Multo

0 0 0
                                        

Mga bagay na hindi maiwan,
Mga taong hindi makalimutan.
Kahit kailan; kahit saan,
Anino mo'y sumusunod sa akin sa daan.

Mga pagkakataong aking sinayang,
Hindi malimot ang pighati ng nakaraan.
Ikaw pa rin ang nakatatak sa puso't, isipan,
Ikaw pa rin ang hinihiling ng kinabukasan.

Lumipas man ang mga araw, buwan, at taon,
Direksyon ng mga paa'y sa iyo pa rin nakatuon.
Mga akda, at tula'y sayo pa rin ilalaan,
Kahit wala ng pag-asa ang ating nararamdaman.

Ito ang isang bagay na hindi ko maiwan,
Mga mata, at ngiti mo na hindi ko makalimutan.
Kahit kailan; kahit saan,
Anino mo pa rin ang aking susundan


                               - EN -

______________________________________

A/N: This was written in April 05, 2025.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 15, 2025 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

EMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon