‧͙⁺˚*・༓☾ CHAPTER 4 ☽༓・*˚⁺‧͙
Today was the day Finnie had been waiting for. The fashion show for his latest clothing collection was finally taking place.
Kanina pa ako nakarating dito sa event pero hindi pa rin kami nagkikita dahil masyado yata siyang busy. May nag-asikaso rin naman sa akin pagdating ko, pero pakiramdam ko out of place pa rin ako sa lugar na 'to. It was my first time witnessing this kind of event with my naked eyes. I could only watch these luxurious shows online.
I don't know anyone else besides Finnie. I couldn't bring Madeline along because she wasn't interested in these types of events. Ambunan ko na lang daw siya ng chismis pag-uwi ko.
Isinama ni Maddie si Bran sa kanila dahil weekend naman. Natutuwa kasi ang parents niya sa anak ko, at parang tunay na rin na apo ang tingin nila kay Brandon. Pakiramdam ko nagiging spoiled ang baby ko dahil madalas nilang binibigyan ng kung ano-ano.
Madalas din nila akong pinagsasabihan na ipakilala ko na sa family ko si Bran, pero sadyang matigas lang talaga ulo ko. Ipakikilala ko rin naman. Naghahanap lang ako ng tamang tiyempo.
I wore the dress that Finnie gave me. It's a relief that I chose to wear this instead of one of my old dresses in the cabinet since the difference in social status between me and the people here today was evident.
I was like a chameleon that got lost in a group of peacocks.
I just curled my hair today and applied a light makeup. My dress could carry my appearance, so I didn't want to overdo it. Pinarehasan ko lang ito ng black ankle strap. Sanay naman ako na madalas naka-high heels dahil sa trabaho ko.
I was carrying the red luxury handbag that Tita Mara gave me on my debut. Sampung taon na sa akin ang bag na ito pero ayos pa naman dahil kapag may mga ganitong magarbong event ko lang ginagamit dahil mamahalin at ayokong masira agad.
May news media na nandito ngayon. Well-known celebrities, actors, and influencers were also present.
The show already started almost half an hour ago. I was sitting on the left side of the runway, in the first row. I couldn't keep track of how many models were walking in front of me. Finnie's collections revolved around four colors—gray, red, purple, and white.
Each attire was a sight to behold. The price of a garment was probably more expensive than my tuition during college. And Finnie was the designer behind the entire collection.
He told me that he wanted to establish his own clothing brand. We're not that close, pero nakaka-proud na makakita ng mga successful na tao dahil lang hindi sila sumuko sa hamon ng buhay.
Gustuhin ko mang mag-focus sa panonood sa mga model na naglalakad, at titigang maigi ang bawat desinyo ng mga damit, nawawala ako sa konsentrasyon dahil iniisip ko pa rin ang pag-uusap namin ni Kuya Yuen nung nakaraang araw.
Uuwi siya next week dito sa Pinas at habang hindi pa raw siya nakakakuha ng lakas ng loob para sabihin kay na Master ang nangyari, iiwan niya muna sa akin ang anak niya. Ako raw muna ang magbabantay at kukuha rin naman siya ng yaya para alalayan ako.
Babalik din agad siya sa abroad para ayusin ang nangyari kay Jess at balak niya ring mag-resign na sa kanyang trabaho. Dito na raw siya mananatili sa Pinas.
Wala na rin naman siyang dapat patunayan. Matagal nang naka-graduate at may trabaho si Kudos. Hindi ko alam kung papayag ang boss niya dahil hindi pa end ng contract niya, pero gagawan niya raw ng paraan.
BINABASA MO ANG
Aftertaste of The Night (Pereseo Series #3)
General Fiction[ Pereseo Series #3 ] Akira Menaide Pereseo got pregnant before her graduation. She made a promise to herself that she would raise Brandon alone without the aid of her family. But as Brandon grows up, he seeks what she can't provide. He's eager to b...