November 16, 2023
"You are not losing, you are learning"
We all have this one or even multiple moments in our lives that the goal that we are expecting to achieve is not for us which can lead to disappointment and melancholic sensation. Tipong ginawa mo na lahat ng best mo pero may tanong pa rin sa huling, "Saan ba ako nagkulang?" o 'di kaya nama'y "May mali ba sa ginawa ko, pinag-aralan ko naman lahat. Pero bakit talo pa rin?"
Today, I want to share something about my friend—a very close to my heart. She is somehow goal-oriented person, idealistic, optimistic, and will always willing to learn about everything. At ang pinakagusto ko sa kaniya is kapag may gusto siyang makuha o ma-achieve sa buhay ay gagawin niya talaga ang lahat at magii-stick siya sa goal na iyon. To the point na nakahiligan na niyang mag-practice kahit pa kasama niya kaming kumain sa canteen, pinipili na rin niyang baguhin ang sarili niya; kung dati ay late siya, ngayon nakaka-amaze kasi siya na ang isa sa mga "punctual wannabe" na nakilala ko.
She loves to read a lot of self-help books na alam niyang mai-inspire siyang gumalaw at gawin ang mga bagay na maybe imposible para sa iba. Isa rin ang pakikinig ng podcast sa mga bagay na gustong-gusto niyang gawin, maybe because she thinks that she will learn best through listening to other people's experiences. I truly admire her for being so manageable sa lahat ng gawain niya. She listens, and reflect which I think two of the most important aspects in this journey.
However, at some point of our lives hindi naman natin maiiwasang mabigo. Hindi rin natin kayang itago ang kalungkutan lalo na't pinaghirapan natin ang isang bagay at hindi natin ito nakuha sa paraang minimithi natin. And if we are optimistic to deal with success, maybe it is also applicable for us to accept what I will call "learning" and not "losing."
Ang kaibigan kong ito na naghangad na mag-champion sa larong kinagigiliwan niya ay nanatiling pangalawa sa nauna. I have witnessed kung paano niya araw-araw na nilu-look forward ang championship, but maybe it's really not for her. I have seen her eyes earlier... It is somehow "gloomy" even if she make happy faces.
Oo, tumatawa siya. Oo, nakangiti siya. Pero maya't-maya'y matutulala, at hindi ko alam kung ano ang nasa isip niya but I all know is that she's not satisfied with the results. I understand how it is difficult for her to be in that kind of situation, kasi kahit ako paulit-ulit ko na rin iyon naramdaman. Narasanan ko na ring mag-set ng goal sa buhay, gawin ang lahat, ngunit may bakas ng kabiguan sa huli.
Maybe it is not okay for now. However, I believe in her. We believe in her. Naniniwala akong daraanan niya lang ang kalungkutan o "idk feeling" na nararamdaman niya ngayon. Naniniwala akong makakayanan niyang lampasan ang mga "silent battles" na kinahaharap niya sa araw-araw, at mas nananalig akong magtatagumpay siya kahit pa sabihin ng iba na "talo ka na".
In the end naman kasi, hindi lang sa isang laban natatapos ang proseso at progreso ng buhay. Maaari tayong mawalan, pero alam nating kung naging masaya tayong ginawa natin lahat ng makakaya natin—siguro'y masasabi natin ang mga katagang...
"You are not losing, you are learning."
Sa buhay, paninindigan ko na. Hindi tayo matatalo hangga't tayo ay natututo.
- EN -
A/N: I highly believe that this friend of mine will inspire many people in the future. Katulad ngayon, wala pa ngang future, na-inspire na niya ako kaagad. "Cute kasi siya ih, sheesh!" XD
