Second

3 1 0
                                    


November 15, 2023

"Kumusta?"

          It's a good feeling when someone asks, "How are you?" out of the blue. They asked not because they needed something but to express that they care about you. The curiosity that builds inside their head because of your absence, can make you question your existence as a human being.

       "Deserve ko nga bang kumustahin?" Minsan kasi naiisip ko na hindi ako deserving sa buhay, na hindi ko deserve ang mga natatanggap kong biyaya hindi lang sa materyal na pangangailangan o hangarin kung hindi ang mga taong nakapaligid sa akin. Sometimes I also ask myself, "What have I done to receive these things?" Eh, kung sa totoo lang ay mas madalas ko pang hiniling na hindi na lang sana ako nabuhay.

           Ang dark no? But that's just how I feel. Isang pangangamusta lang nagiging okay na para sa akin ang lahat kahit na sobrang hirap sa pakiramdam na sabihing, "Okay lang ako." The truth is I really feel better when someone asks me this kind of question. Hindi ko pinipilit, pero palagi kong pinipiliing maging okay dahil alam kong may mga taong naghihintay sa akin.

          May mga taong naniniwala sa akin na kakayanin ko even if it means that they sacrifice their time just to ask me how was my day. May mga taong hindi ako kinakalimutan sa kabila ng lahat ng nangyari, nangyayari, at mangyayari pa lang sa mga buhay namin. May mga taong nagsasabing kung hindi siguro nila ako nakilala ay malamang hindi rin nila alam ang gagawin at tutunguhin nila sa buhay. At kung hindi nila ako nakilala, baka raw mas naging madilim pa ngayon ang kalagayan nila.

         It's hard to express how grateful I am to these people. These beings who only want to see me grow and well. Nakakataba ng pusong nariyan sila lalo na sa mga panahong hindi ako okay. Sa mga panahong kailangan ko lang naman ng taong mangangamusta sa akin, yayakapin at dadamayan ako at sasabihing, "Magiging okay din ang lahat."

         At sa mga oras na ganito, mas pinipili kong mabuhay hindi dahil sa iniisip kong deserve ko ang ganitong buhay.

        Pinipili kong mabuhay dahil alam kong kung mawawala ako sa mundong ito, wala na rin chance na makasama ko sila.

- EN -

EMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon