Dominique Lorre Fuentes
" Cheers ! Happy birthday to me! Buttoms up!" Masayang sigaw ni Nics habang nasa ibabaw ng mesa dito sa Mini bar nila. Pero hindi naman mini bar yata ang tawag dito e, kasi ang lawak. Iba na talaga ang mayaman. Marami ding iba't ibang klase ng matatapang na alak dito na halata mong imported. Kaya siguro bumili pa sila kanina ng dyosa nyang ate kasi it's not suitable for the beginner like her.
Speaking of her, after kumain umakyat na ulit ito sa kwarto nya at hindi na nakisali sa kasiyahan ngayon. Ang tamlay ko tuloy.
" Hi there, are you enjoying the party , cutie? " Nagulat pa ako sa biglang sumulpot sa harapan ko. Isa ito sa mga magagandang pinsan nila Nics. Ang ganda talaga ng lahi. Siguro kung magkaka anak kami ni Celeste, sobrang ganda din. Shit kilig betlog ako.
" Ah, yes. " Tipid na sagot ko dito dahil nakakahiya. Hindi naman kami close.
Napansin yata nito na naiilang ako sa kanya. Pero sa halip na umalis at iwanan ako dito ay nakangisi nitong mas idinikit pa ang katawan sa akin. Nakadampi na ang mga nagmamalaki nitong melons sa dibdib ko na bahagya nalang bumukol dahil wala naman talaga ako nun. Dalawa likod ko e.
" You're cute, willing akong maging pulutan mo ngayong gabi, subtitute sa ulam na di mo natikman kanina. I really don't mind if you try me " Nang aakit na sabi nito sa akin with matching lip bite pa. Punyemas , napaka tempting ng offer nya pero pass ako. Kung nauna sana ito nangyari bago ang pagtatagpo namin ni Mahal, baka sakaling kagatin ko pa.
" L-lasing ka na yata. Gusto mo hatid na kita sa tutulugan mo?" Offer ko dito. Pero hinila lang ako nito sa batok at akma ng hahalikan kung di ko lang naiharang ang lata ng beer sa bibig ko kaya ang ending e dun sya napahalik.
" A-ah ano, tawag yata ako ni Monique, una na ako ha ?" Natatarantang sabi ko at agad na tinanggal ang pagkakakapit nya sa akin. Narinig ko pang tinatawag ako nito pero parang walang narinig na mas binilisan ko pa ang mga hakbang at dali daling lumapit kay Nics na agad naman akong inabutan ng hard drink ng makita ako.
Tinanggap ko nalang at ininom. Nang maubos ay agad ulit akong napasimsim sa dala dala kong beer ng magtama na naman ang paningin namin nung pinsan nya na sobrang sama ng tingin sakin ngayon. Ganyan ba tumingin pag bitin. Lol
Ilang saglit pa ay naramdaman kong umipekto na sa akin ang alak. Nakikipag sayawan na rin ako sa kanila. Si Monique ay kanina pa knock out, hinatid na nila ito dahil lasing na lasing na agad, mahina pang nilalang dahil siguro first time nya uminom ngayon, di pa naseminar.
Paulit ulit pa ang bilin nya sa akin kanina na dito daw ako matutulog at tabi daw kami habang hinihila na sya ng Daddy nya, binilinan nalang ako nito na nasa taas ang kwarto ni Nics at dumiretsyo nalang ako dun mamaya.
Ilang oras pa ang lumipas, Halo halo na ang nainom ko kaya siguro sobrang hilo ko na din ngayon. Abot nalang kasi ako ng abot ng mga shots na binibigay nila sa akin dahil nakakahiya namang humindi. Dayo pa naman ako
Gusto ko sanang umuwi pero alam ko sa sarili kong di ko na kaya. Hahanapin ko nalang siguro ang kwarto ni Nics. Sabi naman diba nung Dad nya na sumunod nalang daw ako sa taas. Hindi kaya sa langit ang sinasabi nya? Napabungisngis nalang ako habang pasuray suray na umaakyat sa hagdan na binabaan ni Mahal kanina. Halos yakap yakap ko na yung bannister ng hagdan dahil baka mahulog ako. Ayaw ko pang mamatay no, di ko pa naanakan crush ko.
Nang matapos akong makaakyat ay bigla naman akong naistress kung saang pinto ako papasok sa dami ng pinto dito. Ang lawak pa. Eh kung dito nalang kaya ako matulog sa sahig, mukang komportable din naman dahil mas makinis pa yata sakin ang sahig nila.
BINABASA MO ANG
Taming Celeste Rein Alegre(Intersex/GxG)
RomanceLove at first sight, that's what Dominique Lorre Fuentes felt for her Best friend's Older sister, Celeste Rein Alegre. The first time she laid her eyes on that stunning woman awakened every part of her, even her little secret in between of her legs...