‧͙⁺˚*・༓☾ CHAPTER 14 ☽༓・*˚⁺‧͙
Before Vadik could introduce me to his cousins, and Nath got in front of me, I grabbed Psalm's wrist and pulled him away from the crowd.
"Mommy..."
"Stay there with your dad," I said to Bran as he tried to follow.
"What's going on?" I overheard Nath asking Vadik, but I didn't look back.
Tahimik si Psalm na sumunod. Hindi pa rin yata siya nakakabawi sa nangyari dahil bahagyang nanginginig ang kamay niya.
We went out of the gate. I hugged the jacket I was wearing tighter when we were greeted by a cold and strong wind. It blew and messed up my loose hair. The sun had risen a while ago, but it couldn't be seen because of the fog. Umuusok din ang hininga ko. Siguro kasi Desyembre na o araw-araw lang talaga nakabukas ang aircon dito sa Tagaytay.
I was looking at a vast landscape covered in mists and clouds. As I gazed down at the breathtaking view, I felt like I was on top of the world. The well-maintained grass made it seem as though I was in the middle of a massive golf course. The absence of animals made it unrecognizable as a farm. Rather it was like a prolonged painting where we were standing, and the big house of Nath's parents was the background.
Is this their primary residence or just one of their vacation homes?
Nakabibingi ang katahimikan sa paligid kaya naririnig ko ang pagpipigil ng tawa ni Psalm.
Matalim ang tingin na ipinukol ko sa kanya pero itinikom niya lang ang bibig. Pinalobo niya rin ang mga pisngi dahil halatang natatawa pa rin kaya sinuntok ko siya sa sikmura.
"Aray!" Sinapo niya agad ang tiyan. "Ang hilig mo talaga manuntok, Ate—"
"'Wag mo nga sabi ako tinatawag na ate!" Mahigit isang taon lang naman ang tanda ko sa kanya. Hindi niya nga tinatawag na kuya sina Risk at Steel. Siguro dahil palagi kong kasama ang ate niyang si Ezra kaya nasasanay siya, pero ayoko pa rin.
"Sige, lola!"
"Tarantado ka—"
Hindi ko natuloy ang malutong na mura ko dahil naramdaman ko ang mga matang nanonood sa amin. Paglingon ko, nakita kong nakatingin sa amin sina Vadik at Nath. Nakalimutan ko palang isara ang gate. Nakatayo sila sa tuktok ng hagdan na paakyat sa puro salamin at konkretong bahay. Lahat sa lugar na 'to ay paakyat kaya siguradong hihingalin ang sinumang magtatangkang maglakad simula sa pinakababa.
Nath smiled and waved at me, and I hesitated to return the gesture. She slightly elbowed Vadik next to her and mumbled something. Vadik kept silent, his gray eyes fixed on me, as if he was peering deeply into my soul.
Nagtindigan ang mga balahibo ko sa batok. Hindi ko alam kung dahil sa ihip ng hangin o sa titig niya. Parehas kasing malamig.
Hindi ko tuloy makausap nang maayos si Psalm dahil pinapanood nila kami. Para kaming mga aliping saguiguilid na binabantayan ang bawat galaw ng kanilang mga pinuno.
May binulong-bulong si Psalm tapos bigla siyang naglakad palayo.
"Hey! Where are you going?" Nath's faint voice disappeared in the wind. Panic swept over her as she walked down the stairs.
Lumingon si Psalm. "Diyan ka lang! Uuwi talaga ako kapag lumapit ka dito."
Muntik ko nang batukan ang siraulo. Pa-cool ampotchingina!
Nakita ko ang pagtulis ng bibig ni Nath at bagsak ang mga balikat na bumalik siya sa itaas. Hindi ko tuloy napigilan ang mapangiti. Pero mabilis napawi ang ngiti ko dahil nakatitig pa rin pala sa akin ang pinsan niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/355961776-288-k20838.jpg)
BINABASA MO ANG
Aftertaste of The Night (Pereseo Series #3)
General Fiction[ Pereseo Series #3 ] Akira Menaide Pereseo got pregnant before her graduation. She made a promise to herself that she would raise Brandon alone without the aid of her family. But as Brandon grows up, he seeks what she can't provide. He's eager to b...