Chapter 18

5.4K 240 16
                                    

" Sige na kasi ate, para namang others talaga eh! Di ka ba nabobored dito ? Puro ka nalang trabaho kaya maaga kang tumatanda e, kasi bukod sa di ka na nga nadidiligan, di ka pa marunong mag enj--"

Di na nito naituloy ang sasabihin ng batuhin ko ito ng lampshade na nauna kong nadampot.

Abat- bastos talaga ang bunganga ng isang to.

Ever since, magkaibang magkaiba na talaga kaming magkapatid sa lahat ng bagay. Pero bakit parang palala naman yata sya ng palala everyday ?
Hindi ko kinakaya.

"Holy shitt! That's a fucking lampshade, a fucking lampshade ate Rein! Balak mo ba akong patayin?!"  Nanlalaki pa ang mata nito habang pabalik balik ang tingin sa akin at sa lampshade na ngayon ay wasak na dahil sa lakas ng impact nito.

Apaka OA.

Inikutan ko lang to ng mata at ipinagpatuloy ang pagbabasa habang prenteng nakaupo sa kama ko.

Sa totoo lang,Kanina pa kami paulit ulit dito. Niyaya kasi ako nitong magswimming at magchill sa labas dahil wala namang work today, but it's not just my thing.

Di talaga ako mahilig mag unwind. Kaya nga siguro naiipon ang stress ko at kung kani-kanino ko naibubunton.

" Okay fine. Bahala ka mabulok dyan, I give up." Sumusukong saad nito. Mukang effective yung lampshade ah.

Nakahinga ako ng maluwag ng marinig ko  ang yabag nito na papalabas na ng kwarto ko .

Magiging tahimik na rin sa wakas.

" Mapuntahan nalang nga sila Dominique at Chelsea. I'm sure they're already enjoying the day " I don't know kung sinadya nito iyong iparinig sa akin or what dahil medyo malakad iyon pero parang sarili nya lang ang kausap nya.

" Wait, what did you said ??" Paglilinaw ko dito. Baka kasi nabibingi lang ako. Mahirapa na.

" Na bahala ka na dyan, di na kita pipilitin lumabas ?" Kunot noo naman nitong sagot sakin.

" No, the last one" ulit ko at itiniklop na ang librong binabasa ko para ituon na sa kanya ang buong atensyon ko.

" Ahh, The day ?"  kala mo ay clueless na tanong din ulit nito.

Is she making fun of me or is she just a plain stupid brat?

" Pag di mo pa inayos yang sagot mo, itong mismong lamesa na ang ibabato ko sayo"  nauubusan ng pasensya na banta ko rito.

" Chill, ang sabi ko pupuntahan ko nalang sila Dominique at Chelsea -"

" And why are  they together?"
I cut her

" I don't know, maybe dahil magkasama sila? they got along and fell in lo-"

" Where exactly are they ?" Putol ko ulit sa walang kwentang sinasabi nito.

" Nasa pool area malamang, mainit pa kasi sa dag-"

" That's enough, just leave my room. You're too loud " l said as l flip the pages of the book l am holding.

" Tamo tong  matandang to, tatanong tanong tapos di manlang ako halos pag salitain "  bubulong bulong itong  lumabas na ng tuluyan sa kwarto ko pero di ko na narinig kung anong pinagsasabi nito dahil may iba akong iniisip ngayon.

Halos 30 minutes na ang lumipas mula ng umalis si Monique.

Kalahating oras na din akong paulit ulit basahin ang isang page ng book na binabasa ko dahil hindi ito maabsorb ng maayos ng utak ko.

" Gosh! I can't believe this" Padabog na tumayo ako sa kama at agad na naghanap ng pamalit bagi dumiretsyo sa bathroom dala dala ang swimsuit na napili ko.

I just wear a nude pair of swimsuit na bumagay at mas nagpalitaw pa sa kaputian  ng balat ko.

Pinatungan ko lang ito ng white long sleeve na nagsilbing cover up ko.
Nang makuntento sa hitsura ay agad na akong lumabas ng room patungong pool area.

May kalayuan ito kunti sa area kung saan itinatayo ang resort ni Mr. Gochangco kaya kailangan pang maglakad ng 10 minutes.

The place was crowded. May iilan na agad ang napapalingon sa akin kahit suot suot ko pa ang sleeves ko.
Kitang kita ang admiration sa mga mata nila.

Maybe because l walk like a ramp model in front of them. I'm confident naman kasi sa hitsura at sa katawan ko kaya wala silang maipipintas sa akin.

Agad kong iginala ang paningin ko upang hanapin ang pakay ko.

I'm expecting to see  Dominique with Chelsea flirting in the pool area gaya ng nasa imagination ko kanina habang nagbabasa, but it's just Dominique and Monique  l am seeing now.

Fuck. I'm so stupid to be here.

Tatalikod na sana ako para bumalik sa room ko ng mapalingon sa akin ang pesting kapatid ko.

And as expected, isinigaw lang naman nito ang pangalan ko dahilan upang mapalingom din yung iba pati na yung kasama nya sa akin.

I have no choice, so l just walk towards them.

Medyo nailang pa ako dahil titig na titig sa akin yung katabi nya.

Andami din namang nakatingin sa akin kanina pero hindi naman ako nakaramdam ng ganitong pagkailang.

" I thought you're not going? Ikaw ate ha-"

" Shut up. It's just so hot in my room. Kaya naisipan kong magbabad muna to freshen up" l reasoned out dahil yun naman talaga ang totoo.

" Papaanong mainit, eh may aircon- sabi ko nga, ang init talaga dun kanina, parang andun yung papa ni lucifer sa sobrang init" Biglang bawi nito dahil sinamaan ko ng tingin

Napatingin ako  kay Dominique, di ko mapigilan na hagudin din ng tingin ang kabuuan nito.

Parang ang init naman yata bigla.

" oh Wow, ulalammmm" malakas na sabi ni monique habang may tinititigan sa likuran ko, kaya napatingin din ako roon at agad ring napaismid sa nakita.

The Gochangco siblings in their swimwear attire.

Pero mas napatitig ako sa babaeng Gochangco dahil sa iisang deriksyon lang nakatingin ang mga mata nito habang ngiting ngiti.

" Hi guys, you're also here. Sana nagsabi kayo para sumabay na kami " friendly na bati nito nang tuluyang makalapit sa amin

Lalo akong naasar dahil di manlang ito nahiyang titigan ang katawan ni Dominique. The nerve.

Di nalang ako umimik at hinayaan nalang na si Monique ang makipag usap sa dalawa. Di ko na rin lang pinansin ang titig ni Chris na hindi talaga humiwalay sa akin mula ng dumating ang mga ito.

Napaismid nalang ako ng habang nagkukwentuhan sila ay pasimpleng tumatabi si Chelsea kay Dom.

Dinadaan daan sa patawa tawa tapos hahawak sa braso nito.

Kakaimbyerna.

" I'm taking a deep" Seryosong paalam ko dahil nagiinit talaga ang ulo ko ngayon. Di ko na hinintay ang sagot nila at agad ng hinubad ang white sleeve na suot ko bago naglakad papunta sa pool.








__________________

Ayudaaaa hahaha. Thank you so much for supporting my story. Road to 1k followers na po tayo. Big achievement as a newbie.

Patalastas:

For those who wants to give me a token of appreciation here's my Gcash account number👇
09516297588
Any amount will do. And wala pong pilitan dito. Sa willing lang po.

Thank you so much po pala sa mga nagsend. Sobrang laking tulong po. Legit yung smile ko. Thank you mga lodicakes

Taming Celeste Rein Alegre(Intersex/GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon