Chapter 7

1K 88 37
                                    

͙⁺˚* CHAPTER 7 ͙

"Nasaan kayo? Kumusta ang anak ko? Umiiyak pa ba siya? Give me the address of the church," sunod-sunod kong sabi nang sa wakas ay sagutin ni Vitto ang tawag ko.

Sinadya niya talaga akong hindi pansinin. Pakiramdam ko gumanti lang siya sa ilang beses kong pag-cancel ng mga tawag niya nitong mga nakaraang araw.

Naikot ko na yata buong sulok ng condo sa paroon at parito dahil hindi ako mapakali. Umuwi ako para magpalit ng damit at kausapin si Nay Carmen. Ilang beses na siyang humingi ng paumanhin. Pinayagan niyang sumama si Bran kay Vitto dahil nakilala niya raw ang lalaki na tiyo ng anak ko kaya palagay ang loob niya.

Kasalanan ko rin naman dahil hindi ako nagbilin sa kanya. Hindi rin naman kasi pumasok sa isip ko na magagawang kidnapin ni Vittorio ang anak ko sa halip na ako.

Kanina ko pa gusto umalis at sumugod sa venue ng kasal para lang sunduin si Bran pero hindi ko nga alam kung saan. Tinapon ko agad nang gabing 'yon ang invitation at hindi ko rin tiningnan ang location.

Dalawang oras na yata akong tumatawag pero ngayon niya lang sinagot.

"He's fine," Vitto spoke, and even though I couldn't see him, I could feel him smirking. If only I had been in front of that idiot, I would have punched him.

"Let me talk to him..."

"He's not with me. He was with Radi."

"What?!" Napalingon sa akin si Nay Carmen nang halos sumigaw ako. "Bakit mo iniwan?"

"I did not abandon your child. He didn't want to leave my brother's side. After seeing Radi, he has already disregarded me..."

Napapikit na lang ako.

Isa rin talaga 'yan sa ugali ni Bran na ayaw ko. Mabilis mapalagay ang loob niya sa isang tao. Bigyan lang siya ng kung ano-ano, sasama agad siya sa taong 'yon.

Kapag lumalabas kami para mamasyal, hindi dapat siya nawawala sa paningin ko. Siya kasi 'yong bata na ang bilis mawala at kayang dukutin ng kahit na sino.

Kahit nga aso kaya siyang kidnapin.

One time namamasyal kami sa park, bigla na lang nawala sa tabi ko. Kumuha lang ako ng pera sa wallet dahil nagpapabili siya ng cotton candy. Sinundan niya pala 'yong Bernese Mountain dog nung couple na nakasalubong namin sa park. At hindi rin napansin ng magkasintahan na may sumusunod na bata sa kanila. Mabuti na lang hindi pa sila gaanong nakalalayo.

Muntik na akong himatayin sa kaba ng panahon na 'yon. Four years old pa lang kasi siya that time.

Dahil natuwa sa kanya 'yong magkasintahan, kinuhanan siya ng picture kasama 'yong aso. Binigyan pa ako ng kopya dahil instax ang camera nila.

Pagkatapos nun, nagpapabili sa akin si Bran ng aso na akala mo nagpapabili lang siya ng lollipop sa kanto.

Bukod sa wala akong budget, takot ako sa aso. Nasanay rin ang pamilya ko na wala kaming alaga sa bahay dahil allergic nga si Kudos. Iyon ang araw na hindi ko talaga pinagbigyan ang hiling niya kahit halos mamatay siya sa kaiiyak.

Hindi puwedeng palaging anak ang nasusunod!

"Nasaan si Bran?" tanong ko ulit kay Vittorio. "Susunduin ko."

"They already went home—"

"Ano?!"

"Relax. Let me explain first," aniya na para bang nakikita niyang malapit na akong sumabog. "Katarina walked out. Because of what was happening, my mom almost passed out. Dad did everything within his power to stop the visitors and the press from taking pictures and videos, in order to prevent the news from spreading. Dedushka has decided to postpone the wedding and will hold an emergency family gathering instead. Brandon's with them now, because technically he's part of the family?"

Aftertaste of The Night (Pereseo Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon