"I love you.. I really do" sabi ng babae na kasama ni Blue.
Nakatalikod si Blue saakin, kasalukuyang nakaupo ito sa may canteen kasama ang babae. Ako naman ay kagagaling lang sa klase. Napagkasunduan kasi namin ni Blue na sabay maglunch.
"Stop it" seryosong sabi ni Blue.
"I thought you like me too.. diba nga ikaw pa lumapit kagabi saakin sa bar?!"
"Michelle-"
"It's Andrea!" galit na sabi nito.
"See? That's what I'm saying, if I really like you hindi ko makakalimutan ang name mo." Natatawang sabi ni Blue.
Bigla namang namula sa pagkapahiya ito, pinagtitinginan na rin kasi sila ng ibang students na nakatambay doon.
"I hate you!" sigaw nito tapos ay tumakbo paalis, pero bago pa sya makaalis ng husto ay nakita nya ako, nanlaki ang mata nito at nag iwas ng tingin at tuluyan ng umalis.
"Uh oh, I smell trouble" sabi ng isa sa mga students.
"Lagot, nahuli ni Cadillac si Yuan na nang bababae!"
Simula ng maging friends kami ni Blue ay napagtripan nitong sabihin sa lahat na wag na sya tatawaging Blue, dahil ako nalang daw ang tatawag sakanya ng ganun, at sya lang daw ang tatawag saakin ng Crimson, so it's like ang tawagan namin ay ang nicknames namin. Biniro nga kami ni Thea, ang sabi nito endearment daw namin yun ni Blue kaya pati si Thea ay ang real name ko na ang tawag saakin.
Biglang napatingin saakin si Blue, ako naman ay dumiretso sa harap nang inuupuan nyang chair.
"What do you want to eat?" nakangiting sabi nito.
"Don't mind me, I can manage." Malamig kong sabi. Everytime kasi na kumakain kami ito ang tumatayo para bumili ng food namin, samantalang ako naman ang nagbabantay ng things namin.
"Hey, bakit ka nakasimangot" nakakunot noong tanong ni Blue at hinawakan ako sa baba para itingin sakanya. Hinawi ko ang kamay nya na kinagulat naman nya.
"None of your business" sagot ko sabay tayo. Pero bago pa ako makalakad ay nahawak na nito ang kamay ko.
"Hey, what's the matter? What's with the cold treatment? Did I do something wrong" seryosong tanong nito.
Huh! Talagang nagtanong pa sya! Pa inosente effect!
"I said it's nothing ok, so let go of my hand because I'm really starving na, bibili na ko ng food ko." I tried to pull my hand but he is not letting it go.
" No!, let's settle this first!"mariing sabi ni Blue.
Nagpatigas kaming dalawa. Inirapan ko lang sya at patuloy ako sa pagbawi ng kamay ko.
"Come here, sit beside me and tell me what's wrong."
"No!" matigas kong sabi.
"Fine.. ok lang saakin if we are already making a scene." He said with a mischevious smile on his lips. Napatingin ako sa paligid namin. All of them are staring at us, yung ibang kumakain ay natigil sa pagsubo ng pagkain dahil sa panunuod samin, tahimik ang lahat at nag aabang ng susunod na mang yayari. Bigla ako nakaramdam ng hiya, pakiramdam ko ay namumula ang buong mukha ko. Para nanaman kaming couple na may LQ. Bigla akong napaupo.
"Fine" bulong ko. Hawak parin ni Blue ang kamay ko, magkaharap kami ng upuan, only a circle table in between us.
Napabuntong hininga si Blue, tumayo ito sa kinakaupuan nya ng di parin binibitiwan ang kamay ko. Umupo ito sa chair na katabi ko, nakayuko lang ako di ko alam kung bakit pero feeling ko anytime tutulo ang luha ko.
BINABASA MO ANG
Crimson and Blue
RomanceI fell in love once.. I stumbled and cried.. But I will stand up now, with my head held high. Regrets should be buried, I should have learned by now.. That loving someone is not easy. Still... despite of those heartaches, There were also happy memor...