02

28 3 0
                                    

"Group yourself into maximum of ten."

Humarap kaagad sa akin si Maya at Asha na may malawak na ngiti. They told me to be at the same group with them. We have a group activity in Science. We are going to make a circuit. Kahit ano roon. Kami ang pipili.

"Kulang pa tayo! Mas okay kung more than five tayo." Sabi ni Maya habang inililibot ang paningin nito sa paligid.

Zierah was already on our group. Of course, it was Maya who told her to be in our group. Pumayag naman si Zierah kaagad. Ayaw din yata niya sa ibang group. Wala rin naman siyang pakialam.

"Ayon, oh, sila Russel." Sabi ni Asha at itinuro ang direksyon nila Russel sa kabilang linya. Mukhang naghahanap din sila ng ka-grupo.

"Hoy, Mendoza!" Malakas na sigaw ni Maya. Hindi naman siya sinisita ng teacher namin dahil ang lahat ay nagkakagulo rin. They are creating their group. Some are already having a meeting about the project.

Naglakad palapit sa amin si Russel. Kasama sila Markus, Fred, at Trent. I think, palagi naman silang magkakadikit.

"Ano'ng kailangan mo? Wala akong pera." Sabi kaagad ni Russel kay Maya.

"Wala akong pakialam sa pera mo! May pera naman ako." Sabi ni Maya at inirapan siya.

"May ka-grupo na kayo?" Tanong ni Asha sa kanila.

Umiling si Markus. "Kami-kami lang."

"Oh, sumama na kayo sa amin." Sabi ni Maya.

"Safe ba rito? Baka bumagsak kami." Russel stepped backward like we were a parasite.

"Napakaarte mo! Natural lang naman bumagsak!" Singhal ni Asha sa kanya.

Nagtalo pa sila roon bago sila tumigil para mag-meeting kami. Una naming pinag-usapan kung saan kami gagawa. Hindi kami palaging nasa school kaya kailangan namin ng lugar na puwedeng substitute sa campus. Hindi rin naman kami makakagawa ng komportable sa school dahil baka paalisin kami. Though, puwede namang tumambay dito, mas okay pa rin na may place kami.

"Kaninong bahay puwede?" Maya asked. Tumingin pa siya sa aming lahat bago ibinalik kay Russel ang tingin nang magsalita ito.

"Sa inyo." sabi ni Russel.

"Sige, sa inyo na lang." Asha laughed a little when she heard Maya's quick answer.

"Gago." Russel rolled his eyes.

"Dapat, una nating pinag-uusapan 'yong gagawin na project, hindi 'yang bahay." Markus meddled.

"Okay, boss..." Russel salute at him. "What are your thoughts?"

Natapos na ang oras pero hindi pa rin namin napa-finalized kung ano ang gagawin namin. Pinabalik na ni Ma'am ang lahat sa kaniya-kaniya nilang upuan dahil tapos na ang oras niya. Bumalik naman ang lahat ng classmates namin sa kaniya-kaniya nilang upuan.

We agreed to see each other after class later. Next week ang pasahan ng project. Kung pagtutulungan naman namin ay matatapos kaagad iyon. Sana lang ay makagawa kami ng maayos.

We had four more subject before the class ended. Lumapit sa amin sila Russel at inaya na kaming sabay-sabay lumabas. Close na close na kaagad sila. Napatingin pa ako kay Zierah nang hindi sinasadya. Sobrang tahimik niya! Hindi nga ako makapaniwala na sasama siya sa amin nang ganoon kadali. I was expecting that she would refuse. I thought, susungitan niya kami like what she did to Maya on the first day of school.

"Wait!" Lahat kami ay napahinto nang huminto si Maya na nasa harapan namin. Nakatingin siya sa cell phone niya. "Bawal sa bahay, guys! May bisita daw si Mommy."

Sea of Lights (Rich Daughters Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon