‧͙⁺˚*・༓☾ CHAPTER 12 ☽༓・*˚⁺‧͙
"Hiwalay na ba kayo ni Jordan?"
Saglit akong natigilan at nagsalubong ang mga kilay. Hinarap ko ang nanay ko habang nagpupunas ng kamay pagkatapos kong maghugas ng pinagkainan namin ng tanghalian. "Hindi, Master. Bakit mo nasabi 'yan?"
Umuwi ako sa bahay dahil pakiramdam ko nagtatampo na mga magulang ko dahil ilang buwan na rin akong hindi nagpapakita. Madalas kong dahilan, busy sa trabaho at rumaraket dahil nag-aabot din ako sa kanila. Kahit na nasanay na rin sila simula college na wala ako dito sa bahay matapos kong sumama kay Maddie.
Matagal lang nakatitig sa akin si Master. Nakasandal siya sa ref at humalukipkip. She isn't really the serious type of person. She's well-known in our compound for being both bubbly and energetic. Most people think she's someone who doesn't have any worries.
Pero pagdating sa akin, parang ang dami niyang iniisip at problema.
Masakit ba talaga ako sa ulo?
Puro tinik sa dibdib lang ba ang ibinigay ko sa kanila?
Pakiramdam ko kasi gano'n ang tingin nila sa akin kahit aminado naman akong wala akong ginawang tama sa buhay ko.
Hindi sila 'yong mga magulang na sobrang strikto at madaming ipagbabawal sa'yo, pero madalas nila akong pagsabihan. Na naiintindihan ko, kasi kung ganito ba naman kasuwail ang kanilang anak, sinong magulang ang matutuwa at magiging proud?
Ang ayoko lang masyado silang nakikinig sa mga bulong-bulong at sinasabi ng ibang tao. Madalas din nila akong ikumpara sa mga anak ng ka-batch nila o sa mga huwarang kabataan kuno dito sa compound.
'Yong anak ni ano...cum laude.
Si ano registered nurse na.
Nakapasa pala si ano sa board exam.
'Yong kaklase mo nung elementary, may ipatatayo raw na negosyo dun sa probinsiya nila.
Magpapakasal na raw 'yong dati mong manliligaw, ah. Kailan ka mag-aasawa?
Anong plano mo sa buhay mo, Akira?
Iniisip ko na lang na nag-iisa lang akong anak na babae kaya doble ang pag-iingat nila sa akin, lalo na ni Master. Palagi niyang sinasabi na 'wag akong tutulad sa kanya. Na seryosohin ko ang pag-aaral at ayusin ko ang buhay ko.
So, when I found out I was pregnant, I chose not to tell them. I didn't want to add to the disappointments and regrets in her life. I was still in college at that time, and she had many dreams for me. I didn't want to disappoint her.
Hanggang sa dumaan ang ilang taon na hirap na akong sabihin sa kanila ang totoo. Dahil kung nagkataon kakalat na naman ang balita sa compound o sa buong barangay. Ako na naman ang magiging hot topic ng mga marites dito sa lugar namin. Katulad na lang nung sixteen years old ako na halos atakehin sa puso si Master sa kunsimisyon.
Ito 'yong panahon na naging boyfriend ko ang bunsong anak ng Kapitan namin. He was my first boyfriend and my first experience. Huli ko na nalaman na ang habol lang naman pala sa akin nung gagong Martin na 'yon ay ang tikman ako.
Little did I know that his cousin was watching, while we were making that shit in his room, to take a video of us.
Kinaumagahan, kumalat ang video sa compound at nagka-barangayan. Nagkasuntukan si kuya Yuen at Martin. Nakisali sa gulo ang mga pinsan ni Martin kaya nakipag-amok din ang mga pinsan ko. Inawat lang sila ng mga tanod. Nahimatay si Master. Parang makapapatay si Bossing. At iyak lang ako nang iyak habang niyayakap ng pinsan kong si Ezra.
BINABASA MO ANG
Aftertaste of The Night (Pereseo Series #3)
Tiểu Thuyết Chung[ Pereseo Series #3 ] Akira Menaide Pereseo got pregnant before her graduation. She made a promise to herself that she would raise Brandon alone without the aid of her family. But as Brandon grows up, he seeks what she can't provide. He's eager to b...