A/N: Apart from my reflection sa nauna. This happened earlier bago ko pa makita ang ma-drama na "post" na iyon sa Facebook. I just want to remember this moment kaya "kuwento ko lang."
---
November 17, 2023
Isa nga pala akong Educ student sa isa sa mga hindi naman sikat na paaralan, pero pwede na. Charot, baka kasi ma-report.
Well, ang institusyon kung saan ako kasalukuyang nasa 4th year ng aking pag-aaral ay hindi ko naman maitatangging isa rin sa mga "competitive" institution dito sa lugar namin. Para talagang pinanindigan na nila ang kanilang mission/vision. EME.
But truth to be told, somehow I am beyond grateful na nabigyan ako ng chance na makapag-aral sa paaralang ito. Hindi lang dahil affordable ang tuition fee plus may scholarship pa kung hindi dahil na rin mismo sa mga teachers na nagta-trabaho rito. Sila 'yong mga gurong talaga namang "kapakipakinabang" sa ating lipunan.
I have witnessed how they lead their students to become better. At mas sumasaya ang puso ko dahil ilan sa kanila'y talaga namang paborito ko. Aba't hindi naman siguro pwedeng teachers lang ang pwedeng magkaroon ng favorite na student hindi ba? Dapat tayo rin. PARA FAIR.
So moving on, I have decided on trying to follow their steps by taking up this course and BUWALA! BUAKANANG CHENENES! ANG HIRAP PALA.
"Akala ko kasi dati madali lang." Linya mo rin ba 'yan? Ako rin eh. Ang daming beses sumagi sa utak kong napakadali lang maging guro, magtuturo ka lang naman ng ABCDEFG---IDGAF. O 'di kaya naman ay magtuturong magbilang ng 12345 at sasagot kung bakit "1 + 1 is Magellan" sa mga malikot na estudyanteng nagtatanong o sumusubok na magbato ng jokes sa mga teachers na akala mo may tulay na ang noo sa kakakunot.
Parang natutunan ko na lang i-gaslight ang sarili kong kaya ko 'to kasi magaling naman akong mag-report sa harapan. Kaya ko namang sumagot sa mga tanong minsan detailed pa nga ang mamshie nyo. Tipong isang tanong, napakarami ko ng sinasabi. Not until I got exposed in the actual field of teaching.
Well, part of our course since nasa last year na kami ay ang observation and teaching assistantship. Ang mga ito ang siyang magbibigay sa amin ng realizations sa buhay kung tama pa ba itong daang tinatahak namin, o kung para ba talaga sa amin ang pagtuturo. Hindi pala kasi talaga ito basta-basta no? Hindi lang pwede na "may alam" ka.
"Hindi lang pwede, ang PWEDE NA."
Dito ko napagtantong sobrang hirap maging guro, to the point na pati pagpunta sa restroom ng mga bata ay kailangan pa silang samahan, alalayan sa pagsusulat, paulit-ulit paalalahanang "shut your mouth", at turuang magbasa ng naiintindihan nila ang binabasa nila. Hindi lang pala basta "turo" ang gagawin. Dapat pala maging "masuyo" ka rin. Dapat pala alam mo ang tinatawag na "kiliti" ng mga students mo para maiwasan mong ipatawag sa admin kasama ang magulang sa kadahilanang kailangan mong disiplinahin ang bata.
In short, dapat ang pagdidisiplina ay may halong lambing, para hindi halata sa itsura mo na gustong-gusto mo na talagang pitikin ang bata sa sobrang kakulitan. Na sa mga inner thoughts mo, masarap silang paluin dahil hindi sila nakikinig sayo, pero kasi...
BAWAL.
Sa mundo natin ngayon, mahirap mang tanggapin pero iba na talaga ang paraan ng pagdidisiplina sa mga mag-aaral, at iba na rin ang paraan ng pagpapalaki ng kanilang mga magulang sa kanila. Dati kasi hindi ba? Mas may "pakikinig" na nagaganap dahil mas nagiging independent na ang mga bata sa murang edad pa lang. Hindi sila lumalaking "spoiled" kumbaga, kaya mas maaga rin ang pagkakataong may "maturity" na na tinatawag. Alam na nila kung paano disiplinahin ang mga sarili nila, alam na nila kung paano makinig muna at kung kailan ba dapat magsalita.
Alam na nila kung saan sila lulugar ika nga. Hindi kagaya ngayon na Kinder pa lang, parang mas marunong na kaysa sa magulang. Mas lamang pa ang pagsagot-sagot kaysa sa pakikinig, at gagawing "alibi" ang pag-iyak minsan para lambingin sila.
In short, they are "too dependent." Kaya naman sa pago-observe ko'y kitang-kita ko ang hirap, pagod, pagpipigil, pagpapasensya, at pagpupursige ng mga teachers na maturuan talaga ang mga bata. Hindi na nga nila alam na sabog na mga itsura nila eh, wala ng re-touch, re-touch! Move on na agad sa lesson at pagiging "clown" minsan para mapasaya ang mga bata. Para mas mapaganda pa ang "learning environment." Kahanga-hanga talaga sila sa parteng iyon ng entire observation ko.
Minsan hindi rin natin maiiwasang may mga teachers tayong akala natin wala silang pakialam dahil sa tuwing nagtityaga tayong maging makulit eh hindi nila tayo pinapansin. Siguro kasi ang dahilan nito ay mas pinapairal nila ang pagiging rasyonal kaysa emosyonal. Mas iniisip nila ang mangyayari kung sakaling hindi sila nakapagpigil sa mga estudyante nila. Nagkakaroon sila ng pag-iingat sa mga galaw nila dahil nga sila ay inasaahan ng ating lipunan na maging mga "good role model" sa mga kabataan. At kapag ang klase ng demand na ito ay napurnada, malamang pati lisensya nila sa propesiyong ito ay mawala na lang sa listahan ng parang bula.
Nag-iingat sila dahil mahal nila ang kanilang propesiyon, at dahil mahal nila ang mga bata. Gusto nilang mapabuti ang mga ito at mas maintindihang hindi sa lahat ng oras ay kasama nila ang kanilang mga magulang na magi-ispoil sa kanila ng mga luho nila sa buhay. Karaniwang aspeto lamang ang pagdidisiplina dahil ito ang nagpapatatag sa tao. Ngunit, ang paraan nila ngayon ay parang pangalan ng brand na pulbos, "Tender Care."
Disiplina sa paraang balanse ang pagtingin sa tama o mali. Disiplinang para sa ikabubuti ng lahat ng walang sinasakripisyong lisensya, pangalan, at dignidad. At disiplinang hindi na kailangan ng programa ni Raffy Tulfo.
Sa kuwento kong ito, Jollibee talaga sina ma'am at sir. Hindi dahil bida-bida sila, kung hindi dahil sila naman talaga ang totoong bida. Minsan kailangan lang magbida-bida as strategy or method nila sa pagtuturo pero ang totoo wala talaga tayo kung wala sila.
Hindi natin malalanghap ang sarap ng pagtuklas ng mga bagong kaalaman kung wala ang pag-gabay nila. Hindi natin mararamdaman ang sayang makatulong sa iba kung hindi nila tayo naimpluwensiyahan ng pagkakaroon ng moralidad. Dahil ang rason kung bakit sila ipinagkaloob sa atin ay para tayo ay magkaroon ng pagmamahal sa pagkatuto, buong pusong tinatanggap ang pagkakamali, at magpatuloy sa kabila ng mga dagok na pinagdaraanan natin.
Isa sila sa mga dahilan kung bakit tayo nangangarap, at malamang sa alamang ay naisip mo na rin ang propesiyong ito bilang isang pangarap.
So kuwento ko lang, sobrang hirap maging isang guro. Pero masarap pala sa pakiramdam na sa kabila ng lahat ay naaalala ka ng mga estudyanteng hindi mo inaasahan na makakaalala sayo.
Hindi mo alam na sa sobrang bilis ng panahon, ay isa na rin silang guro o propesiyonal kagaya mo. At finally kaya mo na ring sabihin na...
"Para nga talaga sa akin ang pagtuturo."
- EN -
