CHANGE

1 0 0
                                        

May mga katanugan na hindi na dapat malaman ang kasagutan sapagkat, ito ay makabubuti para sa ating kapakanan.

Dahil kadalasan sa katotohanan, ang mga tao ay labis na nasasaktan. Oo, kung ano pa ang totoo iyon pa ang ayaw marinig ng mga tao—mas gugustuhin pa yata nilang makibagay sa kasinungalingan dahil ito ang kaaya-ayang pakinggan.

Madalas nilang ikinukubli ang katotohanan sa lahat ng aspeto at sa iba't-ibang persepsiyong kanilang nilalayon.

Bagamat sa katotohanan lamang tayo magiging gising at mulat, pinipili pa rin nating ipikit ang ating mga mata at paniwalaan ang makamundong bahagi ng perspektibong tinatangkilik ng madla.

Maganda sa mata, masarap sa tainga, at tila nagiging normal na ang mga bagay na dati namn ay hindi katanggap-tanggap. Isa itong senyales na talamak na ang makabagong kaisipan na hinaluan ng modernong tradisyon at paniniwala.

Ang PAGBABAGO

Nakakatakot, karimarimarim, na may halong pag-asa at ginhawa ang dating. Iyan ang pagbabagong gusto natin; handa tayong sumugal sa larong walang kasiguruhan; handa tayong maglayag kahit pa hindi para sa atin ang along ating tatahakin; at handa tayong yakapin ang makabagong mundo sa pagaakalang walang pagsisisi at pagiimbot ang matatamasa natin sa dulo.

Dahil ang katotohanan ay naliligaw pa rin tayo.

- x

EMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon