Chapter 1

1.3K 71 9
                                    

‧͙⁺˚*・༓☾ CHAPTER 1 ☽༓・*˚⁺‧͙

Drake Kaleb Olivares, a corporate lawyer.

According to Maddie's informant, if I want to see him and talk to him, I have to make an appointment. He is often busy, and mostly only has free time during Saturdays.

Kaya siniguro ko talagang maaga pa ng araw ng Sabado nakatayo na ako sa harap ng law firm na pinagtatrabahuan niya. Pinapasok naman ako sa loob, umakyat sa 3rd floor, at kinausap ng masungit na babaeng nasa mid-thirties. Napapadalas ang pagtaas niya ng kilay habang tila microscope ang suot niyang salamin at hinahanapan ng bacteria ang kaluluwa ko.

"Client ka ba ni Atty. Olivares? He's not coming here today," sabi niya. Hindi ko alam kung secretary ba siya o kaano-ano ng lalaking pakay ko.

Hindi ko naman in-expect na makikita ko agad siya sa unang beses na susubok ako. Kaya ngumiti ako kahit nanunuot ang mapanuring tingin ng babae sa akin. "Can I have his personal info? If you don't mind."

"Balik ka na lang sa Monday kung may personal kang kailangan sa kanya. Pero if may ibang concerns kayo, I can refer you to other attorneys that are available today."

Dali akong umiling. Gusto kong maghimutok dahil hindi lang naman sila ang busy. I have a child na Grade 1 na at nagtatrabaho rin ako para may ipapasustento sa sarili at sa anak. Pero may iba pa ba akong pagpipilian? Alangan namang sabihin kong, "Kailangan kong makita si Atty. Olivares dahil itatanong ko kung siya ba ang naka-sex ko seven years ago."

Tumayo ako't nagpaalam nang maayos. I grabbed my pouch and walked outside of his office. Napabuntonghininga ako pagkasagap ng sariwang hangin. Now, where to find that guy? Pwede naman akong bumalik ulit sa Sabado, pero paano kung wala ulit siya dito?

Paano ba naman si Maddie, magbibigay na lang ng listahan, hindi pa kumpleto ang mga detalye. Kahit contact information wala ni isa. Ano? Manghuhula ako kung saan ko sila pupuntahan? Mag-stalk ako sa social media? Ang tanong active ba sa SNS ang mga 'yon?

But at least she gave me the address of this firm. And she's still getting some details from other acquaintances because she promised me before that she would help me.

"Uhm...excuse me." Napalingon ako sa tumikhim na babae sa likuran ko. She has a petite figure and a small face. Mas matangkad siguro ako ng tatlo o apat na pulgada. "Are you looking for Drake? I saw you coming out of his office. May I know your name?"

Nang kumurap-kurap lang ako at hindi agad nagsalita dahil napatunganga lang sa kanya, ngumiti siya. "I'm Ashley. Drake's cousin." Inilahad niya ang kamay.

"Oh..." Umawang ang bibig ko. "I'm Kira. Drake's uhm..." Inabot ko ang kamay niya. "I am his..." Kumunot ang noo niya kaya mabilis akong nagsalita at muntik pang mabulol. "Friend ako ng friend niya. We're mutual...friends?! But I don't have his contacts and I really need to talk to him about something important but not business related, that's why I'm here." Gusto kong tampalin ang sarili sa mga lumalabas sa bibig ko.

Tumango-tango siya pero hindi ko na alam ang tumatakbo sa isip niya. Masyado ba akong halata? Nagdududa na ba siya sa pagkatao ko? Mukha ba akong masamang tao?

Mukha pa naman siyang lawyer. Pamilya yata sila ng mga abogado.

"You wanna come with me? In fact, I'll go to their house now. Or do you have a car with you?" Hindi ulit ako nakaimik.

Miss, commuter lang ako since school days.

Gusto ko sanang sabihin pero bigla ulit siya nagsalita. "Or if it's not that urgent, you can give me your contacts and I'll give it to him na lang."

Aftertaste of The Night (Pereseo Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon