at palaging nakangiti hindi katulad ni Blue na palaging seryoso maliban na nga lang kung kami nalang ng friends nya ang kasama doon lang lalabas ang soft side nya. Madalas na mapagka malan si Yuan na suplado pero parang lalo pang naaattract ang mga girls sa ganung pag uugali nito. Sila Reid naman ay ilang araw nang wala, nasa training sila dahil sa gaganapin na Championship ngArena National Universities Tournament.

"But Crimson-"

"Althea, don't worry ok?! Dylan is a nice guy"

"I know it's just that..."

"I called my driver, sinabi ko na wag na akong sunduin dahil may maghahatid saakin. You worry too much! Im fine okay? It's not as if it's already the end of the world dahil lang sa nakita ko kanina. My world does not revolve around Blue! Besides I'm still young I've got plenty more boys to see and many more girls too piss off!"

"That's my bestfriend" natatawang sabi nito sabay yakap saakin. " Sige enjoy your date!" sabi nito sabay kindat. " by the way nagtext sila Monique bukas daw sasabay sila saatin."

"Buti naman."nakangiti kong sabi.

Papunta na ako nang parking lot dahil sa doon namin napagkasunduan na magkita ni Dylan dahil ayoko na marami ang makakita na magkasama kami dahil sigurado ako nanaman ang magiging topic sa campus bukas. At bakit hindi sino ang hindi magtataka, madalas ay si Yuan ang kasama ko at minsan ay sila Kaeden at ngayon si Dylan naman na isa ring campus figure. Baka lalong marami ang magalit saakin at isiping tinutuhog ko ang mga campus figure. Bago pa man ako makarating sa parking ay namataan ko si Yuan na galing sa parking lot at bago pa ako makaiwas ay lumingon ito sa direksyon na aking kinatatayuan. Nagtama ang aming mga mata, ilang sandali rin kaming nagkatitigan na para bang binabasa namin ang iniisip ng isa't isa. Para bang gusto kong tumakbo palapit sakanya at yumakap, oh my I really miss him that much! Pero bago ko pa gawin yun ay naalala ko ang eksena kanina sa may social hall kung saan ay kasama nito si Dianna. To my surprised ay ngumiti si Yuan at nag umpisa ng maglakad patungo sa kinatatayuan ko at dahil doon ay nagising ako sa aking pagkatulala at nag umpisa na ulit ako sa aking paglalakad papunta sa entrance ng parking lot at dahil doon ay kailangan kong dumaan sa pinanggalingan ni Yuan kaya lalo kaming nagkasalubong. Nang halos magkaharap na kami ay huminto ito sa harapan ko na naging sanhi ng pagtigil ko sa paglalakad dahil nakaharang ito sa dadaanan ko. Napatingin ako sakanya at katulad ng kanina ay nakangiti parin ito na tila ba ng aasar.

" Hi Crimson, uuwi ka na?"tanong nito. Na sinagot ko lang ng tango at umiwas ako ng tingin.

"Wala pa ang driver mo, sa loob ka muna maghintay"

"I know he's not yet here and he's not coming. Excuse me." Mahina kong sabi at lumakad sa may bandang gilid para lampasan si Yuan. Pero bago pa man ako makalayo ay nahawakan ako nito sa braso para pigilin. Napatigil ako sa paglalakad at napaharap sakanya.

"Crimson what's wrong?!" seryoso nitong tanong pero hindi ako nag sasalita at hindi rin ako nakatingin sa mukha nya dahil hindi ko kayang salubungin ang kanyang tingin, parang ano mang sandali ay gusto ko ng maiyak. Why is he doing this, he avoided me for the past three days tapos ngayon kung umasta sya para lang walang nangyari "Crimson.."

"Nothing."maikli kong sagot.

"I don't believe you. What's with the cold shoulder Crimson?."

"Don't act as if you don't know Yuan." Sagot ko sabay bawi sa braso ko na hawak nya. Napabuntong hininga ito at napasuklay ang mga daliri sa buhok nito.

"Yuan?So now you're calling me again with my real name?"magkasalubong na kilay nyang sabi.

"I need to go..."sabi ko na lang.

"Crimson kung dahil ito sa hindi ko pagkakaroon ng time sayo dahil sa pagiging busy ko sa pag oorganize ng ball-"

"Yeah, you're too busy na nagagawa mo pang makipagtawanan sa grupo ni Dianna, while you even don't have the time to tell me that you're still existing!" putol ko sa sinasabi nya at tuloy tuloy kong sabi. And to my amazement ay ngumiti pa ito.

" Wait, are you jealous?" nanunukso nitong sabi na ikinapula yata ng buo kong mukha. Nanlalaki ang mata kong napatingin sakanya.

"Why would I ? Hindi si Dianna ang tipong dapat pagselosan. And I don't mind sharing my best guy friend." Matapang kong sabi. Napataas ang kilay nito.

"So I'm just a best guy friend to you?!"

"Yes,but that was before but now I'm not so sure if we're still friends. Cause I believe that friends don't leave their friends behind. And you left me just like that..."

"Maybe I just don't want to stay friends with you anymore." Seryoso nitong sabi na nakatingin sa aking mga mata. Napaiwas ako ng tingin,hindi ko inaasahan na sasabihin nya iyon. So tama pala ako ng hinala, pero bakit ganon masakit pala marinig iyon sa mismong bibig nya. Napahugot ako ng malalim na hinininga at napakagat ng labi habang pinipigilan kong mapaiyak.

"F-fine, if that's what you want." Mahina kong sabi na nakayuko na dahil hindi ko kayang salubungin ang kanyang tingin

"And you Crimson, is that what you want?" napatingin ako sakanya, nakatingin parin sya saakin. Ang mga mata niya ay malungkot na para bang nangungulila. Pero bago pa ako makasagot ay biglang sumulpot si Dylan mula sa kung saan.

"Hey Blue what's up?" bati nito kay Yuan at tumingin saakin. "I was waiting for you for almost 20 minutes, I thought that something happened to you. Are you alright?!" masuyo nitong tanong. Nahalata siguro nito ang pinipigil kong luha. Tumango na lang ako bilang kasagutan.

"So, are you ready?" tanong nito.

"Yeah, let's go" napatingin ako kay Yuan na blangko ang ekpresyon ng mukha.

"Blue" sabi ni Dylan na para bang gusto sabihing mauna na kami. Tumango lang si Blue. Nag patiuna na ako sa paglalakad at hindi na ako lumingon pa sa kinatatayuan nito.

Inalayan ako ni Dylan papasok ng sasakyan nya, ng makaupo ako ay ito pa mismo ang nagkabit ng seatbelt ko, ng mapatingin ako sa kinatatayun ni Yuan ay nandoon parin ito at nakatingin saamin.

Hinatid ako ni Dylan hangang gate ng bahay. Ayos na naman itong kasama at masasabi ko na talaga namang mabait at Masaya itong kasama. Pero kahit napapatawa ako nito ay hindi ko parin mapigilan ang malungkot pag naaalala ko ang nangyari sa parking lot sa pagitan namin ni Yuan. I never thought this would happen, everything was so perfect before, and I don't know what went wrong. Maybe this is for the best, I think I'll just go with the flow.

Crimson and Blue Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon