Six pm ang start ng party kaya five pm palang ay nakabihis na ako. Bumaba ako sa hagdag at ipapatawag ko na sana ang driver ng makasalubong ko si Mommy sa bungad ng hagdan.
" Oh my! You look stunning darling. I can't believe it, dalaga na ang baby ko." Saad nito sabay yakap saakin. Napangiti ako sa sinabi ni Mommy.
"Mom.. Everytime na my aattendan akong party ayan ang sinasabi mo.." naikinatawa lang nya.
"Your dress perfectly fits on you. You look like a princess! Well you are technically the princess in this house, and you will always be our princess, right?! " nakangiting wika nito.
"And a brat as well" biro ko.
"No darling you've never been a brat! That's why your dad and I are both proud of you! At kahit na makatagpo ka na ng iyong prinsipe, you will always be our princess!"
"I know that's why I love you both! By the way I thought you're busy Mom? What are you doing here?"
" Im here because I want to see you in that lovely dress." Nakangiting sabi nito at inakay ako sa papuntang sala. "let's go baka mainip na ang prince mo, kanina ka pa nya hinihintay" makahulugan sabi ni Mommy na ikinakunot ko ng noo.
Pag dating namin sa sala ay nalaman ko ang ibig sabihin ni Mommy. Naroon nakaupo si Yuan at bihis na bihis. Nakatuxedo itong itim, and he really look sexy and gorgeous on it! Nang makita kami ni Yuan ay napatayo ito, binati nito si Mommy at tumango si Mommy. Nagbilin si Mommy saamin bago kami iniwan sa sala na parehong nakatingin sa isa't isa.
"W-what are you doing in here? I thought hindi mo ko madusundo?" lito kong tanong.
" I can't believe you fell for that!" Nagsalubong ang kilay nito. "Do you think hahayaan kitang magpunta sa ball na mag isa! Paano nalang kung makasalubong mo si Dylan sa entrance? Baka makalimutan mong ako ang escort mo! No way!" napasimangot na sabi nito.
"Yuan!" sita ko.
"I'm just kidding. Masyado ka kasing seryoso." Nakangiting sabi nito. "By the way you look stunning, the dress suits you."
"Thank you. You don't look bad yourself!"
He smiled that made me smile back.
"Are you ready?" tanong nito na sinagot ko lang ng tango matapos ay kinuha ang kamay ko para ilagay sa braso nito. " Well then let's go ,my princess."sabi nito sabay kindat na ikinatawa ko.
Naglakad kami sa BMW nito na naghihintay na para bang katulad nang dati. Ang lahat ng mga nangyari ng mga nagdaang araw ay nakalimutan na, para ba itong isang masamang panaginip na lumipas na. Wala nang nag ungkat pa tungkol doon, at sa tingin ko ay mas ikakabuti iyon ng sitwasyon.
Nang dumating kami sa naturang party ay naroroon na halos ang lahat. Pawang nag gagandahan ang mga suot ng mga ito. Nang ganap na kaming makapasok ay nag tinginan ang lahat, ang iba ay may kislap sa mga mata na para bang may inililihim na kung ano. May iba ring nagbubulungan ng kami ay mapadaan. Siguro nag tataka ang mga ito kung bakit kami ang magkasama, lalo pa't marami ang nakaalam sa aming di pagkakasunduan ni Yuan. Habang papunta kami sa aming table ay ilang professor din ang aming nadaanan na bumati saamin at nagsabi na " we look good together".
Umupo kami sa reserved seat na naroroon, katable namin sila thea at ang mga kaibigan ni Blue. Maya maya lang ay nag umpisa nang mag sayaw ang magkakapareha kaya kinakabahan ako na baka ayain ako ni Yuan magsayaw pero hindi nya ginawa iyon. Buong magdamag ay nakaupo lang kami ni Blue at nakikipagkwentuhan sa mga kasama namin sa table, hindi man lang kami nagkaroon ng oras na mag kausap kami ng magkasarilinan. Kanina ko pa hinihintay ang pangako nyang pagpapaliwanag sa pag iwas nya saakin ng ilang araw. Malapit ng matapos ang party ng mag excuse si Yuan dahil may kakausapin daw ito. Nagulat pa ako ng mamatay ang lahat ng ilaw at chandeliers at sa halip ay nag Dim light sa buong paligid. At biglang may pumailang lang na boses sa may stage na tila ba kumakanta sa saliw ng banda.
BINABASA MO ANG
Crimson and Blue
RomanceI fell in love once.. I stumbled and cried.. But I will stand up now, with my head held high. Regrets should be buried, I should have learned by now.. That loving someone is not easy. Still... despite of those heartaches, There were also happy memor...