Chapter 26

1.2K 54 51
                                    

‧͙⁺˚* CHAPTER 26 ‧͙

Year 2010:

Hindi ko alam kung gaano ako katagal nawalan ng malay. Dalawang minuto? Tatlo?

All I remember is that a man gently helped me into the car. My vision was blurred from tears, and my chest felt constricted. I can still feel the stinging on my cheek and the pain in my neck.

Nawala na sa isipan kong alamin kung anong nangyari kay na Adam. Hindi na ako tumingin sa labas ng sasakyan dahil natuon ang buong atensiyon ko sa lalaking nakaupo sa tabi ko. Nasa backseat kami parehas pero nakapikit siya at walang malay?

For the first time, I had the chance to examine his face, which was marred with bruises. His lips were cut, his right eyebrow had a deep gash, and there was a huge bruise forming on the side of his left eye. It seemed like he had been in an intense boxing match. His eyebrows were furrowed, wincing with every bump the car passed over, indicating he was in a lot of pain. His white uniform was soaked in blood, and he held onto my handkerchief tightly.

Bumangon ang galit sa dibdib ko para kay Adam. Ano ang nag-udyok sa kanya para gawin 'to? Gano'n ba siya kawalang puso? Hindi ko rin maiwasang hindi sisihin ang sarili dahil nangyari 'to sa lalaki nang dahil sa akin.

Who is he, anyway? Why would Adam harm him when I don't even know him? And why does he want to speak to me?

Napahawak ulit ako sa aking leeg dahil pakiramdam ko may sumasakal sa akin kaya ako nauubusan ng hangin. Wala akong hika pero para akong mawawalan ng malay ulit. Hindi ako makahinga. Ipinagdikit ko ang nakabaluktot kong mga palad at inilagay sa tapat ng bibig ko. Sunod-sunod ang ginawa kong pagbuga at paghigop ng hangin.

Napatingin ako sa unahan at nagtama ang tingin namin ng nagmamaneho ng sasakyan. Hindi ko mabasa ang tinging iyon pero umaapaw ang galit at poot sa lahat ng emosyon. Kung sa akin, kay na Adam, o sa nangyari ay hindi ko matukoy. Seryoso ang kanyang aura at mukhang makapapatay ano mang oras.

Iniwas ko ang tingin. Ang bigat ng pakiramdam ko. Hindi lang pisngi at leeg ang kumikirot maging ang aking sintido. Nalasahan ko rin ang dugo sa loob ng aking bibig dahil nakagat ko yata ang dila ko nang sampalin ako ni Adam.

Hindi ako nagsalita. Alam kong sa hospital ang punta namin. Ang hindi ko matukoy ay kung bakit nandito ako sa loob ng sasakyan. Pero mas gugustuhin kong kasama ako ng dalawang estranghero ngayon kaysa ang nasa tabi ako ni Adam.

Ilang saglit ay nagmamadali ang kilos ng lahat nang makarating kami sa hospital. Mabilis at maingat ang ginawa nilang pag-asikaso sa lalaking walang malay na para bang mawawalan sila ng trabaho kapag may nangyaring masama dito.

Naglakad ako para sumunod sa kanila dahil gusto kong malaman kung ayos lang ang lalaki pero hinarang ako ng isang babaeng nurse. Binigyan niya ako ng first aid treatment. Tinanong niya rin kung may ibang masakit sa akin pero umiling lang ako. Inabutan niya ako ng iced pack para sa leeg ko.

How do I convey that beyond being physically fatigued, I am mentally and emotionally drained? While I may be physically okay, I carry profound emotional and mental wounds that anyone would have struggled to heal.

How can a nurse heal invisible wounds that even I don't know how to treat?

Gusto kong maghintay na magising ang lalaki dahil gusto kong malaman kung ayos lang siya. Hindi mapapanatag ang loob ko hanggang hindi nasisiguro ang bagay na 'yon.

Kaso alam kong kanina pa siya gising pero ayaw akong papasukin ng nagmaneho ng van. Malaki siyang tao. Ngayon ko lang napagtanto na hindi lang siya isang driver at baka bodyguard din dahil na rin may hawak siyang baril bago ako mawalan ng malay.

Aftertaste of The Night (Pereseo Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon