Chapter 41: Ravenholm
Agad akong napatayo nang makarinig ng katok galing sa pinto. Binuksan ko naman ito at bumungad ang mukha ni Jihen na nakataas ang kilay.
"Nasa Cedar na sila. Let's go." sambit niya.
Tumango ako at agad kinuha ang bag na dala ako at sinuot ang roba ng Cronus. Agad ko ring sinirado ang aking silid at tahimik na sumunod kay Jihen.
Walang masyadong myembro ngayon dito sa Cronus. Narinig ko kanina na lahat sila ay binigyan ng misyon ni Kazuki. Kaya pala masyadong tahimik ang paligid.
Ngayon kami pupunta ng Ravenholm. Hindi ko alam, magka-halong kaba at sabik ang nararamdaman ko. Ni minsan hindi ko pinangarap makalabas sa Eldoria at mapunta dito sa loob ng emperyo ngunit ngayon... hindi ko akalain na pupunta ako sa kabilang emperyo.
Napakalayo rin ng suot namin sa temperatura sa emperyo. Muli naming suot ang mga damit na pinamili namin sa Molcow dahil nararapat lang ito sa temperatura ng Ravenholm ngayon.
Ang damit naman na susuotin ko sa kaarawan ng Reyna at hawak ni Kura. Talagang pinilit niyang siya ang mag-bitbit dahil alam niyang isisilid ko lang ito sa maliit ko na bag.
May masama ba doon?
Malakas naman na tumibok ang puso ko ng pumasok kami sa madilim na pasilyo. Sa loob ng ilang araw ngayon ko lang muli makikita si Kazuki. Nang makarating sa Cedar, agad kong nakita si Kura at Fuma na kumakaway, ang seryosong mukha ni Kazuki at si Fana na nakatingin lang sa amin ni Jihen.
Napahinga naman ako ng maluwag ng makita ang kalagayan ni Fuma. Napayuko naman ako ng makarating kami sa harap.
Kazuki cleared his throat, "The Sunstone was already in the Capital. Nag-sasalitan ang mga Captains kasama ang kanilang Sentinel nila sa pag-babantay nito." bungad niya.
Tahimik akong napatango sa sinabi niya. Napatingin naman ako kay Fana ng bigla itong mag-salita, "We told to them about those person that we fought.. given the fact that they are after the Sunstone, there's a possibility that.. they will attack the Capital. But that just a hunch but still pwedeng mangyari." mahabang sambit ni Fana.
"So, ngayon? Ano ang gagawin namin sa Ravenholm?" Tanong naman ni Fuma.
"I already gave our names. You'll need to accompany me." sagot ni Fana sa kanya.
Kumunot naman ang noo ni Fuma at tumingin sa akin. "How about Ginang Emi, Haruka?" tanong niya.
Malakas naman na binatukan ni Kura si Fuma saka hilaw na ngumiti sa akin. "Hindi niya kasi alam.." she nervously laughed.
Patago akong napabuntong-hininga at tumingin kay Fuma. "I already found Ginang Emi." tipid kong ani.
Masaya namang tumingin si Fuma sa akin. "Wow! So ano? Natanong mo ba? Maayos lang ba siya?" dagdag niyang tanong.
Akmang sasagot ako muli ng maunahan ako ni Kazuki.
"She attacked you, Fuma. She's an enemy." malamig niyang sagot.
Napasinghap naman si Fuma at napa-iwas ng tingin. Narinig ko pang tahimik itong pinapagalitan ni Kura sa gilid.
"Nevertheless, take this mission as your vacation. Because we need to do something once we're back here in Verdentia." seryoso niyang sambit.
Sabay kaming napatango sa sinabi ni Kazuki. Hindi na rin ako kumibo at tanging nakatitig lang sa kanila. Napalingon naman ako sa likod nang biglang dumating si Seika kasama Captain Mizu. Kumaway pa si Captain Mizu sa akin bago bumasangot na tumingin kay Kazuki.
![](https://img.wattpad.com/cover/346159028-288-k978625.jpg)
BINABASA MO ANG
Verdentia Empire: Endless Rebirth
FantasiIn the outskirts of the Verdentia Empire lies a humble town named Eldoria, teaming with peasants and commoners. A peasant who was abandoned by the capital and criticised by the nobles and royalty. Among them is Haruka. Unlike other people from their...