Chapter 6

1K 89 50
                                    

͙⁺˚* CHAPTER 6 ͙

Nakaupo lang kami parehas ni kuya sa sofa. Walang nagsasalita sa aming dalawa. Naghihintay kung sino ang unang babasag ng katahimikan.

Natutulog pa sina baby Jai at Bran sa kuwarto.

Naikuwento ko na ang mga pangyayari na natatandaan ko sa kanya habang kumakain kami ng almusal. Minus the parts na hindi naman talaga dapat i-share kahit na sa kapatid mo pa.

He also found out what happened last night. When Bran and I got home—since Maddie didn't return to the condo with us—my brother asked where we were.

I was still thinking of an excuse when Bran answered.

"We met Toti Vitto at 7-eyeven, Toti Yoyo. He gave me this bike po!" proud na proud na sabi ng anak ko, na para bang binigyan siya ng reward kasi marami siyang inuwing stars galing sa school.

Hindi ko naman gustong tinuturuan siyang magsinungaling, kaya hindi ko na siya sinaway. Hindi ko rin alam paano ipaliliwanag ang bike na pinahirapan akong bitbitin paakyat sa elevator. Ayaw ko naman iwan sa may parking dahil ayaw ni Bran na nawawala ito sa paningin niya. Dito na lang sa taas para hindi niya rin maisipan gamitin.

They have only met once, but I feel that Vittorio is already polluting my son's mind.

Hindi nagsalita si kuya at tumango na lang.

I was the one who broke the silence because he didn't really have any intention of doing anything. "Uuwi ka ba sa Antipolo bago ka bumalik sa abroad?"

Umiling siya at huminga nang malalim. "Aalis din naman na ako in two days."

Kung puwede nga lang umalis ngayon, ginawa na niya. Hindi kasi alam nina Master na umuwi siya ng Pinas. Kaso gusto pa niyang makita muna in person 'yong magiging yaya ni Jairo, na in-refer sa kanya ni Madeline. Bukas pupunta dito.

"Hindi mo rin sasabihin kay na Master ang totoo?" Nagdududa kong tanong.

"For now, but I will tell them soon..." Mabilis niyang sabi. "Aayusin ko lang mga iniwan ko at pagbalik ko sasamahan mo ako. At ipakikilala mo rin sa kanila si Brandon. No more secrets and excuses, Ki."

Matagal akong hindi umimik. Alam kong hindi siya nagbibiro kaya napabuga na lang ako ng hangin.

"Okay. Pero kailan ba balik mo dito ulit?" Matagal pa naman, 'di ba?

"Before Christmas and New Year."

Ampotchi! Agad-agad?

Three months lang ang palugit niya sa akin? September na! Ayun lang ang panahon para makapag-prepare ako? Eh, ang bilis-bilis ng araw. Pakiramdam ko nga kapapasko lang tapos magpapasko na pala ulit.

Ilang kembot ko lang yata at paggising ko Pasko na.

Hindi ko pa naaayos ang sitwasyon ko, at pakiramdam ko mas lalo lang gumulo dahil sa sinabi ng walanghiyang Vittorio na 'yon.

"Hindi ka na magtatrabaho sa ibang bansa?"

"Hindi na."

I simply nodded. His decisions are beyond my control.

Ilang buwan niya lang pala iiwan sa akin si Jairo.

Even though I wanted to inquire about what happened to him and Jess, I decided against it. I'll just wait until he tells me himself.

Kung ako inabot ng pitong taon, hindi naman siguro siya dadating sa puntong 'yon.

˚☽˚.⋆

Aftertaste of The Night (Pereseo Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon