Chapter 22

891 59 31
                                    

‧͙⁺˚* CHAPTER 22 ⁺‧͙

"Ang bilis naman ng bakasyon n'yo," sabi ni Sharina habang abala kami dito sa kusina. Mas pinili ko ang magpaiwan para magluto ng sinigang na bangus kaysa ang sumama sa tatlong Zariego na mamingwit.

Wala na rin naman masyadong gagawin ngayon dahil patapos na ang araw at naikot na yata namin ang buong isla.

Nakita lang talaga ni Bran ang pamingwit kanina kaya kinulit ang tatay niya na manghuli sila ng isda.

"Uuwi na agad kayo bukas?" tanong pa ni Sharina. "Ayaw n'yo mag-extend?"

"Birthday ni Adrik bukas." Nagkibit-balikat ako at ipinagpatuloy ang paghiwa ng kamatis. Pakiramdam ko nga pinapauwi na sila nina Tita Olivia, e. Kaya hindi pa nakasibol ang araw bukas, nasa himpapawid na kami.

"Oo nga pala. Debut niya ano? Pero ang bilis ng araw. Parang kahapon lang kayo dumating."

Paanong mabilis, apat na araw na kami nandito? Pasko pa lang nandito na kami at bagong taon na sa susunod na araw.

Wala pang signal dito sa isla at wala ring wifi. Kaya pala wala man lang nagti-text. At may signal lang ang cellphone ko kapag aakyat ng burol. Sa burol na sasakit muna ang tuhod at likod ko bago maabot ang tuktok. Dahil naranasan ko na, hindi ko na uulitin pa.

Tatlong gabi na rin akong hirap matulog kasi napanaginipan ko ulit ang tagpong 'yon na naputol lang ulit sa "Halika dito..." at hindi na nasundan pa. Ampotchingina!

Hindi pa nakatutulong na natutulog kami sa loob ng isang kuwarto. Dahil nga nagpapanggap kaming mag-asawa at tiningnan pa ni Lola Alma kung ginagamit ba talaga namin 'yong kuwarto na inihanda niya para sa honeymoon daw namin.

Hindi naman kami magkatabi sa kama dahil kapag tulog na si Bran, lilipat na siya sa sofa na hindi siya magkasya dahil lumalagpas ang mga binti niya.

I was tempted to suggest that he simply lie down on the bed to make it more comfortable for him. But it seems like he's not comfortable being next to me. And I don't trust myself in this situation. Kapag natutulog ako, nangyayakap na lang ako bigla ng katabi. Baka may magawa ako sa kanyang sadya o kaya mali.

Baka magsisi lang din ako sa huli.

Sa ikalawang araw namin, maaga pa kami ginising ni Tita Gesille dahil aakyat daw kami sa Mahiwaga falls, ang pinakamalaking talon sa tatlong falls na mayroon sa isla.

Pero hindi ko alam na sobrang tarik at mabato pala ang daan papunta dun. Hindi ako nakapag-stretching dahil naalimpungatan pa ako. Pagdating namin sa tuktok, halos magbaklasan ang mga buto sa binti ko. Iniwan kami ng mag-asawa at si Sharina lang ang kasama namin hanggang sa makauwi kami.

Naligo kami sa falls hanggang sa magsawa si Bran. May malaking tree house din sa malaking mangga na malapit sa talon, pero kuntento na kaming nagbuklat ng dalawang malaking telang iniwan ni Tita Gesille. Marupok na raw ang tree house. Natatakot din ako na baka mahulog si Bran. Kaya para lang kami nagpi-picnic sa gilid ng falls.

Kaso nang pauwi na kami, napigtal ang tsinelas ko. Hindi na kayang gamitin at mas okay pang magpaa na lang ako kaysa ang madulas. Hinubad agad ni Vadik ang panyapak niya para ipasuot sa akin.

Pero masama ang tinging ibinigay sa akin ng anak ko. "Do you want daddy to walk barefoot, mommy?"

Kasalanan ko na naman, 'nak?

"No, baby," defensive na sabi ko agad. Hinawakan ko ang kanyang pisngi para humupa ang apoy sa mga mata niya. "May I borrow your slippers and have daddy carry you instead?"

Aftertaste of The Night (Pereseo Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon