Chapter 27: Auction
Pagpasok namin sa pintuan iniluwa kami sa isang mahabang pasilyo. Nangunguna parin si Kazuki sa amin habang nakasunod kami sa kanya. Mula dito rinig na rinig ang mahinang musika na tila ba dinuduyan ka sa'yong pagtulog.
"Paano mo nakita ang pinto?" mahina kong tanong ko sa kanya.
Tumingin naman si Kura sa akin at lumapit, "I used my magic to silently cover the area. Until, suddenly my water got absorbed that's when I saw that." bulong niya.
Napatango naman ako sa sinabi niya at hindi na nag-salita. Nakarating kami sa hangganan ng pasilyo kung saan may isa na namang pinto, napahinga ako ng malalim ng dahan-dahan itong binuksan ni Kazuki at bigla kaming napadpad sa isang storage area.
"Let's go!" agad na saad ni Kazuki. Doon ko lang napansin ang nagsasayawan at nag-tatawanan sa harap namin kung saan kitang-kita sila dahil sa salamin na pader na nakapalibot sa loob.
Agad kaming humalo sa mga taong nandito. A quickly changed of atmosphere suddenly appeared. The sound of murmurs and whispers filled the air. An aura of elegance and grandeur was filled inside the hall.
Mabuti nalang at naayon ang suot namin sa kung anong suot ng mga taong nandito. Ang napansin ko lang ay mabibilang lang ang mga nasa kaparehas namin na edad habang ang iba ay mga nasa mid-20 o 30 na pawang nakasuot ng suit at marangyang dress.
"Si Fuma!" mariin na bulong si Kura sa akin.
Agad kong nilingon ang tiningnan niya at nakitang nag-tatawan si Fuma kasama ang dalawang babaeng kasing-edad lang namin. They looked like they're having fun and Kura looked at him deadly in her eyes.
"Lagot siya sa akin!" dagdag na bulong niya.
"Probably he's doing his mission." tipid kong saad sa kanya.
Malalim naman itong huminga at tumingin sa akin. "Maybe. Wait. Ano bang pake ko?! Tayo na nga!" sagot niya sa akin at hinila patungo kay Kazuki na naghihintay na ngayon sa isang puting mesa sa loob.
"The auction will began shortly. Be ready."
Agad na bulong ni Kazuki nang makalapit kami sa kanya. "Are we planning to stole it?" hindi ko mapigilang mai-tanong.
"Hoy, haruka! Hindi tayo magnanakaw no!" Kura retorted.
"No. We're going to buy it." mahinahong sagot ni Kazuki sa akin.
Napatango naman ako sa sinabi nila at hindi na nag-salita. Pinili ko nalang ilibot ang paningin sa buong bulwagan. Conversation filled the room, blending seemingly with the soft music playing in the background. Nakita ko rin si Fuma na naka-upo malayo sa amin habang kasama parin niya ang dalawang babae kanina.
Biglang humina ang ilaw sa loob, ang kaninang nag-uusap na mga tao ay biglang tumahimik at bumalik sa kanilang mga upuan. A spotlight was spotted in the front, lahat ng mata ay napunta sa lalaking nasa harapan ngayon. He's wearing a black tuxedo, his commanding presence captured the attention of the people inside the hall.
"Ladies and gentlemen, I welcome you to the grand auction of Dreris!" he boomed.
Sinagot naman siya ng palakpak ng mga nandito kaya agad kaming napasunod. "I see that we have a lot of guests from different city. Did someone spilled the tea?" tila birong saad niya. Ngunit nanatili kaming seryoso habang ang iba ay tahimik na nagbulong-bulungan.
Bigla naman itong sumenyas sa gilid at isa-isang pumasok ang limang babae na may bitbit. Hindi ko alam kung ano ang iba ngunit napako ang tingin ko sa pinakahulihan kung saan bitbit ng isang babae ang isang bato. Literal na bato. But the pattern, the color, the presence. It is a Sunstone.
BINABASA MO ANG
Verdentia Empire: Endless Rebirth
FantasíaIn the outskirts of the Verdentia Empire lies a humble town named Eldoria, teaming with peasants and commoners. A peasant who was abandoned by the capital and criticised by the nobles and royalty. Among them is Haruka. Unlike other people from their...