‧͙⁺˚*・༓☾ CHAPTER 3 ☽༓・*˚⁺‧͙
"That's hilarious! Oh, my gosh..." Sa sobrang lakas ng tawa ni Maddie na halos mabingi ako, gusto ko siyang busalan.
Hindi nga ako nagkakamali. Hindi pa ako natatapos magkuwento, maiihi na siya sa katatawa. Samantalang ako hanggang ngayon, nakakaramdam pa rin ng hiya para sa sarili. Masyado na talaga akong desperada!
"Alam ko. Please lang, 'wag ka muna tumawa." I was biting my thumbnail.
"Anong sabi niya? Siya raw naka-sex mo?"
"Gaga! Hindi. Tinawanan pa niya ang tanong ko." I covered my face with the pillow I had in my hands. I remembered Andrei's reaction while staring at me.
He was suppressing his laughter, but at the same time, he seemed disappointed that I couldn't remember what happened that night.
"At Jasmine's party, is that what you mean?" I nodded to his question. "And you don't remember anything?"
"Konti lang," bulong ko.
I have vivid memories of Maddie and I going to that place and me drinking a lot. As in! I also remember someone giving me a crack stone. Maddie wasn't even aware of that.
Alangan namang sabihin ko sa kanya na ang klaro lang sa memorya ko ay ang mga nangyari sa kama? Ayoko na dagdagan kahihiyan ko.
"So, we didn't you know...uhm—"
He laughed. "No, we didn't. But you grabbed me and kissed me in front of my friends...."
Ampotchi! Wala talagang tatalo sa kalandian mo, Akira!
"I know, I'm sorry." Yumuko ako para itago ang pamumula sa kahihiyan. "Hindi ka naman mapapabilang sa listahan kung hindi kita nilandi." At hindi ko rin naman siya lalandiin kung hindi siya pogi.
Now that I have seen and talked to him again, bumalik sa akin ang ibang nangyari. I know that he was the first man who caught my attention that night. I wasn't excessively intoxicated when I pulled him. And I immediately regretted what I had done.
Kasi paglapat pa lang ng mga labi ko sa labi niya, alam ko na agad na mali. Ramdam ko ang taranta, at mas lamang ang pagkadiri niya sa nangyari. Hinatak pa niya ako palayo sa mga kaibigan niya.
He got angry.
Habang pinapanood ko ang pagkunot ng kanyang noo at naririnig ang bawat salitang lumalabas sa bibig niya...isang kataga lang ang umiikot sa isip ko. "Sayang!"
Bakit ang unfair ng mundo? Bakit kung sino pa 'yong mga yummy at guwapo talaga, sila pa 'yong hindi mo puwedeng angkinin?
I came to the realization that his friends were unaware of his true sexuality. He had a nice body kasi. Mukhang madalas siya sa gym. Hindi mo rin mahahalata sa kilos niya before na hindi siya sa straight. Tapos 'yong mukha pa niya, kahit hindi ka utusan, mapapahubad-panty ka na lang bigla.
Sayang ang lahi!
Ang init ng ulo niya sa akin ay hindi naman nagtagal. Hindi na nga siya bumalik sa mga kaibigan niya, at nag-inuman na lang kaming dalawa habang nagkukwento siya. Hindi ko rin siya magawang iwan doon at maghanap ng bagong lalandiin dahil na-curious din ang gaga mo.
Sundalo ang daddy niya. His grandfather on his mother's side owns a large food chain company. His mommy will receive the inheritance since she's the sole child.
BINABASA MO ANG
Aftertaste of The Night (Pereseo Series #3)
Tiểu Thuyết Chung[ Pereseo Series #3 ] Akira Menaide Pereseo got pregnant before her graduation. She made a promise to herself that she would raise Brandon alone without the aid of her family. But as Brandon grows up, he seeks what she can't provide. He's eager to b...