14

8 1 0
                                    

"Last day na ng Foundation week!"

Napatingin kaming lahat kay Maya nang malakas niyang sabihin iyon. Nasa loob na kami ng campus at hinihintay na lang na magsimula ang programa. Sa quadrangle ang main reception kaya marami nang estudyante na nakasalampak doon.

Today is the extended day of Foundation week. Hindi na kami nakasuot ng uniform. Lahat ay nakasuot ng sibilyan. Wala na ring outsiders dahil moment daw ito naming mga Roosevelt students.

"Masaya ang Foundation week ngayong taon kaysa last year." Sabi ni Asha. "Bobo mga Student councils last year." Umirap pa si Asha na parang may galit siya sa mga Student council last year.

Nakalimutan ko na kung sino ang mga Student councils last year. Hindi rin ako umattend ng Foundation day last year. Hindi rin naman required na pumunta noon.

"Yo!" Russel appeared with Markus, Fred, and Trent. Halatang galing sila sa Music room para sa rehearsal ng performance nila mamaya.

"Galingan niyo uli mamaya." Nakangiting sabi ni Maya sa kanila.

"Lagi naman kaming magaling sa mga performance." Sabi ni Russel.

"Bakit parang iba ang ibig sabihin n'on? Two meaning." Markus said.

Natahimik sila at lahat tumingin kay Markus. Ako naman ay tiningnan silang lahat, naguguluhan sa nangyayari.

"Gago." Fred muttered in a low tone, but we can still hear.

"Dapat hindi ka na lang nagsalita." Sabi ni Trent sa kanya sabay iling.

"Why? Ano 'yon?" Hindi ko na napigilang magtanong. Sa akin naman silang lahat tumingin ngayon. "What?" Gulong-gulo na talaga ako.

Mas lalo pa akong naguluhan nang bigla silang tumawa isa-isa.

"What was that?" I asked again.

"Huwag mo nang alamin." Asha said, trying to calm herself from laughing.

Pumunta na kami sa quadrangle dahil magsisimula na ang event. Sumama sa amin sila Trent. Mamaya na raw sila pupunta sa backstage dahil mamaya pa naman daw ang performance nila. Parang encore na lang daw iyon kaya manonood muna sila ng event.

Gaya ng mga nakaraan, sumalampak kami sa damuhan nang tabi-tabi. Si Zierah ang katabi ko sa right side, katabi niya si Maya at katabi ni Maya si Asha. Si Trent naman ang katabi ko sa left side. Katabi niya si Fred at katabi naman ni Fred si Markus. Si Russel naman ang nasa tabi ni Markus. Sa harapan uli ako ang pwesto namin.

Nakita pa namin si Red sa baba ng stage malapit sa amin. Nasa gilid siya kasama ang ibang miyembro ng Student council. Nakita ko roon si Sandro. Nginitian niya ako kaya sinuklian ko rin siya ng ngiti.

Bahagyang napakunot ang noo ko nang mag-smirk siya pero hindi siya sa akin nakatingin, kay Trent. Napalingon ako sa tabi ko at nakitang nakatingin si Trent kay Sandro ng masama. Sinusubukan niya lang na huwag ipahalata, pero nahalata ko pa rin.

Umiwas lang siya ng tingin kay Sandro nang mapansin akong nakatingin sa kanya. Nginitian ko siya at nginitian niya rin ako.

"Dapat bumili tayo ng snacks para may kinakain tayo while watching." Sabi ko.

"Gusto mo bang bumili tayo?" He asked.

Tumango ako. "Kaso tinatamad na akong tumayo." Sabi ko at nangalumbaba.

Natawa siya. "Sige! Ako na lang ang bibili." Sabi niya sabay tayo.

Napansin nila Russel ang pagtayo ni Trent kaya napatingin sila sa kanya.

"Saan punta mo?" Russel asked.

"Bibili." Sagot ni Trent.

"Sama!" Mabilis na tumayo si Markus.

Sea of Lights (Rich Daughters Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon