There are times na pinangungunahan tayo ng "takot" bago tayo natututong "sumubok". The thought of being bombarded by hesitation because of the hurtful effects of judgement and rejection is something that we need to be aware of. Kailangan nating malampasan ang mga bagay na kinatatakutan natin, sa gayo'y matuto tayo kung paano natin patatakbuhin ang mga buhay natin. We also need to acknowledge our fears, dapat tanggapin natin ito in the first place dahil kung patuloy nating paiiralin ang "ego" natin at pipiliting malakas tayo sa lahat ng bagay, hindi ba't mawawalan ng saysay ang presence and true purpose of negative thoughts?
Acceptance or acknowledgement is the first step to our growth process. Kailangang tanggapin natin ang ating kahinaan upang mas magkaroon tayo ng lakas ng loob na magpatuloy sa buhay. Magagawa nating maging "motivation" ang ating "insecurities," kung titingnan nating mabuti ang kagandahang dulot nito sa pagtupad ng mga goals natin in the future.
At sa oras na matanggap mo ang mga bagay na humihila sa iyo pababa, you can now assess your strengths and start to embrace yourself for the best. Dahil sa huli, once na nalampasan mo ang lahat ng ito, mapapangiti ka na lang at maiisip na...
"May rason nga talaga ang lahat ng bagay."
At ang mga rasong ito ay malalaman mo lamang kung pipiliin mong sumabay sa agos ng buhay.
- EN -
