‧͙⁺˚*・༓☾ CHAPTER 21 ☽༓・*˚⁺‧͙
Hinila ako palayo ni Maddie sa grupo ng mga lalaki. I've only been with them for a few minutes, but I could clearly see the fear and worried look in her eyes.
"Kirs, beh! Don't drink too much, okay? I came here because Jas' family is migrating, and I didn't want to be alone tonight, so I brought you along with me. I don't have anyone else close by. Just wait here. I'll quickly use the restroom, and then we can head home."
"Bakit ang aga naman?" reklamo ko. Hindi pa nga ako nahihilo sa dami ng nainom ko. At gusto ko maglasing ngayon.
Nakipag-break sa akin si Jefferson after ng tatlong linggo ng relasyon namin. Tangina ng gagong 'yon! Hindi ko talaga matanggap ang mga sinabi niya. Parang ilang beses akong sinampal at sinuntok sa sikmura.
Nakipagrelasyon lang daw siya sa akin dahil gusto niya akong matikman. At dahil natikman na raw niya ako, ayaw na niya.
He said I'm not the type of woman for a long-term relationship and I'm just for pastime experience, so I shouldn't chase after him.
Ako? Hahabol ng isang gago?
Hindi ko matanggap na ipinahiya at sinupalpal ako ng lalaking hindi naman magaling sa kama. Parang keychain nga lang 'yong nakakabit niyang decoration sa gitna ng singit niya, e.
Ang kapal ng mukha!
Oo may itsura siya. Pero mas maraming mas guwapo sa kanya.
Ampotchingina! 'Yong pride ko.
Hindi ko talaga matanggap!
Kumukulo ang dugo ko kaya pumayag ako na sumama kay Madeline dito ngayon. Gusto kong mawala ang init ng ulo ko. Pero hindi ko sinasabi kay Maddie ang tungkol kay Jefferson dahil baka pagtawanan niya lang din ako.
Hindi niya nga alam na may hinatak na lang ako kaninang lalaki at hinalikan ito sa harapan ng mga kaibigan niya, e. Busy kasi si Maddie makipag-usap doon sa magkapatid na kakilala niya kaya naghanap ako ng mapagkakaabalahan.
Pero paglapat pa lang ng mga labi ko sa kanya, alam ko nang hindi siya straight dahil parang masusuka siya. Tinalikuran pa niya ako dahil mukhang hindi alam ng mga kaibigan niya. Dahil nakonsensiya ako sa ginawa ko, sumunod ako sa kanya.
Humingi ako ng sorry at tinanggap niya naman. Hindi siya mahirap kausapin. At siguro kung noon ko pa siya nakilala, baka naging magkaibigan kami. Hindi ko alam pero bigla na lang siyang nagkuwento ng buhay niya sa akin. Pakiramdam ko sobrang bigat ng nararamdaman niya kaya nakinig lang ako habang may sarili kaming mundo at nag-iinuman sa likurang bahagi na malayo sa karamihan.
His name is Fynn, if I remember correctly. But I think he already left. So, I joined a group, but Madeline pulled me away with a disapproving look.
"Basta. I have a bad feeling tonight. And I also feel unwell," sabi ni Maddie at mukhang gusto na talagang umalis.
"Fine. Hintayin na lang kita sa labas. Iinom lang ako ng isang shot pa. Kabitin, e."
I approached the group of men playing billiards. They seemed to be law students based on the topic they were discussing, although not all of them. I picked up a wine glass, which surprisingly didn't contain wine but rather a strong drink, from the guys who were serving drinks to the guests.
Maraming tao dito sa beach resort o isang private vacation house. At mukhang karamihan ay nakakaangat ang estado ng mga buhay dahil karamihan ay banyaga magsalita. Nakabibingi ang music na bumabalot sa paligid. Malamig ang ihip ng hangin na nagmumula sa dagat.
BINABASA MO ANG
Aftertaste of The Night (Pereseo Series #3)
Ficción General[ Pereseo Series #3 ] Akira Menaide Pereseo got pregnant before her graduation. She made a promise to herself that she would raise Brandon alone without the aid of her family. But as Brandon grows up, he seeks what she can't provide. He's eager to b...