Chapter 1

7.8K 222 15
                                    

Dominique Lorre Fuentes

" Sige na naman Dominique, parang wala naman tayong pinagsamahan nyan  e " Nagtatampong sabi nito habang nakakuyabit pa rin sa aking braso ang mga kamay nito.

" Hindi nga pwede, Monique. May duty ako sa  Bar nun. Babawi nalang ako sayo sa day off ko promise " Iniimbitahan kasi ako nito sa birthday party nya this Friday. Hindi naman daw bongga ang selebrasyon, pang pamilya lang daw kaya di ko kailangang mahiya. Little did this brat know na kaya nga ayaw ko dahil sya na din nagsabi na pang pamilya lang nila yun. Hindi naman ako Alegre  kaya nakakahiya kung makikisali ako dun.

" Nakakainis ka naman e! Ah basta, kapag di ka pumunta magkalimutan na tayo ha" Sabi nito tsaka padabog na inalis ang sariling kamay sa pagkakalingkis sa akin.

Akmang inis na tatalikuran na ako nito nang hilahin ko ito sa buhok para pigilan sa pagalis. Ang arte eh.

" Okay, oo na pupunta na nga. Para ka talagang batang punyemas ka eh no?" Nakita kong umangat ang sulok ng labi nito bago bahagyang umakto na nasasaktan sa ginawa ko. Artista talaga ang isang to.

" Yeheyy, sabi ko na di mo matitiis ang kagandahang babae ko e, pero bitawan mo naman yang buhok ko, gaga. Baka mamatay na ako nyan" Oa na react nito kaya binitiwan ko nalang kahit di naman ganun kasakit yun.

" Alam mo nic, Di ka dapat nag architecture. Mag artista ka nalang " Natatawang  komento ko dito na agad ikinaikot ng mata nito. 

" Basta ha ?  Pumunta ka, baka eme eme mo lang yan at chinacharot charot mo lang ako, pag hindi ka pumunta lagot ka talaga sakin" Banta pa nito bago ito tuluyang sumakay sa magarang sasakyan na naghihintay dito. Hindi nya na ako inalok sumabay dahi alam nya namang tatanggi ako.

Monique and l became best friends when we were freshmen.We were also classmates back then,Natagusan ito first day of school , sakto na ako ang nakapansin dahil nasa likuran ako nito that time . I lend her my jacket and that's the beginning of our friendship dahil di na sya humiwalay sa akin mula noon. Minsan nga e naiilang na ako dahil halata naman ang agwat namin sa buhay dahil kitang kita naman na mayaman ito sa mga gamit at suot pa lamang hindi tulad ko ma swerteng nakakuha lang ng scholarship para makapag aral sa unibersidad na ito. 3rd Year na kami ngayon, sa awa ng Diyos ay kinakaya naman kahit ako lang ang sumusuporta sa aking sarili at sa pag aaral ko.

Masaya naman ang buhay namin sa probinsya dati, May maliit na sakahan si Papa na tinataniman nya ng palay at gulay na sya namang ibinibenta ni Mama sa pwesto namin sa palengke. Di naman kami ganun kahirap, sapat naman para mabuhay at makakain ng tatlong beses sa isang araw pero determinado akong iangat ang buhay namin. Yung hindi na nila kailangang magbungkal ng lupa para makakain. Tumatanda na din kasi sila ,dapat kumilos na din ako. Kaya nang makita ko sa internet yung post about sa scholarship na inu-offer ng Saint University ay di na ako nagsayang pa ng oras. Naririnig ko kasi sa mga kaklase ko nung highschool na dun sila mag aaral dahil malaki at sikat na unibersidad daw iyon.

Nang matawagan nga ako ay agad akong nagpaalam sa magulang ko na luluwas para kumuha ng exam sa naturang scholarship, ayaw nila akong payagan nung una dahil unang pagkakataon na malayo ako sa kanila pero talagang ipinilit ko. At heto na nga ako ngayon, still fighting. Salamat nalang talaga sa Diyos at pinagkalooban ako ng utak kahit papano.

Hayy, namimiss ko na sila pero kailangang magtiis. Kunti nalang naman. Matatapos din ito.

Bumuntong hininga na lang ako at agad naglakad sa paradahan ng jeep upang makapasok na sa trabaho.

Waitress ako sa isang Bar tuwing gabi ng weekdays at sumasideline naman akong crew sa isang fast food restaurant tuwing sabado at linggo. Kung tatanungin nyo ako kung nakakapagod ba ? Syempre  naman, pero wala eh. Kailangang kumayod.

Taming Celeste Rein Alegre(Intersex/GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon