Sa madilim na silid,
Luha sa mga mata'y nanggigilid.
Umaasang sana ay may makarinig,
Sa mga salitang hindi maisatinig.
Bumubulong sa sarili, "Hindi ka na kagaya ng dati",
Katotohana'y ipinagkait ; pagpapanggap ay nananatili.
Burado na ang kagalakan sa mga ngiti,
Kapalit ang bakas ng hilahil at pagsisisi.
Wala na nga yatang mas kasuklam-suklam,
Sa pakiramdam na, "Hindi ka naman kawalan".
Kahit pilitin silang, "Piliin niyo naman ako",
Hindi maitatangging, hindi pa rin para sayo ang mundo.
At gustuhin mo mang maging bato,
Pagdadalamhati'y hindi pa rin maitago.
Kaya't taimtim na panalangin sa kalangitan,
Nawa'y sumpa ng kaisipan ay tuluyan ng wakasan.
- EN -
