Chapter 6

4.4K 240 22
                                    

"Nics, Dun tayo gumawa ng plates sa inyo, tulungan na din kita dyan" Mataas ang energy na aya ko  sa kaibigan kong busy sa paggawa ng plates nya.

Wala kasi kaming klase ngayong hapon dahil may meeting ang lahat ng professor ng buong Architecture Department kaya free kaming gawin ng mas maaga yung mga pending tasks namin.

Kahit busy ako sa work, nagawa kong matapos ang sakin on time dahil ginagawa ko yun pag free time ko. Pero itong isang to , nararattle ngayon dahil inuna ang kalandian sa buhay.

" Sus, if l know may hidden agenda ka na naman. Di yun uuwi, sure akong nasa kung saang lupalop lang ng university yun ngayon. Pero sure, tara na!" Wow, ambilis kausap ni gaga. Mabilis pa sa kidlat na iniligpit nito ang ginagawa.

Gusto ko sanang umatras dahil wala naman pala akong mapapala pero nahila na ako nito hanggang parking lot.

Masyadong desidido sa buhay!

Napailing nalang ako at walang nagawang sumakay sa kotse nya.

Scammer ampta.








Walang ganang nakasalampak lang ako sa sahig at nakahalumbaba habang ginagawa ang isa sa mga plates ng scammer kong kaibigan.

Andito kami sa salas nila. Nakadapa kami pareho sa  carpeted nilang sahig dahil dito malaki ang space kaysa sa kwarto nya, sure na di magugusot at pweding pwede kahit sabay pa kaming gumawa.

" Ikaw wag tatamad tamad, ikaw sira akin negosyo. Ikaw hila ko nguso kapag yan di tigil haba" Ala Chinese na   puna nito sakin na lalong ikinasambakol ng muka ko.


Taena talaga nito. Di mo masabi kung joke ba yun, kasi ang waleyy.


" Panong di hahaba, eh sawang sawa na ako sa pagmumuka mo." Inirapan ko pa to para dama nyang masama talaga loob ko.

" Ay wow! Sino ba nag aya ng bebetime natin na'to? At tsaka I'm so pretty kaya. Andaming nahuhumaling sa mukang to, tapos pagsasawaan mo lang? Eh ikaw nga di ka Crush ng crush mo e"
Ay yawa, naisingit pa talaga. Inaano ka bang punyawa ka at nang aano ka ha.

" Para sabihin ko sayo, malapit na bumigay yang ate mo sakin. Nagpapakipot lang para di halata na krass nya din ak-"

" What are you doing here ? And what kind of shit are you talking about?"  A cold voice interrupt me from my speech

Agad akong napalingon dito at nabungaran ang salubong nitong kilay.


" M-mahal, ikaw pala. Kinukwento ko lang kay Monique kung gaano ako ka Loyal sa-"


" Sorry, Rein. I took a while. Nahirapan ako ipasok yung sasakyan e" A guy from nowhere interrupts me again. What's wrong with them? Palagi nalang akong di Pinapatapos.

Sinamaan ko to ng tingin ng humawak pa ito sa Baywang ni Rein. Who's this shit? Sarap balian ng kamay.

Lalo pang dumilim ang paningin ko ng hawakan din ng huli ang kamay nito na nakahawak sa baywang nya at nginitian ng matamis ang pangit na lalaking ngiting ngiti ngayon.

Naglakad na sila deritsyo sa sofa na parang wala kami doon. Tila nawala sila sa Mundo dahil sa presence ng isa't isa. Sanaol diba ? Ngayon ko lang sya nakitang sobrang interesado sa kausap.

Napahawak ako sa dibdib ko dahil parang may kumurot dun.



" You want a snack, dom? " Agaw atensyon sakin ni Monique habang parang may kung ano sa mata nito. Awa?  Why ? Is that her sister's Boyfriend?

Di ko maiwasang mapatingin ulit sa mga bagong dating. Nahuli ko pang nakatitig sakin si Rein pero agad ding nag iwas ng ng makitang nakatingin ako sa kanila.


" Is that her boyfriend? " Bulong ko kay Monique. Nakatitig rin lang ito sakin na tila hinihintay ang gagawin o magiging reaksiyon ko.  Is she expecting na magwawala ako or something?

Sa totoo lang, gusto ko. Pero anong karapatan ko ? Edi masaktan.

Karapatan kong masaktan kasi magkakagusto na nga lang ako, dun pa sa mahirap paamuhin.

" I don't think so, suitor perhaps? It's her first time bringing that guy here. Pero familliar, Baka classmate or block mate nya.She didn't even bother to introduce him to us. " Napatango tango nalang ako sa sinabi nya. Medyo nakahinga ng maluwag sa thoughts na manliligaw palang naman e.



" So ano? Gusto mo nga ng meryenda?" Alok ulit nito sakin.

I'm happy that there's a possibility na hindi pa sila pero hindi ko naman sila kayang panuodin na halos mawala na sa sariling mundo nila sa sobrang lapit sa isa't isa.

Is that her type? To be fair, magandang lalaki din naman yung kasama nya. Hindi masyadong malaki ang katawan pero meron din namang mga muscle. A typical good boy look kumbaga. Yung tipong tingnan mo palang alam mong mabuting tao na, tapos mukang mayaman pa.

Napangiti nalang ako ng mapait. That's my biggest insecurities. I'm nobody. Wala akong mapapatunayan sa kanya. Ang taas nga naman yata ng pangarap ko.



" Hindi na nics, May duty pa ako eh. Mauuna na din ako ha. Next time, tutulungan ulit kita"  l lied , off ko ngayon kaya din malakas ang loob kong yayain sya dito kanina.l smiled at her pero alam kong di yun umabot sa mata ko.

Makulit ang isang to at sure na di ako papayagang umalis lalo't alam kong alam nya namang off ko tonight,pero luckily, wala itong imik na tumango lang sakin ngayon.

Did she read between the line? Or it's just too visible right now on my face that I'm hurting .


I didn't bother to look at the scenery that caused my heartache.


Kinuha ko nalang ang bag ko na nakalagay sa tabi nilang dalawa. I can see that she's eyeing me on my  peripheral vision pero wala akong gana magpapansin sa kanya ngayon. I'm not in the mood.

Masama ang loob ko dahil parang ga-langgam lang ako sa malaking parte ng buhay nya na kahit matapakan or mapisa nya, masaktan at mawala bigla-- wala syang magiging pakialam dahil hindi  naman sya magiging apektado pero wala naman akong magagawa e.



Gusto kong magustuhan nya din ako as how l am to her, but at the same time l wanted the best for her. At alam kong hindi ako yun sa ngayon.

I trust her judgement. Mapili sya sa mga taong pinapapasok nya sa buhay nya kaya sigurado  akong mabuting tao naman yung  kasama nya.

I'm in pain right now, but I'm glad she finally found someone na makakapagpangiti sa kanya.  Her eyes was sparkling while talking with him kanina kaya alam kong  masaya sya.

Kasi ako, kilay nya lang ang kaya kong pagsalubingin araw araw e.







Bagsak ang balikat na walang lingon lingon na naglakad nalang ako palabas.




















_____________________

Ginalaw ko na ang baso. Galaw galaw rin mga accla. Bahala kayo, wakas na to. Hahaha

Taming Celeste Rein Alegre(Intersex/GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon