Chapter 3 (What a playboy?!)

139 0 0
                                    

Saturday ,  I don't have classes today, pero eto ako ngayon sa library at kasalukuyang nag hahanap ng libro for my report on Monday. Nagkataong ang kinakapwestuhan ko ay nasa dulo na, matataas ang shelves kaya di mapapansin kung sino man ang nasakabilang shelve. And since kanina pa ako dito, medyo nangangawit na ako kakatayo that's why I decided na maupo na sa floor, since wlang gaanong tao ngayon sa library. Sakto namang kakaupo ko lang ng marinig ko ang mga yabag na papunta sa kabilang shelve, sa may harapan ko. So it means to say na isang shelve lamang ang pagitan ko sa mga yabag na tumigil sa mismong  harapan ko.

" So what are you saying?, natapos na tayo? Is that it?!" pabulong pero may riin na sabi ng tinig.

"Hershey, do you really want to talk about it here?! In case you're forgetting nasa library tayo, besides can't you see I'm busy, I have to find related studies for my research." sagot ng isa pang tinig na medyo pamilyar saakin.

"I don't care kung saan natin pag usapan ito! I just want to know the truth!" nagsususmamong sabi ni 'Hershey'.

"Fine. You know the rules Hershey, no strings attached, no commitments so no pressure!" mariin na sagot nito.

"But- Yuan!"

"I made it clear when we first hang out, remember!"

"You are so cruel! I hate you!" halos pasigaw na sabi ni Hershey at pagkatapos ay isang lagapak ng kamay sa pisngit ang bigla kong narinig, at papaalis na yabag ng stiletto.

Ouch! I think that Hurts.  And he deserved it, number one playboy talaga si Blue, kawawa naman ang mga babae na nahuhumaling sakanya!

At dahil sa sobra kong busy sa pag iisip ng tungkol sa pagkaplayboy ni Blue, ay nakalimutan ko na may hawak nga pala akong libro, na bigla kong nabitiwan at lumikha ng ingay.

Oh my God, I'm so busted!

Dinampot ko kagad ang librong nabitiwan ko at dali dali akong napatayo, pero bago pa ako makatakas ay nasa harapan ko na si Blue.

"Look who's here, didn't your mother teach you that eavesdropping is impolite?" naniningkit ang mata nitong sabi at humakbang palapit saakin na kinaatras ko naman.

" I didn't mean to... I m-mean, I was already here before you even came, so it's not my fault.." mahina kong sabi. Hindi ako makatingin sakanya dahil alam kong nag iinit na ang mukha ko sa kahihyan.

"But you didn't go away.." nag aakusang sabi nito.

"I can't masyadong mabilis ang mga pangyayari..ok para sa ikakagaan ng loob mo, I'm sorry.." sinubukan kong salubungin ang tingin nya, pero hindi ko talaga kaya dahil sa matalim nitong tingin.

"Sorry is not enough. You owe me one." Malamig nitong sabi. Sabay talikod.

What have I done wrong? Kasalanan ko ba na dito sila nagdecide mag break or whatever ang tawag sa ginawa nila? Sana hindi sila umeksena dito?!

Lagot na, from now on, I must avoid him, mahirap na baka mapahamak pa ako!

One week passed by, I tried so hard to avoid him, whenever our paths met, I made sure na hindi nya ako makikita. Super alert din ang senses ko, whenever I heard their team approaching, umeexit kaagad ako. Feeling ko tuloy para akong criminal na may pinagtataguan. Kahapon nga hindi sinasadyang magkabungguan ulit kami, and his eyes met mine, it seems like the world stopped around us, at naglaho ang lahat ng tao sa paligid. At bago pa sya makapag salita ay dali dali na akong lumakad palayo. Masama ito, hindi na normal ang mga pangyayari, I just want to have normal college life! Plan B: I'll keep a low profile.

Crimson and Blue Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon