November 17, 2023
"I spend my time telling everyone not to give up, while sometimes I don't even know how to continue"
I saw this certain post on Facebook that hit me too hard to the point that it felt so ironic on my part. Ako kasi 'yong tipo ng taong akala ng iba ay matatas mag-express ng saloobin sa mga bagay-bagay, magbigay ng payo, mag-motivate ng mga taong nangangailangan ng karamay sa buhay, and a person who is always willing to share my thoughts about existence. Somehow, "Existentialist wannabe" kumbaga.
But the truth behind all of those impressions, ironic akong tao. It's not like I am pulling myself down or implicting humility by saying this, but it's true. Isa lamang ako sa mga libo-libo o baka milyong-milyong taong hipokrito hindi lang sa sarili kung hindi pati na rin sa ibang tao. Lahat na lang yata ng sinasabi ko ay kontra sa ginagawa ko at siguro nga'y ginagawa ko lang excuse ang mga pinagdaraanan ko sa buhay at ang pagiging reckless ko sa emosyong nararamdaman ko para lang makatakas sa napakalabong mundong ito pati na rin sa mga taong malabo akong maintindihan.
Is it really bad to tell someone "not to give up" while "most of the times" you do not even know how to continue dahil ayaw mo lang naman na nakikita silang nalulugmok habang ikaw nagpapakatanga at plastik ka sa sarili mong kaya mo kahit hindi naman talaga. Masama bang i-motivate sila dahil hindi mo gustong gayahin nila ang pagpapakitang tao mo sa iba? Na kunwari masaya ka, ang lakas ng tawa mo, todo ang pag-ngiti mo pero deep inside ayaw mo na talaga.
Masama bang iangat mo sila dahil alam mo na kapag nagaya sila sayo ay malaki na rin ang posibilidad na baka hindi na talaga nila kayanin?
For me, my intention of motivating someone is because I do not want them to be like me or to be anyone else. I want them to be more of themselves, ayaw kong mag-give up sila because I have seen a lot of potential on them to the point na kahit ako sa sarili ko ay hinihiling na makuha ko iyon mula sa kanila.
Sana hindi sila gumaya sa akin. Sana hindi na lang nila hilingin o pangaraping maging ako. At sana mas piliin nilang mabuhay hindi dahil sa napipilitan lang sila. Ayaw kong dumating sa puntong pati sila ay maging "ironic" na rin katulad ko na ang galing-galing magbigay ng payo pero ang totoo sila mismo hindi rin iyon ginagawa.
In short, I am not a good role model and that's the truth. Para sa akin at kung ako man ang kikilatis sa pagkatao ko, hindi ako karapat-dapat na tularan ng tao and I don't think I deserve everything that I have...
Nakaka-down ba? Wala eh, ganito ngayon ang nararamdaman ko. Palagi kong sinasabing "kakayanin nila" imbes na "kakayanin natin" kasi para sa akin sa ganitong paraan ko naiaangat ang iba. Na imbes na idamay ko pa ang sarili ko, sila na lang.
Imbes na isipin kong kaya ko, mas iniisip kong "mas kaya nila".
At sa halip na ako at ako na lang... Mas pipiliin ng mga panalangin ko na "sila na lang ang mauna kaysa sa akin."
Because I am beyond happy to see them grow. Mas masaya akong maging parte na lang ng tagumpay nila in the future.
Kahit hanggang doon na lang. Dahil after all, pinipili ko na lang talagang mabuhay para sa kanila.
"Kahit sila na lang, huwag na ako."
- EN -