Ngayon Kaya?

0 0 0
                                    

Paano kung hindi ako lumisan?
Paano kung nanatili ako sa aking pinanggalingan?
May pag-asa pa kayang mabago ang tadhanang aking nararanasan?
May pag-asa bang magtagpo ang aming mga daan?

Tama pa bang umasa sa isang bagay na walang kasiguraduhan?
Wasto ba ang sumugal sa pagkakataong ipinagkakait sa inyo ng panahon?
Ngayon kaya ang tamang oras o baka naman,
Sa hinaharap ko pa malalaman ang mga kasagutan?

Pasan ko ang bigat ng sitwasyong aking ginagalawan,
Kasama ang takot na baka ako'y mapag-iwanan.
Hanggang kailan ko kayang tiisin ang hindi maipaliwanag na damdamin?
Hanggang saan ako dadalhin nitong lihim na pagtingin?

Gayunpaman, mananatiling bukas ang aking isipan,
Sa mga posibilidad ng kinabukasan.
Pipilitin kong gawing kapana-panabik ang takbo ng buhay,
Kahit pa hindi ako maging matagumpay.

  - EN -

EMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon