Chapter 13

4.4K 226 39
                                    


" Ga-graduate  na tayo, Anong plano mo after? Sure ka ba na ayaw mo sa company namin? "  Tanong ni monique
bago muling sumimsim sa baso ng alak na hawak nito.

We're currently in a bar, having a blast. Nagpapalipas lang ng sama ng loob.

" Sino ba nagsabing ayaw ko ? Eh andun Si Rein, kung saan sya, syempre dun ako"  Kunot noong sagot ko dito.

" Aray ko po! Letse. Bakit ba kasi yun?!" Iritadong tanong ko dahil kinaltukan ako nito sa noo.

" I'm trying to be sarcastic here oh, patol na patol ka naman. Kelan ka ba kasi titigil, Dom?  Ako sumuko na e. Di ko na kayo siniship kasi ako ang nasasaktan para sayo. Kelan ka ba matatauhan ?"
Biglang sumeryoso ang muka nito, which is madalang lang talagang mangyari.

" What do you mean ? I love her since day one, and l don't have plans on giving up as long as l'm alive. Kahit abutin pa ako ng habang buhay kakahintay na gustuhin nya pabalik." Seryosong balik ko dito.

Yeah right,

Rein and l don't have a good relationship until now.

Even  After  2 years of marriage, hindi ko manlang nagawang bawasan yung inis nya sa akin.

We're sleeping in a separate room. Ayaw na ayaw nya na makikita ako o madikitan ko manlang na para bang may nakakahawang sakit. Ganun pa din sya gaya ng dati. Laging galit to the point na nagiging unreasonable na minsan.

I don't get her. Ayaw nya sa akin, pero kapag nasa iba naman ang atensyon ko at may mga umaaligid sa akin, nagagalit sya. 


Nahihirapan ako, pero ni minsan, hindi ko rin alam sa sarili ko kung bakit Hindi sumagi sa isip  ko ang sumuko.

My family in the province didn't know my situation. Ang alam lang nila, nag aaral ako rito. Hindi nila alam yung pagkabaliw ko sa babaeng di ko naman kayang abutin.

" You know what , dom? "




" Syempre Hindi, hindi mo pa sinasabi e" agad na bara ko kay Monique. Tanga talaga nito e.

" I'm serious nga! " Inis na sabi nito sabay alog pa sa akin habang hawak ako sa magkabilang balikat.

" Ano ba kasi yun?" Tanong ko nalang dito para matapos na.

" Di ko maiwasan na sisihin yung sarili ko kung bakit ka nagkaganyan. I think l ruined you. I'm a bad best friend " Naluluha pa ang mga mata nito.

" What do you mean ? "  Kunot noong tanong ko rito.


" Kung hindi ko ipinilit kayo ni ate dati, wala ka sana sa sitwasyong ganito ngayon. Hindi ka sana nasasaktan araw araw."

" Alam kong alam mo na ako ang may kagagawan ng lahat noon pa man, kung  bakit kayo humantong sa kasalan. Di ko naman alam na magiging ganito katigas si ate Rein eh. I thought l saw love in her eyes before.. when she's looking at you. but l guess I'm wrong." Nakayuko lang ako habang nakikinig sa kanya. Gusto kong isipin na dala lang ito ng alak kaya ganito kami ka emosyonal na dalawa ngayon.


" Kung ako nga na nakikita ka lang na masaktan, nahihirapan at napapagod na.. paano ka pa kaya? Durog na durog ka na, dom. I don't think l'm able to see you like this. Just accept the fact that she won't ever love you back kahit pa lumuha ka ng dugo" ngayon umiiyak na talaga ito. Ngayon ko lang sya nakitang ganito. Lagi syang jolly at puro encouragement ang lumalabas sa kanya pagdating sa amin ng ate nya.  So whyy?

Is there something happened kaya sya  nagkakaganito ngayon ??





" Hindi ko  alam kung kelan ako susuko, hindi ko rin alam kung kelan ako mapapagod, nics. It's hard to be in this situation pero parang mas di ko kakayanin kapag di ko na manlang makikita si Rein. Kaya kahit saktan nya ako araw araw, as long as I'm able to be with her, ayos lang " hinaplos ko ang kamay nito na nasa ibabaw ng hita nya.


" But don't worry, once na sobra na, ako na rin yung kusang hihinto. Just not now. Hindi ko pa kaya" Sabi ko nalang para Hindi na sya maguilty.

Sa loob ng mahabang dalawang taon na nakalipas, hindi manlang nag improve ang pagsasama namin ng ate nya.


I tried to make a move. Nililigawan ko sya araw-araw, kinukulit, pinaglilingkuran, pero baliwala lang lahat.

Ilang beses na rin syang  nakiusap sa akin ng divorce. Gusto nya na raw makalaya. Pero pinanghahawakan ko pa rin na balang araw, mamahalin nya rin ako.















Susuray suray akong lumakad paakyat sa kwarto ko.Naparami yata ang inom namin ni nics.

Pinindot ko ang switch ng ilaw  at bumungad sa akin ang nakasisilaw na liwanag at nakabibinging katahimikan.

Agad ko nalang pinatay ulit dahil di ko alam kung bakit ako nalulungkot.

Sobrang dami ko nga sigurong nainom. Kinapa ko ang sofa para doon nalang sana matulog ng may sinag ng ilaw akong nakita mula sa labas.

Sa halip na sa sofa ay wala sa sariling naglakad ako papunta sa bintana kahit medyo di ko na maituwid ang lakad ko.


Pero sana pala hindi ko nalang ginawa. Tama nga sila, na kapag lasing na.. matulog na.


What a sight. My wife is in another man's arms and ...  They're kissing.

Lucas...





Agad nalang akong tumalikod upang tunguhin ang sofa na unang pakay ko. Basta nalang akong nahiga roon at itinakip ang aking braso sa mga  mata para magkunwaring tulog.


Maya-maya pa ay bumukas ang ilaw. I heard her footsteps Pero napahinto nang siguro ay makita ako ngunit saglit lang at maya maya pa'y narinig ko na ang pagsara ng pinto.

Ramdam ko ang tuloy tuloy na pagdaloy ng masaganang luha sa gilid ng mga mata ko.

Alam kong nakita nya yun, pinili nya lang na wag pansinin.

Gusto ko sana syang komprontahin, gusto kong magtanong dahil gusto kong malaman kung bakit naman ganito,

pero sa huli.. pinili ko na wag nalang. Kasi alam kong kapag ginawa ko yun, mawawala sya ng tuluyan sakin.

I was going to sleep with a heavy heart nang biglang may maramdaman akong mainit na tela na bumalot hanggang sa  balikat ko.



Pinakiramdaman ko lang sya. It caught me off guard ng bigla nya akong yakapin.





She seems sad. I don't know if she knew that l was still awake or what, so I'm just going to pretend that l'm not kahit pa gustong gusto ko na din syang yakapin.



" I'm sorry " mahinang usal nito


" I..."



"  Just hate me. I know l deserve it. Please don't ruin yourself because of me .. just sign the divorce paper. I want freedom. Don't make me hate myself "  huling saad nito bago ako ulit iniwan.




l cried all night. Binuhos ko na lahat ng luha ko. Sinigurado kong wala ng matitira pa.

Did l made her miserable? Am l the reason why she's sad ?
Ako nalang ba talaga yung may gusto nito?

It pains me kahit isipin ko palang, but now, I made up my mind ...









Bukas na bukas, palalayain ko na sya.





















______________&&&

Oh ayan, deserve nyong masaktan. HAHAHAHA. Babyeeeeeeeeee

Taming Celeste Rein Alegre(Intersex/GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon