Chapter 4: Threat
"May nahanap ba kayo?" tanong ko sa kanilang dalawa.
Nilibot namin ang buong bakuran ni Ginang Emi. Sa mga pananim niya, mga alagang hayop niya, at ang bakuran niya. Ngunit, wala akong nakita. Napunta naman ang tingin ko kay Mei ng may itinaas itong crest. Nabigla naman ako na napalaki ang matang kinuha ito sa kamay niya.
"Bakit? Ano yan, Haruka?" naguguluhan nitong saad.
Isinilid ko naman ito sa bulsa ko at umiling sa kanya. "Wala." tipid kong saad. Nalipat ang tingin ko sa burol, ito ang nagsisilbing daanan ng mga taga loob ng pader bago makarating dito sa Eldoria.
Sana naman... sana naman ay dumating sila. Kahit isa lang. Dahil hindi ko alam kung bakit may crest na galing sa Ravenholm Empire dito sa Verdentia.
Nabalik ang tingin ko kina Mei at Reo. "Ako na ang mahahanap, bumalik muna kayo sa mga bahay niyo."
"Bakit? Tutulong kami, Haruka!" sagot ni Reo sa akin.
Malalim akong napahinga at kinuha ang crest sa bulsa ko at itinapat sa kanila. "Ito ay galing sa emperyo ng Ravenholm." pauna kong saad sa kanila. Nakita ko naman ang pagkabigla sa kanilang mukha. "... hindi ko alam kung bakit ito nandito? Kung may naglagay ba nito? O isang taga Ravenholm ang kumuha kay Ginang Emi. Subalit... hindi natin alam ang mangyayari sa susunod na oras. Kaya umuwi muna kayo sa inyo." pagtatapos ko.
Napatakip naman sa kanyang bibig si Mei habang nakakunot ang noo ni Reo na tumingin sa akin. "Paano mo nalaman na sa Ravenholm 'yan, Haruka?"
Right! Hindi ito tinuro sa amin, hindi tinuro sa kanila. Ang alam lang nila ay ang crest na galing dito sa Verdentia. Napaiwas naman ako ng tingin at nag-isip ng maaring madahilan. Ngunit agad nahagip ng mata ko ang pangalan ng nasabing emperyo.
Agad kong ipinakita sa kanila ang pangalang Raverholm sa gilid ng crest. Napatango naman silang dalawa at hindi na nagtanong pa.
"Tayo na!" tipid kong saad.
"Paano si Ginang Emi?" alalang tanong ni Mei.
"Wala tayong sapat na lakas at nyxia para matunton kung nasaan siya ngayon. Kailangan nating maghintay ng tulong." sagot ko.
"Paano kung walang Sentinel ang dumating?" tanong naman ni Reo.
"Tayo mismo ang pupunta sa kanila." huling saad ko at tumalikod.
Ngunit bigla kaming naalerto ng makarinig ng sigaw, agad napadikit si Reo at Mei sa akin na tila hindi alam ang nangyayari. Napaseryoso naman ako at tumingin kay Mei.
"You have a super speed magic, right?" tanong ko.
Ngunit kumunot lang noo nito, napahilamos naman ako ng mukha. "Dalhin mo ako sa parte ng sumigaw!"
Napatango naman si Mei ngunit napakunot parin na tumingin sa akin. "Reo, bumalik ka sa pamilya mo. Mei pagkatapos mo akong mahatid, bumalik ka rin sa pamilya mo!" utos ko sa kanila.
"Paano ka, Haruka?" sabay nilang tanong.
"Kaya ko ang sarili ko! Ngayon na!" giit ko.
Napahawak naman si Mei sa kamay ko. Ramdam ko pang nanginginig ito dahil ngayon lang ito nangyari sa Eldoria. Parang hangin kaming tumatakbo sa rumaragasang mga tao na tila hindi alam ang gagawin. Pilit ko rin pinapatagan ang loob ko ngunit masama talaga ang pakiramdam ko sa paligid.
Nyxia.
Napakadaming nyxia. At hindi ito ang nyxia ng mga nakatira dito sa Eldoria. Naiiba. Hindi ko mawari kung alin. Nanlamig naman akong makitang patungo kami sa bahay-ampunan. Bigla namang huminto si Mei at nanginginig na tumingin sa harap.
BINABASA MO ANG
Verdentia Empire: Endless Rebirth
FantasíaIn the outskirts of the Verdentia Empire lies a humble town named Eldoria, teaming with peasants and commoners. A peasant who was abandoned by the capital and criticised by the nobles and royalty. Among them is Haruka. Unlike other people from their...