Chapter 8

1.1K 88 46
                                    

͙⁺˚* CHAPTER 8 ͙

At one point, I believed that nothing could top the anxiety you feel when waiting for the results of an unexpected quiz at school or if you passed the public exam you took after graduation. My perspective changed while I was waiting for the pregnancy test to show two lines, as I was uncertain if I was pregnant. And during the time when covid was still widespread because who would want to be positive?

But now, something new has topped my list of the most nerve-wracking test results in my entire existence—the DNA paternity test result.

I don't even know if I should pray for the result to match or not.

After having an emergency meeting with the Zariego family three days ago, they have decided to have a DNA test. Hindi lang si Vadik at ang anak ko, pati na rin si Vitto.

It was sponsored by their family, of course. Maybe Maddie's research project was accurate because they actually own a private hospital. Everything was done at the said hospital and nothing went wrong.

Akala ko matagal mapa-process ang mga bagay-bagay, pero mabilis yata ang lahat basta may pera ka.

The result was already out yesterday. Vitto called me and said that his Dedushka ordered him to tell me that I have to go to his grandfather's house.

Ngayon nga'y nakasakay ako sa isa sa mga sasakyan ng pamilya nila. Sinundo kami ng personal driver ni Senior Rion. I'm not sure how to address him, so I prefer to call him that.

Masyadong excited si Brandon at hindi ko na lang pinapansin gaano ang mga tanong niya. Kanina pa kasi ako parang natatae. Ayaw ko sana isama si Bran pero I really want him to know first, regardless of the result.

Hindi ko pinapasok si Bran sa school ngayon. Nag-sick leave din ako para lang dito. Kanina pa tumatawag si Jordan para itanong kung ayos lang ako. Sinabi ko na lang na 'wag siya mag-alala at papasok din ako bukas.

Masyado ring busy si Maddie at nag-text lang sa akin na mag-iingat kami. At sabihan ko lang agad siya kung magkaroon man ng problema.

Inihatid kami ni Bran ng isang katiwala ng mga Zariego sa isang silid. Mukha itong study room o basically a library dahil maraming libro sa paligid.

Pagpasok na pagpasok, gusto agad ni Bran maglikot at usisain ang mga nakikita niya pero hinawakan ko ang kamay niya't pinapirmi siya sa isang tabi.

Sinabihan ko na siya kagabi na 'wag aalis sa tabi ko. Itinikom niya nang mariin ang bibig at sumunod. Pero alam ko na pinipigilan niya lang ang sarili dahil paminsan-minsan ay naglilikot pa rin ang mga mata niya sa paligid.

Kami pa lang ang nandito. Hindi naman tumatagal ng ilang minuto ang paghihintay ko dahil sabay-sabay silang pumasok.

Senior Rion who was sitting in an electric wheelchair, Vadik, and his parents.

Alam ko na hindi pupunta si Vitto dahil sinabi na niya kahapon. Confident naman daw siya na hindi siya ang tatay. Okay na sana pero parang gusto ko ulit manapak kasi ang taas talaga ng apog niya.

Hindi ko binulungan pero kusang tumayo si Bran para salubungin sila at magmano. Vadik's parents were stunned for a moment. And I saw a small smile across Senior Rion's lips.

Nakahinga ako nang maluwag at parang nabunutan ng tinik sa dibdib.

Hindi umalis ang mga mata ko sa anak ko. Naghihintay ako na bumalik siya sa tabi ko pero hindi niya man lang ako nilingon o tinapunan ng tingin. Nakatingala lang siya kay Vadik na parang may hinihintay na kung ano. Nakatitig lang din sa kanya si Vadik.

Aftertaste of The Night (Pereseo Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon