"Happy halloween!"
Malakas na boses ni Maya ang bumalot sa buong classroom. Ang bilis ng araw. It's November now, and then next would be December. Tapos na ang taon. Sa mga nakalipas na buwan ay maraming nangyari na para bang hindi iyon nangyari sa ilang buwan lang. Para bang nangyari iyon sa loob ng maraming taon.
Isa roon ang panliligaw ni Trent sa akin.
Walang nagbago sa pakikitungo niya sa akin. Kung mayroon man, iyon ay mas nadagdagan ang mga ginagawa niya sa akin. Tinatapos niya ng maaga ang gawain sa Film club para lang ihatid ako sa bahay at sunduin. Minsan ay nasasabihan ko na siyang hindi naman niya kailangang gawin, pero sadyang mapilit siya kaya hinayaan ko na lang din.
"Pupunta kayo sa Halloween Ball? Punta tayo! Masaya 'yon." Masayang sabi ni Maya.
"Malamang pupunta ako!" Umirap si Asha kay Maya. "Mag-iisip pa ako ng susuotin na horror costume."
"Witch ako!" Maya exclaimed.
"Witch ka pala?" Biglang sulpot ni Russel. Kasama niya si Markus na nakapatong sa balikat ang braso habang may malawak na ngisi sa mukha. "Gago. Bruha ka nga!"
Halatang gusto lang asarin si Maya. Wala kasi kaming teacher kaya malaya silang tumayo at gumala sa classroom, pero hindi sila makalabas dahil hindi sila pinayagan ni Zierah. Unless may importante silang gagawin sa labas, gaya ni Trent. Pumunta siya roon sa Film club. Nagpaalam siya sa akin na may tatapusin lang daw siya. Tingin ko, hinahabol na naman niyang tapusin iyon para maihatid ako mamaya.
Napailing ako pero napangiti pa rin ako dahil kinikilig ako. Trent was so good on driving me crazy. Baka bigla ko na lang siyang sagutin!
"Suggest costume." Sabi ni Russel.
"Shrek. Tutal kamukha mo naman 'yon." Pang-aasar ni Maya sa kanya sabay irap.
"Ikaw nga kamukha mo si Dobby, eh, pinagkalat ko ba?" Pang-aasar din ni Russel sa kanya. Malamang na hindi talaga siya magpapatalo.
"Bakit hindi na lang kayo mag-costume ng Shrek at Fiona?" Pumagitna si Asha sa kanila at nagtaray.
"Tang-ina, 'di na, 'no!"
"Yuck!"
Sabay na sabi ni Maya at Russel habang nakangiwi ang mukha, diring-diri sa isa't-isa.
"Seryoso nga. Suggest costume?" Nagsalita na si Markus.
"Vampire." Sagot ko.
"Nice! Ang tino kausap ni Riley." Markus held his hand for a high five. Ngumiti ako bago nakipag-high five sa Kanya.
"Ikaw, anong costume mo?" Nagulat ako nang umakbay bigla sa akin si Trent at itanong iyon. Kararating lang niya galing sa Film club at hindi ko siya naramdaman.
"A-Ah, w-wala pa akong naiisip." Sagot ko. Gosh! I'm stuttering! Ginulat niya kasi ako.
Buong weekend, nag-isip ako kung ano ang isusuot ko sa Halloween Ball namin. I even research on google what to wear during Halloween Ball. Maraming lumabas kaya lalo akong nahirapang mamili. I told Kuya Hans to accompany me on the nearest mall. May nakita akong isang shop na maraming tinda na costumes for Halloween. Umikot ako roon para maghanap ng susuotin.
There's a lot of costumes kaya nahirapan pa rin ako. Parang sumasakit ang ulo ko sa event na ito. Sa totoo, okay lang naman sa akin kahit alin dito, kaso baka hindi bagay sa akin at magmukha pa akong tanga.
"Oh, how about this?" I whispered as I scan the costume I saw in a manikin.
It's an angel costume. White dress that has above the knee lengthe. A white wings and a white halo ring above. May kasama pa itong wand. I looked around to check if there's a saleslady, at mayroon kaagad lumapit sa akin nang mapansin na may hinahanap ako.
BINABASA MO ANG
Sea of Lights (Rich Daughters Series #4)
RomantizmRich Daughters Series #4 Alegre is a family of Architecture. But, Riley chose to take a different path and pursue her dream of becoming a Fashion Designer. She is pure and kind that everyone likes to be her friend, including Trent, a Film Student.