Chapter 9

1.1K 76 27
                                    

͙⁺˚* CHAPTER 9 ͙

"Grabe, beh! Ang tibay mo rin talaga ano?" May panunuya sa boses ni Madeline. Kanina pa iyang mga pasaring niya sa akin.

"Ano?"

"Hindi ka ba naawa sa tao?"

Kinunutan ko siya ng noo.

"Gaga! 'Wag kang magpatay-malisya diyan. I know you know what I mean."

Hindi ko na lang siya pinansin ulit at lumusong na lang ako sa swimming pool ng pamilyang Torruellas para samahan si Bran maligo na nakasalbabida. Wala parents ni Maddie dito ngayon. Ang panganay niya namang kuya matagal nang bumuwag at may sariling pamilya. Ang ikalawa niya namang kuya hindi naman madalas umuuwi dito. Kaya solo namin ni Bran ang swimming pool.

Ito ang masarap kapag may nakakaangat kang kaibigan sa buhay. Anytime may tatakbuhan ka at hindi mo na kailangang gumastos ng malaki para makapag-unwind.

"See?" Para siyang maghi-hysterical. "This is what I'm talking about. You turned down his invitation for the three of you to go out tomorrow because you were busy. Tapos dito ka lang pala tatambay sa bahay namin? Kung gusto mo lang naman pa lang mag-swimming, hindi hamak naman siguro na mas malaki pool ng mga Zariego. You even made me your excuse."

Kaso hindi ako makapag-relax kasi kanina pa ako naririndi sa boses ni Maddie.

"Tinaguan mo na nga ng anak sa loob ng mahigit anim na taon, tinitiis mo pa sa loob ng tatlong buwan?"

"Ang OA mo, gaga! Tatlong linggo pa lang..."

"'Di umamin ka ngang iniiwasan mo nga. Apektado ka ano?"

"Will you please shut up, Mads? Ang ingay mo!" Lumangoy na ako palayo sa kanya at nilapitan si Bran na walang pakialam sa aming dalawa. Ang buong atensiyon niya ay nakatuon sa mga inflatable toys na palutang-lutang sa pool.

"But you're not giving me any specifics after rejecting his marriage proposal. What happened after that?"

Pinapalabas ko na lang sa kabilang tainga lahat ng sinasabi ni Maddie. Wala naman kasi akong dapat ikuwento pa sa kanya. Tapos na rin naman 'yong misyon ko. Ang bigyan ng tatay ang anak ko.

Ano pa ba kailangang kong gawin pagkatapos nun?

I agreed to the agreement. Bran will come home to me every weekdays and Vadik or the Zariegos will pick him up every weekend.

I felt uncomfortable at first. Ever since I gave birth to Bran, he has never been separated from me for more than a day. In order for this arrangement to work between us, I need to make some adjustments.

Friday ngayon at half day lang ang pasok ni Bran. Nagkataon naman na day-off ko dahil kapapalit lang ng schedules sa trabaho. Mamayang 6PM ay may susundo na sa anak ko. Kaya tumakas na muna ako sa condo at iniwanan kay Nay Carmen si Jairo at mamayang 8PM na kami uuwi ni Bran.

Bukas na siya pumunta sa mga Zariego. Solohin ko muna siya ngayon.

Pakiramdam ko kasi padalang nang padalang ang oras na magkasama kami. May pasok siya sa school at nagtatrabaho ako. Kapag umuuwi ako, ilang oras lang matutulog na siya. Weekend lang ako madalas may oras tapos nasa mga Zariego pa siya.

I thought I could handle it. It's only been three weeks, but I'm already struggling.

I don't want to go to Senior Rion's house because I'm sure he'll insist again that if I don't marry his grandson, at least we'll live under the same roof.

Aftertaste of The Night (Pereseo Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon