Sobrang makasalanan kong tao,
Pero bakit mahal Mo pa rin ako?
Ang bigat-bigat na ng pakiramdam ko,
Pero bakit nandyan pa Ka pa rin sa tabi ko?Bakit ayaw Mo akong iwan?
Bakit ayaw Mo akong sukuan?
Hindi ito parusa o isang pagsubok,
Sadyang mahal mo lang talaga Ako.Bumabangon ako hindi dahil gusto ko,
Binubuhay Mo ako ng naaayon sa plano Mo.
May patutunguhan pa nga ba ako?
Karapat-dapat pa nga bang nagising ako sa araw na ito?Ang dami kong tanong, lapitan Mo naman ako ngayon,
Bigyan Mo naman ako ng sagot.
Dahil pakiramdam ko hindi ko kayang lapitan Ka,
Dahil siguro'y hindi rin ako karapat-dapat na mahalin pa.- EN -