Chapter 16: I need to learn
Napabalikwas ako ng makarinig ng sunod-sunod na katok. Agad akong bumangon at binuksan ang pinto. Bumungad naman sa akin ang iritadong mukha ni Jihen.
She hissed. "Dress up! May gagawin tayo. Bilisan mo, sa Orion tayo mag-kikita!" saad niya at agad umalis.
Walang-gana kong sinirado ang pinto at pumasok sa banyo. Binilisan ko nalang maligo at namili ng damit na sa tingin ko ay komportable para sa akin. Hindi na rin ako nag-abala pang tumingin sa salamin at agad sinimulang suklayin ang mahaba kong buhok. Agad agad akong lumabas sa aking silid at bumaba sa hagdanan.
Bigla naman akong napahinto at napalinga-linga sa paligid. Hindi ko alam ang daan patungo sa Orion na sinasabi ni Jihen. Hindi man lang niya sinabi kung saan ako liliko.. sa kanan ba o sa kaliwa?
Pinili ko nalang ang kaliwa at nagsimulang maglakad. Deritso lang ang lakad ko hanggang sa may daan na naman na kailangan kong mamili.
"You must be lost."
Agad nalipat ang tingin ko sa likod ng makakita ng isang lalaki. Kumunot ang noo ko dahil hindi ko ito kilala, ngunit nakasuot ito ng roba na may kaparehong simbolo na sinusuot nila Fuma at Kura.
"This is our symbol." muli niyang dagdag ng makitang nakatitig ako sa suot niya.
"Saan ka papunta?" tanong niyang muli.
Binalik ko ang tingin sa kanya. "Orion." tipid kong sagot.
Ngumiti naman ito. "Let's go. Doon rin ako papunta." sagot niya. Napatango naman ako at hindi na nag-salita pa ngunit sa kaloob-looban ko napahinga ako ng maluwag.
Agad itong kumanan kaya napasunod nalang ako sa bawat hakbang niya. "I saw what you did yesterday, at nagpapasalamat ako at pinili ka ni Kazuki." masaya niyang kwento.
He adressed Captain by his name, he must be close to him. Hindi naman ako sumagot at tanging nakasunod lang sa kanya.
"I'm Seika, and you are?"
"Haruka." sagot ko. Wala ba siya sa Cedar kahapon?
"Haruka... what a nice name. Did they know what kind of magic do you have?"
"What do you mean?" balik-tanong ko.
"Sinabi mo ba sa kanila ang mahikang taglay mo?" ulit niyang tanong.
Umiling ako kahit hindi niya nakita. "Hindi." sagot ko.
I didn't tell anyone about my magic. Pinapakita ko lang sa kanila. Ngunit maaring may alam na ang iba lalong-lalo na ang nakakita kahapon. I can control things using my voice. My words have power and ability to manifest the reality.
"You have a pretty cool magic." tanging sagot niya at lumingon pa sa akin.
Tumitig lang sa ako sa kanya at walang pinakitang emosyon, ngumiti naman ito habang nakatitig sa mata ko. "You're just like him... with your eyes." bulalas niya na hindi ko naintindihan.
Huminto naman kami sa isang pintuan at agad niya itong binuksan, sumunod lang ako sa kanya papasok at bumungad ang sinasabi ni Jihen na Orion. This is massive. Pati dito nagkalat ang mga chandelier sa taas, kulay gintong upuan at lamesa at pagkain... maraming pagkain ang nasa harap na maari mong pagpilian.
"This is our orion, Haruka. Look, Jihen was looking at you already." saad pa niya at tinuro si Jihen na mariin paring nakatitig sa akin.
Lumingon naman ako kay Seika, "Maraming salamat. Mauuna na ako." paalam ko bago pumunta sa gawi ni Jihen.
BINABASA MO ANG
Verdentia Empire: Endless Rebirth
ФэнтезиIn the outskirts of the Verdentia Empire lies a humble town named Eldoria, teaming with peasants and commoners. A peasant who was abandoned by the capital and criticised by the nobles and royalty. Among them is Haruka. Unlike other people from their...