November 19, 2023
"Happy Nineteen"
Today is a special day, but it is not my birthday yet. I called it "special" because this date is dedicate for someone who has a very special place in my heart. I have known him for almost 5 years of my stay here in Negros. At masasabi kong isa siya sa mga taong naging inspirasyon ko sa buhay, lalo na't sa mga panahong kailangan na kailangan ko ng taong masasandalan.
Isa siya sa mga nagturo sa akin kung paano lumaban sa mga oras na inaabuso ka na ng iba; tinuruan niya ako kung paano mas mahalin ang aking pamilya; and the most essential part is that he taught me how to love.
A love that is unconditional; a love that will fight for you; and a love that takes time to achieve. Special sa akin ang number "19" because this is the date when I realized that I am in love. Pero saka ko na lang ikukwento kung paano at saan nagsimula, dahil mas gusto ko munang i-keep ang memories na mayroon sa aming dalawa sa kasalukuyan.
Gusto ko munang maging "lowkey" ang lahat, dahil sa personal na ring dahilan. Pero isa na roon ang pagkakaroon ng pribadong aspeto sa isang relasyon. Mas gusto ko ng hindi muna pag-usapan ang mga bagay na tungkol sa mga ganyan, at mas gusto kong maging masaya na lang ng tahimik. Medyo iniiwas ko na ang sarili kong i-post o ibalandra ang natatanging kasiyahang mayroon ako ngayon sa kadahilanang ayaw kong sirain pa ito ng iba.
Hindi ko na gustong balikan pa ang proseso ng nakaraan na kung saan ay wala pa akong masyadong alam sa salitang "pagmamahal", basta't masaya ang estado namin ngayon ay okay na ako. Wala na kaming expectations, at nandoon na ang maturity. But don't get me wrong, para sa akin hindi ko man isinasapubliko or kinukwento sa mga kaibigan ko'y inaamin ko naman sa sarili ko at kay Lord na nagmamahal ako ngayon.
Pagmamahal na hindi "platonic" ha. Iba pa rin kasi talaga kapag kaunti lang ang nakakaalam o mas gusto kong kami na lang. Saka hindi ba? Mas masayang i-share ang mga ganitong moments sa tamang panahon? 'Yong handa at sigurado na kami pareho. Higit sa lahat ay aprubado na ng mga pamilya namin, lalo na ng strikto kong tatay.
Masaya akong kahit papaano ay hindi niya ako iniwan sa kabila ng lahat. Sobrang nakakataba ng puso na hindi siya nayayamot na maghintay, dahil isa ito sa mga katangian na gusto ko. For me, "to wait is to foresee something bigger in the future."
It will always be worth the wait, lalo na't alam mong may patutunguhan ang resultang inaasam-asam mo in the future. Hindi mo kailangang i-pressure ang sarili mo na magmadali, at marami ka pang oras na gawin ang mga bagay na sa tingin mo'y maggo-grow ka. Mahirap naman kasi kung hindi ka pa totally handa, tapos sasabak ka na kaagad sa isang relasyon hindi ba?
Baka dahil sa kapi-pressure mo sa sarili mong magka-jowa ay once na dumating eh mauuwi lang din sa hiwalayan dahil sa mga padalos-dalos na desisyong nagagawa niyo pareho. Kaya para sa akin ang "paghihintay at pagiging handa" ay dalawa sa pinakamahalagang aspeto para magtagal ang isang relasyon.
In short kailangan mo ng NAPAKARAMING PASENSYA SA BUHAY. At ngayon ay sinisikap ko talagang magkaroon ng ganitong pag-uugali kahit pa na hindi talaga ako pasensiyosa.
What can I say about my status? Simple.
"It's getting there."
- EN -
----------------------------------------------------------
A/N: Happy Nineteen to my burnokies. Hindi mo 'to mababasa pero "palangga taka."